Chapter 8: The Kiss

82 1 0
                                    

Maur Manalo's POV


Grabe naman makadiskarte si Tristan! Dinaig ako nung loko! Mas gwapo naman ako. Siguro kung hindi ko pinsan si Stella, ako boypren nun. HAHAHA.

Biruin mo, nahalikan niya si Stella na ni minsan ay hindi nahalikan ni Drew?! HAHAHA Tsaka si Insan? Balasubas tingnan, barako, pero napakaconservative niya.

Nakakapagtaka lang, ganun na ba kadami ang fans nina Insan at Tristan para may makakuha nung pic nung nangyari doon sa kotse ko? Sino kaya kumuha nun? At papano nakapunta sa school? Bilis kumalat ng balita!

Nga pala, dahil mabait akong bata na takot sa mga pinsan niya (mga kuya ni Stella), tinanggal ko ung mga picture sa batch bulletin tsaka sa mga pader ng building namin kase baka makaabot pa kina Kuya Sander. Naku ung mga un! Saulong-saulo ang kasulok-sulukan ng kotse ko eh. Hilig hiramin o makisakay!

Teka. Nagtataka ba kayo? Sa akin ung kotse. Sa akin talaga un. Pero may driver ako lagi. I'm still 15, duh!

Pero nung night ng last gig namin, tinakasan ko ung driver. Ako lang nagdrive. Pumunta ako sa bar ng hindi nagsasabi kay Manong na may gig ako. HAHA Yeah! Driving on my own! I ROCK! \m/ Ay, eew! Nakakarumi pala ung laging sinasabi ni Tristan!

Noong Monday, nagcancel kami ng gig. FYI, ang gig namin dun, MonWedFriSat. Saturday nung hinalikan ni Stella si Tristan. HAHA Grabee! Kinilig ako sa dalawang un! AHAHA Laptrip!

Palayo na ng palayo kwento ko. HAHAHA

'UN NGA! Nagcancel kami ng gig kase dami naming ginagawa. Daming projects.

Isa pang ekstrang kwento: magkakaklase kami ng STRUM kung kailan fourth year na kami.

DATI...

III - A sina Stella at Drew

III - B sina Tristan at Rayce. Ang balita ko dapat A si Tristan nun kaso dami niya absent nung second year for some unknown reason. Anyway, laging magkaklase yang dalawang yan kaya super close nila ngayon

III - C kami ni Uriel. Simula nung naghigh school, kami classmates kaya kami ung magkasundo, kami ung luko sa barkada.

Ngayon, kami lahat nasa A, si Andrew de Luna ang nasa B.

Teka, ano nga bang pinag-uusapan natin? Ano ba yan! Ang gulo ko na!

Diba nga kase nagcancel kami ng gig... (Paulit-ulit na ako eh. Napaghahalatang madaldal ako.)

Nawalan kami ng isang araw ng sweldo. Oo, mayaman kami, pero naiinggit ako kay Tristan eh. Tumatayo siya sa sarili niyang paa, kahit isa ang tatay niya sa mga pinakamayaman sa lugar nila. Gusto ko kase pinaghihirapan ko lahat ng bagay. Kaya ako ganito, napagkasunduan namin ni Daddy na babayaran ko sa kanya ung kotse. Bale parang utang ko sa kanya ung pinambili ng kotse ko.

Anyway, tinawagan ko si Nico na hindi kami makakapunta.

Kaso nagbago 'ung plano ko na magsisipag sa gabing 'un para makatapos ng mga project.

Narinig ko sina Drew at Tristan noong Recess nung araw na 'un. 'Ung araw na naligaw si Stella kaya hindi na naman sila nakapagpractice. Sabi ni Drew, magkikita sila sa Light Music. May pag-uusapan daw sila tungkol kay Stella. Siyempre ako, CONCERNED.

Oo, concerned ako! Anong sinasabi sa inyo ni Tristan? Wala akong kwenta? Bakla siya! HAHA Kung alam niya lang!

At dahil doon, pumunta rin ako dun. Usi ako eh. HAHAHA

Nung pagpunta ko dun, si Drew palang ang nandoon. Naasar ako sa kanya! Nilapitan ko.


"Drew! Pare, kamusta?"

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon