Chapter 26

65 4 0
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 26


Hindi ko pa rin naiibalik ang itim niyang payong na naiwan sa akin. Pinaghandaan ko pa namang ibalik iyon sa kanya kinabukasan. Iyon nga lang, pagpasok ko, wala akong Laurem na dinatnan sa DHV buong araw.

Buti na lang at kaclose ko ang sekretaryang si Milka kaya nakapagtanong ako.

"Ay, si Engineer po? May business trip po, Engineer Luna. Dalawang linggo po yata siyang mawawala."

"Ganun ba? Sige, salamat, Milka," sagot ko sa kanya.

"Bakit mo po naitanong? Asus! Si Engineer Luna hinahanap si Engineer Velari..."

Nanlaki ang mga mata ko at luminga-linga sa paligid sa takot ko na baka may nakarinig sa kanya. "A-Ano ka ba, Milka! Nagtatanong lang naman ako..."

"Asus. Ayos lang, engineer. Hindi ka naman nag-iisa. Pwede na nga ako magpatayo ng fans club ni Engineer Velari sa dami ng may crush sa kanya dito eh. Hayaan mo, engineer, isasali kita kapag meron na."

"Ewan ko sa'yo, Milka!" sabi ko at dumiretso na sa cubicle ko.

Tama si Milka at wala nga talaga siya. Sa araw na ito ay pang-isang linggo na niyang hindi pumapasok. Medyo curious nga ako sa kung saang bansa kaya ang business trip niya pero syempre hindi ko na iyon itinanong pa kay Milka. Baka gawin niya na akong presidente ng binabalak niyang fans club kapag nagtanong pa ako.

"Baka naman hindi talaga business trip? Baka nakipagdate lang sa ibang bansa," kumento ni Katriz sabay bukas sa hawak niyang chips.

"Nakipagdate kanino? Kay Claire?" Cali asked while doing something in the flatscreen television.

Movie night daw kasi namin ngayon dito sa kanyang condo kaya heto at may kanya-kanya kaming chips at si Cali ang naghahanap ng palabas.

"Hindi, sa'yo," sarkastikong sagot ni Katriz.

Cali rolled her eyes. "Epal mo, Katriz. Kaya ka iniiwan eh!"

"Hiyang-hiya naman ako sa'yo na walang nagseseryoso."

"Aba, nakakasakit ka na, ah!"

Naibuga ko ang tubig na iniinom dahil sa sagutan nilang dalawa. Hindi ko napigilan ang pagtawa. "Tumigil na nga kayo."

Pinaupo ko sa kabilang gilid ko si Cali para ako ang nasa gitna nila. Sa wakas ay tumahimik na rin ang dalawa sa pagsisimula ng palabas. I comfortably laid my back on Cali's sofabed.

Then I figured out, napanood ko na ang horror movie na ito. This is one of the movies that I watched with Laurem during college. Doon sa abandonadong fifth floor ng Westbridge.

The one that I considered our 'secret place'.

Minsan tuloy ay lumilipad na naman ang utak ko. Hindi ko mabilang kung ilang beses sumagi sa aking isipan ang pangalan ni Laurem habang nanonood.

Naaalala ko siya.

"Pero akalain niyo 'yun, sila pa rin pala talaga ni Claire Gaviola ang magkakatuluyan?" ani Cali.

Tapos na ang movie. Ngayon ay nasa carpetted floor na kami nakaupo. It's almost midnight. Nakakaramdam na ako ng antok pero ang dalawa kong kaibigan ay gustong-gusto pang magkwentuhan kaya gising pa rin ako. Nakasandal ang aking likod sa upuan ng sofabed at kaharap ko silang dalawa.

"Well, I kinda expected it," si Katriz.

"Kung sa bagay..."

"Ayos lang sa'yo na pag-usapan siya, Belle?" Katriz asked. May bakas ng alinlangan sa kanyang mukha.

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon