Until the Stars Align Again: Chapter 10
Hindi agad ako nakapagpatuloy sa mga dapat kong ginagawa pagkaalis ng dalawa. I am just here, staring at nothing and convincing myself to not make a big deal out of it. Convincing to ignore the trace of sadness that is knocking on me.
I haven't heard any of that rumor. Pero alam kong posibleng may issue na talagang ganoon at hindi lang nakakarating sa'kin dahil wala namang pwedeng magkwento sa akin. I don't have any friends na engineering din aside from... them. Sila Cali, iba ang kurso at hindi ako sigurado kung umaabot pa sa kanila ang ganitong rumors.
I can't stop myself from thinking about Claire Gaviola. She's pretty. Kahit highschool pa lang kami noon, pumapasok siyang laging maganda ang ayos. Siya iyong tipong tingnan mo pa lang, alam mo agad na mayroong marangyang buhay. She's also a cheerleader, dahilan kaya lalong naging matunog ang pangalan niya. Sinabi ni Mariel kanina na sinusundo pa daw ni Laurem sa La Carmelle. It's an International School. Doon na pala siya nag-aaral ngayon.
Everything is heavier. Buti na lang, I have a strong dedication to do good in the midterm and final exams kaya nakapag-aral pa rin naman ako kahit papaano. Inisip ko na lang si nanay at ang pagsisikap niya na matustusan ako. She and my dreams should always come first. Kung ano man itong nararamdaman ko para kay Laurem, hindi ko dapat inuuna.
Laurem:
Are you done studying there?
Isang text lang ni Laurem at nawala na ang isip ko sa mga inaaral. The trace of sadness is very evident on my system again. Mas desidido ako sa plano ko ngayon na huwag ng magpahatid sa kanya pauwi kaya iniisip ko pa kung ano ang irereply ko. Should I lie now na nakauwi na ako o umuwi na lang muna ako at saka magreply na nakauwi na? My phone vibrated for another text message.
Laurem:
Papunta na ko diyan sa library.
Nanlaki ang mga mata ko at tumunog pa ang upuan sa biglaang pagtayo ko. I checked my wrist watch. 8:35 PM na pala at ang rule dito sa Westbridge, wala na dapat estudyante sa campus pagsapit ng nine o'clock ng gabi kaya tapos na nga rin siguro sila.
Mabigat ang puso ko habang nagmamadali akong magligpit ng mga gamit. Hindi ko na inayos, basta mailagay ko na lang sa bag ko. Nagmamadali akong umalis at sumakay ng jeep pauwi.
Ako:
Maaga akong natapos. Nauna na akong umuwi. Sorry ngayon ko lang nasabi, nawala kasi sa isip ko.
Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. I want to cry. I want to cry dahil sa mga tanong sa'kin nila Mariel kanina. I want to cry because the rumor between him and Claire may be true. I want to cry dahil gusto niya talaga akong ihatid pauwi. I want to cry because I don't know if what I'm doing is right.
Wala akong ganang kumain kaya nang maabutan ko si Cali at Katriz na naghahapunan sa condo, wala na sana kong balak sumali pa sa kanila at gusto ko na lang dumiretso ng kwarto.
"Oh, Belle... Ayos ka lang?" tanong ni Cali nang makita ang itsura ko.
Nakatayo lang ako at kung kanina, napipilit ko pa ang sarili kong ngumiti, ngayon hindi na. I am just looking back at her, iniisip kung magke-kwento na ako o hindi na muna.
"Kumain ka na ba?" Katriz stoop up at handa na akong ikuha ng pinggan.
Wala sa sarili akong umiling.
Nagkatinginan silang dalawa. Kumuha na ng plato si Katriz habang si Cali naman ay nilapitan ako at hinila papunta sa upuan ko sa dining table.
"Kain na." Nilagyan ni Cali ng kutsara at tinidor ang plato ko.
BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
RomansaLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...