Chapter 1

195 11 17
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 1


Binilisan ko pa lalong kumuha ng mga damit sa cabinet ko na inilalagay ko sa malaking bagpack ko. Magtatanghali na rin kasi at tatagal din ng higit walong oras ang byahe ko papuntang Maynila. Baka traffic pa. Ayoko pa naman ng ginagabi masyado sa daan.

"Anak, naayos ko na sa kusina 'yung mga ulam na ipapabaon ko sa'yo. Kainin mo 'yon lahat anak, ha? Luto ni nanay lahat 'yon."

Napalingon ako kay nanay na nasa bungad na pala ng kwarto ko. Hinawi niya ang kurtinang nagsisilbing pinto ng maliit kong kwarto para makita akong mabuti. Hindi ko agad siya napansin dahil nakatalikod ako sa banda niya habang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko.

Nakangiti siya sa'kin kaya napangiti rin ako. "Opo, nanay. Salamat po."

Ramdam kong sinusuyod niya ng tingin ang mga damit na kinukuha ko. "Kailangan mo ba ng tulong, anak? 'Wag mo kakalimutan ang payong at mga jacket mo, Maybelle. Para kapag malamig doon sa Maynila, may magagamit ka."

Natuwa agad ako dahil sa mga paalala niya. Humarap na ko sa kanya at umiling. "Hindi na po, 'nay. Kaya ko na po ito. Magpahinga ka na lang po doon sa sofa sa sala. Baka napagod ka po magluto."

"O siya, sige... Doon muna ako. Huwag ka nang magtagal diyan masyado at baka gabihin ka pa masyado sa daan. Delikado magbyahe ng gabi," tuloy-tuloy na bilin niya habang naglalakad na siguro patungo sa sofa sa sala ng maliit na bahay namin para magpahinga.

Hindi nagtagal at natapos na rin akong mag-ayos ng gamit. Isang bagpack lang na may lamang iilang damit, mga libro at iba pang mga gamit ko sa school. Nasa tinutuluyan ko sa Maynila na rin kasi ang karamihan ng mga damit ko kaya nagdala na lang ako ng iilang extra.

Pagkalabas ko ng kwarto, naabutan ko si nanay sa kusina na nilalagay na sa isang malaking paper bag ang mga ulam na ipapabaon niya sa'kin. Nakalagay ang mga iyon sa tupperware.

Napatingin agad siya sa'kin at nang makitang nakasukbit na sa likod ko ang bagpack ko, ibinigay na niya agad sa'kin ang paper bag. "Sige na, Maybelle. Bumyahe ka na at baka gabihin ka pa."

"Sigurado ka po ba 'nay na nandito na bukas si Ninang Lourdes? Baka po hindi pa siya makakabalik bukas. Pwede naman po akong umabsent muna para may kasama ka dito, nanay," pag-aalala ko.

Naiiwan kasi mag-isa si nanay dito sa bahay tuwing nasa Maynila ako dahil may pasok ako. Si Ninang Lourdes na pinsan niya ang sumasama sa kanya. Minsan kasi, dalawa o tatlong beses sa isang buwan lang kung makauwi ako dito. Bukod kasi sa sayang ang pamasahe, marami rin talagang ginagawa sa school.

"Hindi na, anak. Tumawag naman sa'kin kanina si Lourdes para kumpirmahin na uuwi siya. Ayos na ko dito 'nak."

Tumango ako at ngumiti. "Alis na po ako 'nay." Yumakap ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Marahan niyang ibinalik ang yakap ko. "Sige na't tumulak ka na. Ayokong gabihin ka sa daan."

Hinatid na niya ko sa may gate at tumawag na kami ng tricycle na magdadala sa'kin sa terminal ng bus na sasakyan ko pa-Maynila.

"Mag-iingat ka doon sa Maynila Maybelle," paalala niya pa ulit bago tuluyang umandar ang tricycle.

Nang magsimula ng umandar ang sinasakyan kong bus, kinuha ko na ang earphones ko at sinalpak sa magkabilang tenga ko. Sa tantya ko, wala namang traffic kaya baka hindi ganoon katagal ang byahe.

This has been my life for more than two years now. I'm on my sophomore year in highschool nang makatanggap ng scholarship mula sa isang non-profit organization na naghahanap talaga ng mga mahihirap pero masisipag at matatalinong estudyante sa iba-ibang probinsya at binibigyan ng pagkakataong makapag-aral ng libre sa mga prestihiyosong unibersidad sa Maynila.

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon