Chapter 22: So Annoying

15 1 0
                                    

Tristan Colton's POV


Nakakainis.

Dahil lang sa panaginip, nagkagulo-gulo kami?

I have nothing against Eileen, pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging ganito pa 'ung nangyari.

Nagtalo sina Eileen at Rayce.

Nakisabay pa sina Stella at Maur!

Utang na loob! Nakakayamot.


"Guys, sorry talaga! Alam niyo namang first time ko 'to. Di ko lang talaga mapigilang mabagabag. Para kasing totoo. Kinabahan lang ako kasi paano nga kung magkatotoo? Di ko kakayanin!"

"Sorry, Eileen, but this is bullshit!"

"Tristan!"

"Eh kasi panaginip nga lang 'un! Don't you trust Rayce? Pag sinabi niyang hindi ka niya iiwanan, hindi ka niya iiwanan. He loves you that much, Eileen! Huwag mo naman sana siyang pagdudahan. Sa totoo lang, siya ang pinakamatino sa amin. Kung hindi ko kayang gawin un kay Stella, mas hindi kakayanin ni Rayce!"

"Tama na muna, Tristan! Ano ba? Hindi ka nakakatulong! Naiyak na 'ung tao. Nagsisisi na nga eh. Tapos ganyan ka pa. Ang init ng ulo mo."

"Eh kasi anlabo niyo! Lalo ka na, Stella! Umayos ka nga. Di lang ikaw ang may say dito. Wala namang umaagaw sa bestfriend mo. Kung naiinis ka sa amin dahil nakikialam kami sa problema nila ni Rayce, eh di ikaw ang umayos niyan mag-isa! Mind you, hindi lang ikaw ang kabarkada nilang dalawa. Kasama kaming lahat kaya kami nag-aalala. Pero sige! Ikaw nalang! Ikaw nalang umayos niyan."


Lumayo ako sa kanila. Nafufrustrate na ako sa kanilang lahat. Grabe, ang babaw lahat ng dahilan.


"Tristan naman."

"Oh, sige, Stella. Give me a good reason kung bakit ka ganun kanina. Sige nga!"

"Eh kasi... kasi nataranta ako!"

"Seriously?!"


Oh, great.


"Ngayon ko lang nakitang ganito si Eileen. Madalas, siya ang nadamay sa akin. 'Di ko alam ang gagawin ko. I wanted to help her."

"All of us do. Pero, ano, ibinuhos mo ang frustrations mo kay Maur? Naku, Stella. Pinsan mo un. You know very well na napakatigas nun kapag galit! You just stepped on a land mine. Paano mo aayusin 'yan?"

"Bakit ako ang makikipagbati? Eh siya naman ang may kasalanan!"

"Wala siyang ginawang mali! Ang hirap kasi sa inyong mga babae, di niyo maappreciate ang mga simpleng ginagawa ng lalaki. Bakit, kailangan bang kapansin-pansin lahat ng actions ng lalaki para makita niyo ung efforts niya?"

"Bakit, Tristan? Nilahat mo na kami ah. Bakit, ganyan ba tingin mo sa akin?!"

"Wala naman akong sinasabing ganun..."


Ayan na.

Paano nga ba pakalmahin ang isang Stella Keryl?


"Hindi eh. You just generalized all of us. Bakit, ganun ba ako sa paningin mo, Tristan?! Tsaka ano bang nagawa ni Maur? Wala naman ah!"

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon