Chapter 15

101 4 81
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 15


"Happy birthday! Oh, make a wish na!" utos ni Cali at inilapit sa'kin ang cake na may lighted candle pagkatapos nila akong kantahan.

I smiled and closed my eyes as I think of a wish. Ano nga ba?

Si nanay ang unang pumasok sa isip ko. Na sana, maging maayos na siya. Sana huwag na siyang masaktan pa. Sana makalimutan na niya si tatay ng buong-buo. Sana matupad lahat ng pangarap ko sa aming dalawa.

At syempre, ang sunod kong naisip ay wala ng iba kundi si Laurem. Tumalon agad ang puso ko sa pag-alala sa kanya... at sa mga sinabi niyang gagawin niya sa araw na 'to.

"I'll ask you to be my girlfriend, Belle."

His voice echoed on my head at lalong lumaki ang ngiti ko. I've never been in a relationship. I've seen Cali flirt with boys na tinatawag niyang flings niya kaya hindi naman din seryosohan iyon. My parents are separated at hanggang ngayon, iniiyakan ni nanay ang tatay ko. Wala akong idea sa mga ganoon kung sariling karanasan ko mismo ang pagbabasehan ko. Ang alam ko lang, masaya pero maaari ka ring masaktan.

But with Laurem? I am willing to take risks. Hinihiling ko na sana maging masaya siya palagi at... lalo ko pa siyang mapasaya... kung pwede.

Hiniling ko rin na sana laging masaya at nasa maayos na kalagayan itong dalawang kaibigan ko bago ko hinipan ang kandila.

"Yieeee! Eighteen na siya, oh! Dalaga na!" tukso ni Cali.

Inabot sa akin ni Katriz ang dala niyang paper bag. "Oh, gift namin sa'yo. Gamitin mo yan, ah!"

"Salamat!" Binuksan ko ito at nakita ang isang set ng lipstick at lip tints na galing sa isang kilalang brand. "Hala, mahal ba 'to?"

"Oo, mahal yan." Cali raised her brow. "Kaya humanda ka talaga sa'kin kapag hindi ko nakitang pumupula 'yang labi mo sa paggamit ng mga 'yan!"

Tumawa ako. "Gagamitin ko, Cali."

Lumaki ng kaunti ang mga mata ni Katriz. "Natututo ka na talagang humarot, huh? Baka naman mamaya pagkauwi mo dito biglang may boyfriend ka na!"

Cali laughed because of that. "Sana all!"

Ngayon kasi iyong pagpunta ko ng Nueva Ecija para sa project namin sa Rizal subject kaya maaga akong gumising. Magkakaroon kami ng feeding program doon at mamimigay na rin ng relief goods ang block namin dahil maraming barangay doon ang apektado sa nagdaang bagyo noong nakaraang linggo. Katulad ng binanggit sa amin ng prof namin, two days and one night kami sa Nueva Ecija. Magiging team building daw ng block namin iyong second day bago bumalik ng Manila.

Alam nila Cali na kasama ko doon si Laurem dahil nga kaklase ko siya kaya ganyan ang mga sinasabi nila. Hindi ako sumagot at uminit na lamang ang mga pisngi ko. Para kasing kapareho kay Katriz ang naiisip ko ngayon.

Sinabi ni Laurem na susunduin niya ako ngayon dito sa condo at sabay kaming pupunta ng Westbridge. Nag-ayos na ako agad pagkatapos kong maligo. I wore my normal school clothes but this time, I combed my hair a little more than what I do everyday. At gamit ang isa sa mga lip tints na regalo nila Cali, I applied a litte color on my lips and on my cheeks.

Inaayos ko lang ang gamit ko sa dala kong bag pero ilang ulit na akong napapangiti. Alam ko namang hindi lang basta ang birthday ko ang inginingiti ko dito kundi ang inaasahan kong mangyayari ngayon. I'm also... excited to see him sa pagsundo niya sa akin. Tinawagan niya ako kaninang madaling-araw para batiin pero hindi pa rin iyon sapat sa akin.

Gusto ko pa rin siyang makita. When my phone beeped for a text message, nagmadali agad akong basahin iyon dahil galing sa kanya.

Laurem:

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon