Until the Stars Align Again: Chapter 14
After my fourth knock na wala pa ring nagbubukas ng pinto, natauhan na ako.
Hindi naman dapat ako pumunta dito lalo na't anong oras pa lang. Siguradong tulog pa si Laurem at makakaistorbo lang ako. Yumuko ako at pinunasan ang luhang ayaw paawat sa pagtulo at saka huminga ng malalim.
Tatalikod na ako. I'm ready to go but then, the door suddenly opened! Napaangat ako ng tingin at tumambad sa harap ko ang kaisa-isang taong iniisip kong kayang pagaanin ang nararamdaman ko ngayon.
Nanliliit ang mga mata niya at halatang nasa gitna pa siya ng pagtulog at tumayo lang para tingnan kung sino ang kumakatok. Halos makalimutan ko na kung bakit ako nandito nang makita ang ayos niya. He's shirtless and he's just wearing a black cotton shorts. His disheveled hair is a proof na kagagaling lang talaga niya sa kama, pero hindi pa rin nakabawas iyon sa kakisigan niya.
My face heated like it's a natural thing whenever I see him. His jaw dropped upon seeing me at kasunod agad noon ang pagrehistro ng pag-aalala sa mukha niya nang makita akong mabuti.
Namilog ang mga mata niya nang hawakan ako sa mga balikat ko. "Belle—"
I didn't let him finish. Without thinking twice about my actions, lumapit ako sa kanya at yumakap ng mahigpit. Seeing him makes me wanna cry more... na parang gusto kong iiyak na lang lahat. Lahat ng sama ng loob, lahat ng galit kay tatay, lahat ng sakit. Lahat.
"Shit. What happened Belle?" Alanganing pumulupot ang isang kamay niya sa bewang ko.
Ngunit hikbi lamang ang naisagot ko. Dinala niya ako sa pag-atras niya at narinig ko na ang pagsara ng pintuan. Slowly, I felt his other hand encircling my body too. He hugged me fully.
"What happened? Tell me..." Hindi nakatakas ang sobrang pag-aalala sa boses niya.
His voice is so deep that it makes me find so much comfort in it. I cried harder as I tightened my hug on him.
He muttered a curse at lalong hinigpitan ang yakap sa akin. His other hand moved up to the back of my head. "Sinong nagpaiyak sa'yo?"
There's a small hint of anger in his voice. He tried to make me look at him at nang magkatinginan kami, sobra-sobra na ang pag-aalala sa mga mata niya. His brows are furrowed and his lips are a litte bit parted as he waited for my answer. Pero umiling lamang ako bago muling isiksik ang ulo sa dibdib niya. I cried in his shirt at sa likuran niya, nalulukot ko na rin ang damit niya dahil sa mahigpit na pagkapit ko doon.
"Baby..." He sighed heavily.
Hindi ko na rin alam kung anong nangyari pero namalayan ko na lang na nakaupo na kami sa sofa bed ng living area ng condo niya. He's already wearing a shirt. Mas kalmado na ako ngayon kesa kanina pero mabigat pa rin ang pakiramdam. Laurem is hugging me tightly the whole time at kapag bahagyang napapalakas ang paghikbi ko, he can't stop himself from whispering curses.
Humiwalay ako sa kanya para matingnan siya kaya lumuwag din ang mga braso niyang nakayakap sa akin. He's looking at me intenly as he brushes all my tears away using his thumb.
"I'm sorry," sabi ko dahil sigurado akong naistorbo ko ang pagtulog niya.
"Come here." He pulled me to him as he renewed his tight hug on me. I felt him press his lips on my head.
Nanatili lang kaming tahimik. Hinayaan ko ang sarili kong sumandal lang sa mga yakap niya. He didn't say a word, too. Minsan, pinapainom niya ako ng tubig at yayakapin ulit ako pagkatapos. His calm but his heavy breaths are telling me that he's also not okay with what's happening. That he's not okay with me crying.

BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
RomanceLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...