Stella Keryl's POV
"I can't. ... Because I just can't. ... What am I doing? Fine! Naglilinis ako. Happy? ... Bakit, hindi ba pwedeng ayusin 'ung kwarto ko once in a while? ... Sorry I really can't. Next time, okay? ... Oh please, you can come over if you want. Nagdadrama ka pa eh. ... Oh, you will? Sure! Okay okay. Ja ne!"
Ang kulit naman ni Eileen eh. She thought kakagising ko palang. Usually kasi, ngayon palang 9:00 am ako nagising. Ganun talaga ako eh. HAHAHA
Today, I woke up earlier, mga 7:00AM. I ate my breakfast with my brothers, which I haven't done for a while kaya nagulat sila sa akin. I brushed my teeth after, then washed up.
Bumaba ako sa sala para hanapin si Kuya Sander kasi hihiramin ko sana 'ung external drive niya, but nakaalis na raw siya papuntang trabaho. Umakyat nalang ulit ako sa kwarto.
Napansin kong ang gulo na ng kwarto ko – 'ung shelf sa may headboard ng kama ko at 'ung malaking bookshelf, hindi na maayos 'ung pagkakalagay ng mga laman; 'ung dalawa kong gitara, ang gabok na at ang kalawang nung mga strings, 'ung mga cusions ng leather sofa ko sa may pinto, nasa sahig na; 'ung study table ko naman, puro patas ng papel; pati closet ko, halo-halo na 'ung laman.
I was busy before graduation, so my room was a total mess. Nawala na ung class ng black-and-white theme ng room ko. Yeah, black-and-white. My room is painted white, then the furnitures inside are black.
So now, naglilinis ako.
Eileen invited me to accompany her sa mall. I refused because napasimula na nga ako ng paglilinis. Ganun pala un, kapag wala kang magawa, nasipag ka rin kahit papano, may magawa lang.
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Eileen? Ang bilis mo naman. Teka, sinong nagpapasok sa iyo?"
"Si Manang, este, si Ate Jess. Nasa labas siya, nagdidilig ng halaman."
Si Ate Jess nga pala ay pinsan namin nina Nico at Maur. May dugong Keryl din. However, her parents died in a car accident. Sina Ninang Marissa na ang tumulong sa kanya after the incident, bilang siya na 'ung panganay pagkamatay ng Ate Jasmine niya. Wala pa raw kami nina Maur nun, so parang si Ate Jess ang panganay ni Ninang Marissa at hindi si Maur. Nung College na sila nina Kuya Seb, si Ate Jess ay sa amin na tumira. Si Dad ang nagpaaral sa kanya. 'Ung allowance niya, galing naman sa Dad ni Nico.
After she graduated, tinulungan siya ni Lolo na makahanap ng trabaho sa ibang bansa. Ilang taon din siya doon. Nakapagtrabaho rin siya sa isang malaking agency sa America, kaya kahit wala pang 1 year si Ate Jess simula nang bumalik siyang Pilipinas, ang daming company na naghahabol sa kanya ngayon.
Pero ngayon, consultancy services lang ang binibigay niya. Hindi pa siya napirma sa kahit anong kontrata na offered sa kanya. Masaya raw siyang sa bahay lang nagtatrabaho.
"Ikaw talaga, lagi mo nalang tinatawag na Manang si Ate Jess! ComTech 'yan, baka mas mataas pa ang IQ niya sa atin. Banatan ka nun ng English eh. And she's just 30 years old. Hindi siya Manang, okay?"
"Joke lang naman eh. Tsaka sa harap mo lang naman. Teka nga, anong pumasok sa utak mo't naglilinis ka? Ano 'to? A Rose full of Regrets. Eto ba 'ung pinasa mo sa school paper natin?"
"Yep. Hey, inayos ko na iyan eh. Are you here para guluhin ako or tutulungan mo ako?"
"Of course, I'd help. Where should I start?"
BINABASA MO ANG
Guitar Strings
RomanceMasakit masaktan. Mahirap bumangon. Ngunit laging may isang taong aalalay sayo. Hindi mo man napapansin, pero lagi yang nandyan sa tabi mo.
