Chapter 7: Confirmed!

107 1 0
                                    

Tristan Colton's POV


RAYCE RIVERA!

Patay ka sa akin! Pahamak ka, lintik! Sinigaw pa talaga eh! Sana hindi niya narinig. Sana hindi siya maniwala kung narinig man niya, sa ngayon. Anla! Basta! Tss!

Nandito kami sa clinic ngayon. Ginagamot ko 'ung sugat ni Stella. Nagkakalmot sa braso. Ano ba 'ung mga babaeng iyon kanina?! Mga mangkukulam? Manananggal? Sinisira nila ang beauty ni Bes!

Tangna! Ano ba ito?!


"Tristan..."


*Gulp*


Anong gagawin ko? Paano nga kung narinig niya? Baka sampalin ako ulit! Ngayon lang kase siya nagsalita simula kanina. Magagalit kaya sa akin ito? Anong sasabihin niya? Tengene. Tumahimik ka nga muna, Tristan!


"Ung tungkol sa pic... Totoo ba un?"

"Oo. Pero ikaw humalik, hindi ako."

"What?! Seryoso?! Talaga?! Bakit hindi ko matandaan?!"

"Paano mo matatandaan eh lasing na lasing ka? 'Bhes! Balik thhayo duuun sa looob! *hik* Inom pa tayuuuu! Libre tayuu ni Nik-kow!' HAHAHA Para ka kayang baliw nun!"

"Naman eh! *hampas* Kailangan pa talagang i-demonstrate kung gaano ako kapangit kapag lasing?"

"HAHAHA. Talaga namang ganun hitsura mo."


..................


Nanahimik na naman siya.


"Ung totoo, Tristan? Ako talaga humalik sa iyo?"

"Kissing me half-consciously? Malamang hindi mo matatandaan. Nalasahan ko pa 'ung alak na ininom mo eh."

"Pero? Ano? Bakit.. kanina? Sabi mo.. ikaw?"

"Sinabi ko lang un para hindi ka na nila guluhin. *diin sa sugat* Di ba?"

"Gago ka, Bes! Ang sakit!"


Sakit...

Stella, you don't know how it hurts when someone turned to you mistaking you for somebody else.

Ang sakit, Stella. Hinalikan mo ako, kase akala mo ako si Drew.


"Tristan! Huy! Ano ba?! Kanina pa akong natawag sa iyo ah!"

"Hah?"

"Sabi ko salamat! At... pasensya na rin."


HAHAHA. Ang cute. Nag-blush! HAHA

Pero sa totoo lang, kaya ko bang tiisin ito? Maging isang Bes lang? Hanggang dun lang?


"Stella, it's fine. May kasalanan din naman ako sa nangyari. In the first place, nagpadala ako sa sitwasiyon, alam mo na, nung nasa kotse tayo ni Maur. At tsaka kanina. Hindi ka naman nila aawayin kung hindi dahil sa akin eh."

"Wow ha. Wag feeler! Mga fans ni Drew un! Siya ang dahilan, hindi ikaw!"

"Eh di siya na! Lagi namang siya! Pota 'ung gagong un! Wala nang nagawang matino!"

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon