Chapter 21: Proud Single

18 1 0
                                        

Uriel Jimenez's POV


Sa lahat ng pupuntahan ng kumag na iyon dito pa talaga sa building ng mga Valdez.

Kinikilabutan ako. Pag may nakakita sa amin, baka mapahamak pa kami. Di ba naaalala ni Maur na sumabit kami dun sa huling pustahan? Isa't kalahating gago rin talaga ang unggoy na un.

Kung noon siya pumunta dito, baka ayos pa. Kaso ngayon na nakaaway niya ang may-ari ng building na ito, dito pa niya naisipang pumunta? Naku, masusuntok ko talaga un!


"Uriel, tara na! Hatid mo na kami sa bahay ni Maur."


Isa pa itong babaeng ito. Gawin ba naman akong driver? Ihahatid ko lang sana siya sa bahay niya dahil ibinilin siya ni Maur sa akin... nako, bakit ba kasi nagpadala ako sa sinabi niya?


"Wala ka ba talagang ideya kung saan siya pwedeng pumunta? Sige na, Uriel! Di ba, lagi naman kayong magkasama? Dalhin mo ako sa kanya, Uriel. Baka kung anong maisipan niyang gawin. Please, Uriel?"


Buti nalang talaga, single ako. Ayoko nang may pinag-aalalang tao sa mga kagaguhan ko.


"Hoy, Maur! Siraulo ka talaga! Bakit sa lahat ng pwede mong puntahan, dito pa talaga?! Alam mo namang napatrouble tayo nung huli tayong pumunta diyan! Paano kung napahamak ka?! Lintik na to, kokonsesiyahin pa kaming lahat! Gago!"

"Chill! Hahaha. Relax lang, Uriel. Pinsan namin 'un. Bakit naman ako mapapahamak dito? Hahaha."

"Kaya po pala muntik na tayong mabugbog ng kambal nung huli!"

"Wait, what?! Mabugbog? Anong sinasabi mo, Uriel?"

"Hay naku, Stef. Iyang boyfriend mo, inaway ang mga Valdez nung natalo siya sa pustahan nung isang buwan. Ayan! Kung hindi ko lang napakiusapan ung kambal, siguro nagulpi na kami ng mga kaibigan nila."

"Lintek na. Uriel, huwag mo nang ikwento! Hahaha."

"Dapat lang malaman ni Stef ang mga kalokohan mo, Maur, para tumino ka na!"

"Bakit, Uriel? Ano bang nangyari dun sa pustahan nina Maur?"

"Eh kasi, nag-iinuman kami nun. Nagyayang magpoker sina John. Kaibigan ng kambal ang naging dealer. Nakisali naman ako kasi para lang naman palang pusoy dos ung laro. Pustahan ang laban."

"Oh, tapos?"

"Ayun. Habang lumalalim ang gabi, tumataas na ang pustahan. Umayaw na ako kasi nga wala na akong panlaro. Kaso 'tong gagong 'to, wala na yata sa huwisyo. Tinanong naman namin siya kung seryoso siya sa gusto niya. Sinubukan ko pa ngang pigilan eh, pero ayaw niyang paawat. Ipinusta niya ang kotse niya."

"What?! Maur, ginawa mo un?!"

"Babe, usufruct lang ang ipinusta ko. Right to use for one month. Chill. Hahaha. Tama na nga kasi, Uriel! Hahaha."

"Don't listen to him, Uriel. Oh, pa'nong napaaway kayo?"

"Natalo si kumag. Nagalit. Pinagbintangan niya ang kambal na pinagtulungan siya kaya nanalo si James. Siyempre, si John, nagalit, kasi malaki rin ang natalo sa kanya nang gabing un. Ayun. Napaaway kami. Pati ako nadamay sa kagaguhan niyang boyfriend mo. Nakakainis!"


Grabe talaga. Nagkablack-eye pa ako kasi galit na galit ang kambal at gustong pagtulungan si Maur. Natamaan ako ng suntok ni John. Nahirapan kami ng kaibigan nina James na pigilan silang dalawa dahil may katangkaran sila pareho.

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon