Chapter 19: Cause If I Wanted To Go

15 1 0
                                        


Stella Keryl's POV


Sinundan ko si Eileen. Nakita ko siyang tumatakbo papuntang comfort room sa dulo ng hall.

Tinatawag ko siya, ngunit hindi niya ako nililingon.


"Eileen! Come on, let's talk."


Pumasok na siya sa CR.

Ano kayang problema niya?

Kinatok ko paulit-ulit ang pinto na ni-lock niya.


"Eileen, please, open the door. Mag-usap naman tayo."


Pinapakinggan ko siya na humahagulhol sa loob, at nahahalata ko nang lumalalim ang hugot niya ng kanyang paghinga.

Ang tagal kong nakatayo sa harap ng CR, pilit na kinukumbinsi si Eileen na buksan ang pinto. Katok lang ako nang katok habang tinatawag ang pangalan niya.


"Eileen naman. Buksan mo na 'to please. You need to calm down."


Binuksan na niya ang pinto, dali-dali akong hinila papasok, at agad na isinara ulit ang pinto. Pero hindi na niya naisipan pang i-lock ulit.


"Eileen, what's happening to you? Kaninang umaga, napansin ko nang may iba sa'yo, pero nginitian mo lang ako at sinabing okay ka lang. Kaya hindi na kita kinulit pa at nirespeto ang desisyon mong magsinungaling. Oo, Eileen, halata namang nagsinungaling ka kanina."

"Eh kasi, Stella... *cries* oh my God! Waah!"

"Eileen, you need to calm down. Inhale. Exhale."


Ginawa naman ni Eileen ang sinabi ko.


"One more. Come on. Baka manikip ang dibdib mo niyan kakaiyak."


At inulit niya nga.


"Now tell me what's going on. Nag-aalala na ang boyfriend mo."

"You remember when Rayce was about to go to Korea? When his aunt asked him to live with them after his parents died?"


Tumango ako. Noon siya nagconfess kay Rayce.


"Umiiyak ako nun, at pilit na nag-iisip ng paraan kung paano siya kukumbinsihing huwag nalang umalis."

"Alam ko na iyan eh. Ano, ikukuwento mo nalang ba ang love story niyong dalawa, o sasabihin mo sa akin kung bakit ka ganun kanina sa loob ng VIP?"

"Stella, nanaginip ako kagabi. Rayce decided to leave. Maaga siyang umalis sa bahay niya. Tinawagan ko siya, pero namatay naman ang cellphone ko. Sumunod ako sa airport, pero huli na ang lahat. Nakalipad na ung eroplano na sinakyan niya."


Hinihintay ko siyang ituloy ang sinasabi niya. Ngunit masyado nang tumagal ang katahimikan na namayani sa loob ng CR.

What?! So, 'un na 'un?!


"Eileen, ayun na ba 'un?!"

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon