Stella Keryl's POV
After that lunch, nagsipag-uwian na kami, except kay Tristan na sumama sa akin pauwi.
Napakatahimik niya simula nang mag-usap sila ni Drew sa balcony ng unit niya.
"Bes, is everything alright?"
"Yeah. Haha. How funny. We're still calling each other Bes even if we're not just bestfriends anymore."
"You want a different endearment?"
Ngumiti lang si Tristan.
May iba talaga sa taong 'to ngayon. Kapag nandito siya bahay, nagbubuklat siya ng kung anu-anong libro, tumutugtog ng gitara, o di kaya ay papansinin lahat ng nasa kwarto. Lalo na 'ung picture ko noong prep ako.
Today, he's not doing any of those. Nakaupo lang siya sa sofa ko sa kwarto.
And he's flipping his phone in his hand.
"I'll call you Tris."
"Tris? Hahaha. Dalawang syllables lang ang pangalan ko, pinutol mo pa."
"Para ako lang ang natawag sa'yo nun. Ayokong mag-isip pa ng ibang endearment eh."
"Hmm. Okay... so I'll call you Ella, then?"
"Ella... okay. Sounds fine."
He grabs my hand and kiss my knuckles.
"Okay ka lang ba talaga?"
Umupo na rin ako sa tabi niya. I can't take it anymore.
"Bes... no, sorry. Ella. Ella, bakit mo ako sinagot?"
Sapakin ko kaya ito nang isa?
"Bakit mo ako pinayagang pumalit kay Drew?"
Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Napalingon ako sa ginawa niya. Nakatingin lang siya nang diretso sa sahig habang hinihintay 'ung sagot ko.
"Anong klaseng tanong 'yan? Ikaw 'tong nanligaw ah. Sinagot lang naman kita."
"I just courted you for one night. Bakit mo ako sinagot kaagad? Nakamove on ka na ba kay Drew? Bukas na ba talaga 'yang puso mo ulit para magmahal ng iba?"
"Tinatanong mo ba ako kasi nagkita kami ni Drew kanina? To be honest, Tris, nagulat ako kanina. Ayun lang 'un. Siyempre, ngayon lang ulit kami nagkita after 10 months. At tsaka, hindi ko na dapat pag-isipan pa kung dapat bang tanggapin kita bilang boyfriend ko. Matagal na kitang kakilala, mas matagal pa kay Drew, and you already showed me enough kindness. Hindi mo na kailangang patunayan pa ang sarili mo."
"How about my other question... have you moved on?"
"I don't know... yes, maybe. Hey, you don't have to wory about it. Ikaw si Tristan Colton kaya kita sinagot. Hindi para kalimutan lang 'ung past ko. You're not a rebound, if you're worried about that."
"Rebound, huh."
And... silence takes over.
BINABASA MO ANG
Guitar Strings
RomanceMasakit masaktan. Mahirap bumangon. Ngunit laging may isang taong aalalay sayo. Hindi mo man napapansin, pero lagi yang nandyan sa tabi mo.