Chapter 5: Learnings in Life

76 1 0
                                    

Stella Keryl's POV


Nakilala akong jolly ng mga tao. Para akong si Stephanie kapag makulit. Si Stef ung tinutukoy ko ha, 'ung kaibigan ko, hindi si Kuya Stephen ko. Magkalapit lang talaga pangalan nila.

Small but terrible daw ako... EH 'DI KAYO NA ANG MATANGKAD! Hindi ko kase naman ung height ng mga Keryl eh. Tatangkad ng mga un! Anla, basta! Proud ako sa height ko kase matangkad ako kay Jose Rizal! 4'10" un eh. (Tama ba, o dapat 4"10'? Correct niyo nalang ako.)

Yun nga. Para sa iba, masayahin akong tao. Laging may ngiti sa mukha. Parang walang problema. Ganun kase talaga ako dati. Hindi ko sineseryoso ang buhay.

Pero noong nagsimula ang high school days ko, doon ko narealize na may kulang. Simula ng makasalimuha ko ang mga bagong tao sa aking buhay, mga taong may iba't-ibang paninindigan, mga taong may iba't-ibang paniniwala, mga taong hindi ko kaklase noong elementary, naisip ko na mali pala.

I'm not matured enough to face the challenges of life. But as I perambulate (Shit! Alam niyo 'ung word na 'un?) the path to maturity, doon ako sinampal ng reality.

First lesson na natutunan ko: May iba't-ibang klase ng tao, may kanya-kanyang pag-iisip, iba't-ibang paniniwala, iba't-ibang kinasanayan, at iba't-ibang kinahihiligan. PERO hindi dapat 'un ang maging dahilan para magkaaway-away. Dapat natin silang igalang.

Second lesson: (natutunan ko noong second year) We shouldn't always depend on others. We should bring ourselves up kesa lumaki tayo ng may nagbubulong sa tenga natin ng dapat gawin. Dapat, we act by and for ourselves. May pagkakataon lang na nahihirapan kaming makipagcooperate kasi iba silang mag-isip.

Third lesson: Eto natutunan ko sa Adviser ko nung third year na teacher ko sa Algebra. Homeroom Activity noon (parang reflection time) at sabi niya, "We should act. We should expose our talents and skills. Kase masasayang kapag hindi ginagamit." In fairness, may natutunan ako sa kanya kahit medyo nahihirapan ako sa subject niya tapos medyo napepressure kame sa kanya.

Kaso medyo mahirap isabuhay ang mga natutunan ko these past years, especially if may naharang sayo para gawin un. How are you going to break your shell if they are sheltering you again, in a bad way, inside another shell? Lahat kasi ng mga nasa paligid natin, sila lagi 'ung mga nakakasakit. Alam mo ba un?

Pero tulad nga ng sabi ni Ashley, friend and classmate ko, "We cannot please everyone to like us."

Yan ang mga natutunan ko SO FAR noong naging high school student ako.

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon