Rayce Rivera's POV
"I think I'd have a heart attack."
Eileen?
What's wrong? Is it... is it still about earlier? Ano ba kasi 'ung bumabagabag sa'yo?! Shit! Huwag mo namang itago sa akin ang mga luha mo, dahil mas nasasaktan ako.
"Wooo! Ang galing mo, Eileen, 100 ang score mo! Stef, natalo tayo. Hahaha."
Stella and Tristan tapped my shoulder.
That's it, Eileen. Stop hiding it, dahil nandito naman ako para sa'yo lagi. Bakit ka ba nagtatago?
Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. Hinawakan niya ang mga braso ko nang mahigpit, tapos kumawala siya sa pagkakayakap ko.
"Excuse me."
Patakbo siyang lumabas ng kwarto.
May mali talaga eh. Nabasa 'ung mga braso ko kaya nakumpirma kong umiiyak siya.
"What's happening?"
May halong pagtataka ang tingin na ibinigay sa akin ni Maur nang itanong niya iyon. Parehong nakakunot ang noo nila ni Stef.
"Excuse me. Susundan ko-"
"Rayce."
Pinigilan ako ni Stella.
"Hoy, Insan. May alam ka ba sa nangyayari?"
"Wala, Maur. Will you shut up for a moment?"
"Wha- teka, bakit?"
"Maur, sa kanila na iyon. Kanta nalang muna tayo. Singing next would be... me, Stephanie!"
"Yes, woo! Go, babe! Hahaha."
Lumingon si Uriel kay Tristan.
"Pre, anong nangyari?"
"Hindi ko rin alam eh. Binulungan nalang ako ni Stella na nanginginig si Eileen kanina habang nakanta siya."
Maybe Stella has an idea.
"Stella, nung naiwan kayong dalawa sa baba, may nabanggit ba siya sa'yo?"
"Sorry, Rayce. Pero sabi niya kasi sa akin kanina, okay lang siya eh. But I'll handle things for now. Maybe she'll open up to me."
"Okay. Please."
Lumabas na rin siya sa kwarto.
Umupo nalang ulit ako. Kinuha ko ang isang cushion at itinaklob sa mukha ko.
Sina Maur at Stef, patuloy lang na kumakanta, habang tuwang-tuwang nanonood si Uriel sa pagduet ng dalawang magkasintahan.
Napansin kong may tumabi sa akin. Tinapik ako sa hita ko.
"Pre, everything's gonna be alright. Leave this to Stella for now."
Napatingin ako sa nagsalita. Si Tristan pala.
I know he's just comforting me, pero nakakapanibago eh. Kapag sa aming dalawa, ako taga-advice. Kay Stella niya lang 'to giinagawa eh.
"Tristan."
"Oh?"
"Nagbago nga ba ako?"
Marami nang nakapagsabi sa akin na nagbago ako.
"Hmm.... oo? Medyo."
"You think it's about that?"
"Hindi naman siguro. Bakit mo naman naisip 'un?"
"Ewan. Ang labo lang kasi. Okay naman kami kanina. Pinuntahan ko pa siya sa bahay niya. Tapos, biglang ganito."
"Alam mo, Rayce. You've changed, but for the better. Huwag mong isipin na dahil doon kaya nagkaroon kayo ng ganitong misunderstanding. Simula nung naging kayo ni Eileen, kahit nung hindi niyo pa inaamin sa amin, I noticed that you opened up a little. You became lively. Mas masaya kang tingnan."
"Tingnan? Teka, are you stalking me?"
"Gago! Hahaha. Nakakapagbiro ka pa rin talaga, no? Pero kadiri naman masyado. Hahaha. Ang ibig kong sabihin, naging masayahin ka. At hindi ka na reserved sa pagpapakita na masaya ka."
Is this really Tristan?
Pero pasalamat nalang ako at nasabi niya iyon sa akin. I'm convinced that the issue here is not that I've changed since I became his boyfriend.
"Hey, I think you should let Eileen know that."
"Let her know what?"
"Na naging tao ka mula sa pagiging demonyo mo."
Demonyo?
"Tangna mo, Tristan."
"Ay. Di pa pala. Demonyo ka pa rin pala. Hahaha. Ayan lang hindi ko nagustuhan sa pagiging open mo, 'yang pagmumura mo. Ang lutong lagi!"
Labo mong kausap. Tsk.
"Hopefully she's not pressured by all these changes."
"What do you mean?"
"I mean, I hope she doesn't feel responsible sa kung anong nangyari, nangyayari, at mangyayari pa sa inyong dalawa. Cause clearly, now, ung pagbabago mo ay dahil sa kanya."
Is that it, Eileen?
Tsk. Naguguluhan na talaga ako.
"What should I do, then, Tristan?"
"Let her know na kahit may nagbago sa nagustuhan niyang Rayce, na kahit may mga nagbabago sa paligid niyo ngayong kayo na, ikaw pa rin ung Rayce na nagmamahal sa kanya nang buong-buo. And whatever happens in the future, you will never let her face them alone. That you will always be by Eileen's side. Kasi alam mo pare, ang mga babae, minsan, hinahanap pa rin nila 'ung words of affirmation para i-confirm ang kung ano mang nararamdaman na nila."
May matino naman pala 'tong masasabi sa akin eh.
"Tristan. That's the best line you've said today. No, your entire life."
"Hoy, below the belt na 'yan. Hahaha."
"Susundan ko na sila. Di ko na kakayanin to. Kailangan kong kausapin ang mahal ko."
Eileen, I love you so much. Kung ano man ang bumabagabag sa'yo, nandito ako para sa'yo. Just like always.
BINABASA MO ANG
Guitar Strings
RomanceMasakit masaktan. Mahirap bumangon. Ngunit laging may isang taong aalalay sayo. Hindi mo man napapansin, pero lagi yang nandyan sa tabi mo.