Chapter 0: The Beginning

204 3 0
                                    

Stella Keryl's POV


"Drew looks at me,

I fake a smile so he won't see."


Shit! Akala ko, wala na. Akala ko, tapos na. Akala ko, wala nang pakiramdam tong pusong ito para sa kanya! Akala ko talaga pinatay na niya... ano ba 'to? Mali pala ako. Parang nabubuhay muli ang puso ko para mamatay lang nang paulit-ulit.

Panama naman kase tong kantang to! Bakit sa lahat ng pangalan, Taylor Swit, Drew pa? At ito namang babae sa audience, eto pa ang nirequest!

Ay, bwisit! Nasa Light Music nga pala kami. Ano ba Stella?! Nasa part-time job ka ngayon! Magfocus ka nga sa kinakanta mo!

----------------------------------------------------------------------------------


Tristan Colton's POV


Hindi siya 'ung Stella na kilala ko... namimiss ko na 'ung dating Stella.


*FLASHBACK*


"Anong pangalan mo?"


Babae? Sasali sa banda namin? Bago 'un ah!


"Stella Keryl. Nice to meet you."

"Keryl? Sounds familiar. Anyway, bakit gusto mong sumali sa banda namin?"


Gusto kong malaman. Bakit? Curious lang.


"Gusto ko kasing magbuo ng banda, kaso wala akong mapiling makakasama. At tsaka balita ko, wala daw kayong mapagpraktisan permanently. Tsaka nauubos daw ung ipon niyo kakarenta ng studio. So naisip ko, sasali nalang ako sa inyo. In exchange, I can share my studio with you guys. May banda na ako, may studio kayo. It's a win-win situation for everybody."


Anong tingin niya sa amin, poor?! Shet, ang hangin niya! Kababaeng tao! Pero in some way... she's right. Nauubos nga ang ipon namin.

Hmm. Sure, she can join. Hindi din naman masama na magkaroon ng babae sa banda. May twist tsaka mas makakapagexperiment kami ng kanta.

But, one last question.


"Will it be okay for you to join our band? Puro lalaki kami. Wouldn't that be bad for you? Usually, it spread many rumors. It won't surprise us, but... you? Are you okay with it?"

"Baliw ka ba? Siyempre, bago pa ako magsabing sasali ako ay napag-isipan ko na yang mga sinasabi mo! Don't worry, sanay na ako with boys. Ikaw ba naman lumaki with most of them."


Loko talaga 'tong babeng 'to. Hay nako, hindi yata kami magkakasundo nito ah.


"Eh di ayos. Welcome to STRUM. Wow, di ko aakalaing magkakaroon kami ng member na S ang initial ng first name."

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon