Chapter 4: The Aid

109 1 0
                                    

Stella Keryl's POV


"People will always judge you by your actions, not by your reasons."

"At iyon ang masakit, Eileen."


Eileen Lovette, ang Student Council President namin.

Sa mga kaibigan kong babae, siya ang pinakaclose ko. Parang second bestfriend? Hindi, pangit pakinggan. Hmm... ½ bestfriend ko? 'Un nalang! Kase si Tristan 'ung kalhati.


"Ambilis ng chismis na nagkiss daw kami ni Tristan eh niyakap ko lang naman siya sa stage noong nasa Light Music kami last Saturday."

"Are you sure about that, Stella?"


Grabe naman 'tong si Eileen! Palibhasa napakakritikal mag-isip!

Classmates kaming dalawa simula nang maghighschool kami.

Nasa first section kami ni Eileen for four years. At sobrang talino niya. Ayun nga lang, di siya ung palaaral na bata. Active siya, pero hindi siya ung tipong nag-eeffort masyado.

Kaya siguro namin siya naunahan ni Tristan. Kami nang dalawa ang nag-aagawan sa Top 1.


"Alam mo, Stella, you should ask Tristan. Sabi mo kanina sa akin, nalasing ka after ng part time niyo. Mamaya, may ginawa kang kalokohan pagkatapos ng gig, hindi mo lang matandaan."


I'm still 15, but yes, nagpapart-time job na ako. Ganito kasi 'yan.

Hindi naman talaga kami mayaman dati.

Sina Lolo, siguro, oo. Hindi ko pa rin lubusang maintindihan kung bakit pero influential ang mga Keryl.

But, despite that fact, medyo hirap kami sa pera kasi ang gusto ni Lolo, matuto ang mga anak niya na buhayin ang kani-kanilang mga pamilya. Bahay at lupa lang ang binigay niyang suporta sa mga anak niya. Si Tito Nathan lang ang naiwan kina Lolo, kaya si Nico ay lumaking mayamanin ang ugali.

So, ang parents ko, laging nasa trabaho. May mga pagkakataong hinahabilin kami kina Ninang Marissa.

Siguro dahil sa naging sitwasyon naming iyon kaya naisipan ni Kuya Seb na magpart-time nung 4th year HS na siya.

Nung una, ayaw pumayag nina Daddy, pero dahil gusto talaga niyang makatulong ay hindi nagpapigil si Kuya Seb. Binigyan lang siya ng kundisyon ni Daddy na dapat kina Lolo siya magtrabaho para hindi siya gaanong mahirapan, since bata pa si Kuya.

Two years after, si Kuya Tep naman ang nagpart-time.

Sa MSC niya pinili dahil mas madali daw maging student assistant kay Ninong Benj kesa maging assistant ni Lolo since hindi siya mahilig sa business. Pareho lang naman daw na makakatulong para mabayaran ang tuition niya.

Ewan ko kung nainggit si Kuya Sander, pero nung siya naman ang nag-fourth year ay nagtrabaho rin siya.

Dun naman siya kina Tito Nathan, kasama ni Nico sa Light Music Bar. Kaya siguro nahilig si Kuya Sander sa pagluluto dahil si Tito Nathan mismo ang Chef sa Bar na iyon.

Nang mga panahong iyon, medyo nakakaipon na kami.

May nag-alok kay Daddy na magtayo ng sarili niyang construction business, dahil malayo daw ang mararating ng isang Daniel Keryl. Nag-invest ang taong un sa skills ni Daddy, at simula nga noon, hindi na siya naging employee kung hindi isang boss.

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon