Until the Stars Align Again: Chapter 2
Huminga ako ng malalim at inangat na ang tingin ko mula sa binabasa kong libro papunta kila Cali at Katriz na parehong tinitingnan ako ng masama kanina pa. Iyong may tingin na may laman.
Iyong tingin na halatang may pagdududa sa mga isip nila.
"Tumigil na nga kayo diyan! Hindi nga!" reklamo ko. Kanina pa ako distracted sa pagbabasa ko dahil sa mga tingin nila na 'yan.
Simula nang makita naming tatlo ang class list ng block ko doon sa bulletin board at hanggang ngayon na nandito na kami sa library, hindi na nila ko tinitigilang asarin na kaya ako nagcivil dahil malaki ang chance na magiging kaklase ko si.... uhm...
Ugh. 'Yung crush ko.
Katriz put her index and thumb finger on her chin as if she's thinking deeply about something. "Cali."
Tumingin agad sa kanya si Cali. Hinihintay ang sasabihin niya.
"Noong senior year natin sa highschool, alam mo rin ba kung anong balak i-take na course ni Velari?" tanong nito kay Cali.
"Of course! The whole graduating batch knows it. Everytime someone asks him about what course would he take on college, engineering agad ang sagot niya, 'di ba?" Salitan pang tumataas ang dalawang kilay ni Cali habang nakatingin sa'kin at nagsasalita.
Ayan na naman ang mas lalong sumasamang tingin nila sakin.
"Right! Everybody knows it! Kahit itong si Belle, alam na alam..."
"Syempre, alam niya. Iyan pa ba?"
With those suspicious eyes, Katriz moved her face close to mine. "Aminin mo na, Belle. Sa ating tatlo lang naman. Kaya ba 'yan ang kinuha mong course kasi you knew he'll be taking that also?"
"At may chance na maging magkaklase kayo?" dugtong pa ni Cali.
"H-Hindi nga!" pagdedeny ko agad.
Nilapit na din ni Cali ang mukha niya sa'kin. "Weh? Final answer na ba 'yan?
"Nakakatampo ka, ha! So mas pinili mo pang maging kaklase 'yung sinasabi mong crush mo lang kahit wala naman ngang crush lang pero tumagal na ng higit dalawang taon kesa sa'min na mga bff mo? Hmp!" Umirap-irap pa 'tong si Katriz.
"I know right! Iba din 'tong kaibigan natin na 'to eh. Tahimik pero matinik!" At ginatungan pa talaga nitong si Cali!
Hay nako! "Hindi nga! Tumigil na nga kayo! Engineering din talaga ang gusto ko ngayong college. K-Kahit pa hindi engineering ang gusto rin kuhanin ni L-Laurem, iyon talaga ang kukunin ko! At tsaka... hindi ko naman alam na dito pa rin sa Westbridge mag-e-enroll si Laurem!" pagdadahilan ko.
"Palusot 101." Cali stucked out her tongue to tease me more.
Totoo naman kasi! During the summer vacation before our final year in highschool, buo na talaga ang loob ko na mag-engineering sa college. Hindi pa lang malinaw sa akin kung anong engineering but I'm thinking about Civil.
Laurem has nothing to do with that decision! K-Konti lang...
Tama sila na alam kong engineering din ang gusto ni Laurem. Our whole batch knows it. Laurem is very popular here in Westbridge kaya marami ang curious sa mga plano niya sa buhay. I would admit that knowing that he's planning to be in the field that I also want be in kind of... convinced me more to follow my plan.
Kahit hindi ako sigurado kung dito ba siya sa Westbridge magka-college, I know there's a big chance na dito pa rin siya. Westbridge is considered as the top school of the country kaya kadalasan, kung nakapasok na dito sa highschool, dito na rin ang tuloy sa college.
BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
RomansaLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...