Tristan Colton's POV
"Pre, asan 'ung mga plato rito? Hindi ko talaga makita."
Nakakatanga naman itong si Uriel. Kanina pang kukuha ng plato, hindi na nakabalik dito sa sala.
"Nandiyan nga lang kasi sa mga drawer diyan! Ang kulit naman oh. Pumunta ka sa tapat ng lababo!"
"Oh, tapos?"
"Humakbang ka pakaliwa, tapos higitin mo 'ung drawer, nandiyan 'ung mga plato!"
"Nakita ko na! Hahaha. Langya, nandito lang pala. Hahaha."
Jusme. Hindi pala ako naintindihan ng mokong kanina.
"Bes, bakit ba hindi nalang ikaw 'ung kumuha ng plato?"
"Sabi niya, siya na eh. Nagvolunteer siya, kaya akala ko eh alam na niya kung nasaan. At tsaka, Stella, he's not a child anymore para isiping hindi siya pwedeng iwanan sa kusina nang mag-isa at baka makabasag."
"Th-that's not my point!"
"See? I knew it! Hahaha. Inisip mo nga 'un, ano? Bull's eye ba? Hahaha."
"Che!"
We're here at my apartment. Kakatapos lang naming magsimba. Kaya nasa kusina si Uriel ay para kumuha ng plato para sa chips na binili nila. Magmomovie marathon kami ngayon. We used to do it at Drew's place. Kaya ko siya naalala.
Speaking of the devil, pagkaalala ko sa kanya, tinext ko kaagad siya para ipaalam sa kanya na kami na ni Stella. Surprisingly, hindi ako galit nung kinausap ko siya kanina sa telepono. Ewan. I just feel like it's right to let him know about us. Hindi ko lang talaga alam kung anong naisipan ko at pinapunta ko siya dito sa apartment ko.
I hope things won't go out of control. I guess, it's already time to forget about the past. Naging parte pa rin naman si Drew ng barkadang ito. And despite what happened between him and Stella, ayoko sanang mawala ng tuluyan ang pakikisama ng barkada sa kanya.
Wala akong kinonsulta tungkol sa pag-imbita kay Drew na pumunta rito ngayon, kaya wala ni isa sa barkada ang may alam na may hinihintay akong bisita.
"Ohayou. *door bell rings* Tristan."
"Andiyan na."
Oh, Lord, help me.
"Come in."
"Oh, you didn't tell me they're here as well..."
Nagulat yata si Drew na nandito ang buong barkada.
"Hello, guys."
"Is that... Drew?"
"Stef! Long time no see."
"O-oh, hi."
The boys were just greeting him casually na para bang walang problemang nangyari dati.
Kinagulat ko na kauna-unahang lumapit si Maur kay Drew para bumati at mangamusta. Malaki rin ang galit niyan dati kay Drew dahil pinsan niya si Stella.
![](https://img.wattpad.com/cover/1793927-288-k163562.jpg)
BINABASA MO ANG
Guitar Strings
RomanceMasakit masaktan. Mahirap bumangon. Ngunit laging may isang taong aalalay sayo. Hindi mo man napapansin, pero lagi yang nandyan sa tabi mo.