Chapter 20: I Did Not See This Coming

15 1 0
                                        

Maur Manalo's POV


As far as I can remember, dapat nagsasaya kami ngayon. Start of first sem na next week, at dahil magkakaiba kami nang papasukang college, paniguradong magiging madalang na ang mga hangout naming ganito.

Tapos ganito pa.

What's with Eileen and Rayce?


"Seriously, can someone please tell me what's going on?"

"Shut up, Maur, please!"

"What? Nagtatanong lang naman ako. Kanina pa akong nagtatanong, hindi niyo sinasabi sa akin. Pagkakanta palang ni Eileen, ineexclude mo na ako sa usapan. The heck, Stella. Kung may problema ka sa akin, sabihin mo nang diretso. Ano, ikaw lang ang may pakialam sa kanila? Kaibigan din ako dito. Lintik naman oh."


Kilala ako sa MSC na makulit pero mainitin ang ulo. And yes, I admit, bugnutin ako. Lalo na kapag ganito si Stella.


"Eh kasi naman, kanina ka pa! Sana kasi kinakapa mo 'ung sitwasiyon! Kung kalian kinakailangang manahimik, mas nag-iingay ka. Kung makapagsaya ka diyan, ang OA."

"Then what the hell am I supposed to do? Tangina, na-gimik tayo oh. Nagvivideoke tayo, Stella! Anong gusto mo, lamay?! Malungkot na nga si Rayce, sasabayan ko pa?!"

"Hindi ko naman sinabing ganun. Ang akin lang, pwede namang moderate lang."

"Hahaha. Pucha, kung alam kong magkakaganito, hindi na sana tayo nagyaya, Stef. Lumalabas kasing kasalanan ko pa ang nangyayari. Hahaha."


Nilapitan ako ni Stef para pakalmahin. Si Tristan, pinapanood lang kaming lahat, na para bang nag-aantay ng pagkakataon kung kalian siya dapat manghimasok.

Tumalikod ako kay Stella na pinapatahan si Eileen. Patuloy lang na hinahaplos ni Stef ang mga braso ko.


"Maur, sorry. *sobs* This is my fault. Sorry talaga. I'm very sorry."

"No, Eileen, you don't have to apologize to him. Mainit lang ang ulo niya. Pabayaan mo siya."


Naramdaman ko ang pag-init ng tenga ko sa sinabi ni Stella. Lilingon pa sana ako para sumagot sa sinabi niya tungkol sa akin, ngunit pinigilan ako ni Uriel. Nasa likod ko siya, hinawakan ang balikat ko, at pinigilan ang pag-ikot ko.


"Pare, tama na."


Kumalas ako sa pagkakahawak sa akin nila Uriel at Stef.


"I'm out of here. Uriel, ikaw na munang bahala kay Stef. I-hatid mo. Eto susi."


Pagkaabot ko ng susi kay Uriel ay umalis na ako. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa para tingnan kung sinundan ba ako ng girlfriend ko.

Sa bagay, alam naman niyang may mga pagkakataong mas makakabuti kung hahayaan nalang muna ako.

Nakakainis talaga. Ano bang problema nun? Sa akin nagalit!

Anong gusto niyang gawin ko? Makitsismis kay Rayce kung bakit nagwalk-out ang girlfriend niya, gayong halata namang wala siyang ideya sa nangyari? Kausapin siya nang masinsinan? Eh nandun naman si Tristan! Wala akong karapatang mag-advise kasi di naman akong perpektong boyfriend. On-off nga kami ni Stef.

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon