Tristan Colton's POV
"Bro."
"Tristan."
Nasa Light Music ako ngayon. Kakahatid ko lang kay Eileen sa kanila. Dumiretso ako dito para kitain si Rayce.
"Ano, okay ka na?"
"Hindi ko alam, pre."
Ngumiti siya sa akin at tsaka tumingin sa bote na hawak niya. Yes. Umiinom siya ngayon.
"Ang gulo ng isip ko ngayon. Pero alam mo ang nakakatawa?"
Tumingin siya ulit sa akin at nilagay ang kamay niya sa dibdib niya. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sasabihin niya.
Tahimik si Rayce. Lately, nag-oopen up na siya sa amin, nagigin masayahin. At alam kong dahil un kay Eileen.
Kaya bago rin sa akin tong side na to ni Rayce. To be honest, I don't know what to do or say right now kaya pinipili ko munang manahimik.
"Ito... itong puso ko... maliwanag dito na mahal ko si Eileen. Mahal na mahal, Tristan."
Mapait siyang tumawa, at basang-basa ko sa mata niya na nasasaktan siya nang sobra.
"Pare, ngayon ko lang naintindihan nang totoo ung nararamdaman mo. Totoo pala na kapag first love mo, nakakabaliw. Haha."
Napangiti nalang ako sa sinabi niya. At least, kahit nahihirapan siya ngayon, nagagawa pa rin niyang magbiro.
"Gago ka, Rayce. Akin na nga yan."
Kinuha ko sa kanya ung bote na hawak niya at ako na ang umubos ng laman. Tinaasan niya ako ng kilay at hindi makapaniwalang tinungga ko ung bote niya.
"What? Haha. Di pwedeng ikaw lang iinom. Patay ako sa girlfriend mo."
"Yeah, right. If she really cares about me, that is."
"Ano ka ba, Rayce? Of course, she does."
Napailing siya at tsaka tinawag ung bartender. Na ikinagulat kong si Nico pala.
"Pare, two bottles pa nga."
"Just one bottle, Rayce. Nakakarami ka na."
"Don't worry, that will be my last. Kay Tristan ung isa na inorder ko."
"Tristan?"
Tsaka lang ako nilingon ni Nico. Hindi niya siguro ako napansin kanina kaya nagtaka siya na binanggit ako ni Rayce.
Ngumiti ako sa kanya at tsaka kumaway.
"Uy, pre! Kamusta kayo ng pinsan ko?"
"Ayos lang naman. Teka, akala ko papunta kang Cebu? Di ba sasama ka dapat kay Tito?"
Kinuha ko kay Nico ang inabot niyang bote sa akin, at tsaka binigay kay Rayce ang isa.
"Hindi ako nakasama eh. Something came up and I had to fix things for Dad. So eto, balik muna ako sa Light Music. Si Dad na bahala dun sa business trip namin."
"Ah, okay."
"Teka, maiba tayo. Buti nandito ka na. Malakas ba talaga uminom yang si Rayce?"
Umiling ako, at bahagyang natawa nang magmura si Nico sa sagot ko.
"Tsk. Hindi ko kasi agad napansin na umoorder din pala siya sa kasama ko kanina dahil sa sobrang daming tao ngayon. When I checked him out, nakailang bote na siya."
"It's okay, Nico. Haha."
"It's not okay, Rayce! Patay na naman ako niyan kay Stella eh! Baka isumbong pa ako, alam niyo namang nagpapapogi pa rin ako kay Lolo."
BINABASA MO ANG
Guitar Strings
RomanceMasakit masaktan. Mahirap bumangon. Ngunit laging may isang taong aalalay sayo. Hindi mo man napapansin, pero lagi yang nandyan sa tabi mo.