Stella Keryl's POV
"Good morning, Dy."
"Hi, sweetie!"
"Ang arte ng tatay ko. Sweetie raw. Haha."
"Haha. Hey, malapit nang magstart ang college life mo ah. Ready ka na ba?"
"Yeah. Medyo kabado lang po pero okay lang naman."
I miss having conversations like these. Uptight kasi itong tatay ko kaya di ko alam minsan kung makikipagbiruan o makikipagkwentuhan o mananahimik nalang ako. Pero despite being uptight, malambing pa rin naman siya at times.
Nagbibreakfast si Dad dito sa dining. Umupo ako sa gilid niya at nagsimula na ring kumain.
"Ah, basta, Stella. Pag may nanligaw sa'yo, kilatisin mo muna, ha?"
Nasamid ako sa kapeng iniinom ko. Hindi naman napansin un ni Daddy.
Hays. Wala na pong manliligaw sa akin, Dy... kasi may boyfriend na po ako.
"Tsaka ipakilala mo muna siya sa amin ni Mama mo."
Kilalang-kilala niyo na po siya. But as my bestfriend, that is.
I sighed. Sorry, Daddy, for keeping secrets. In time, I swear, sasabihin ko rin po sa inyo.
"Stella, ha, ung bilin ko!"
"Yes, Dy."
Tumayo na si Dad kaya napatigil ako sa pagkain.
"I have to go. May meeting ako at 10 am. Baka malate pa ako. Tell your brothers to stay away from trouble, okay? Bye."
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Bye, Dy. Take care."
Tinuloy ko na ang pagkain ko. Tsaka ko lang napansin si Ate Jess na hawak-hawak ang laptop niya. She's probably talking with a client again. Webpage Designer na rin pala siya.
Palakad-lakad siya dun sa may sala. Nang umikot siya at napaharap sa gawi ko, nginitian niya ako. I smiled back at her.
Lumapit siya sa akin habang kausap pa rin ung kavideo-call niya. May nilapag siya sa aking tabi na nakatuping sticky note, at tsaka bumalik sa sala.
Ano kaya ito?
Binitawan ko na ang kubyertos para kunin ang sticky note. I was about to open it nang biglang pumasok si Mama galing labas.
"Stella."
She was looking straight at me na seryoso ang mukha.
Hindi ko na nagawang buksan ung note at isiningit nalang iyon sa likod ng case ng phone ko.
I gave Mama my full attention nang nakalapit na siya dito sa table.
"Nakausap ko si Ate Marissa. Nag-away na naman daw kayo ni Maur."
That wasn't a question; it was a statement. She wasn't confirming kasi alam niyang totoo ung natuklasan niya.
"Ma..."
"Don't 'Ma' me! Kelan pa kayo 'to?"
"Nung isang araw po."
"Nung isang araw pa? Tapos hindi pa rin kayo nagkakaayos? Ano ba talagang nangyari?"
"Ano po kasi... medyo kasalanan ko po."
"Bakit?"
"Nasa Karaokee po kami nung nagkatampuhan kami. Medyo nagkainitan lang po ng ulo. Long story, Ma."
"Oh, gayong kasalanan mo pala naman, bakit hindi ka nakikipagbati sa pinsan mo? Stella, ang akala ng Ninang mo ay si Maur ang may kasalanan. Na binuwisit ka na naman ng anak niya kaya kayo magkagalit. She asked sorry for Maur."
BINABASA MO ANG
Guitar Strings
RomanceMasakit masaktan. Mahirap bumangon. Ngunit laging may isang taong aalalay sayo. Hindi mo man napapansin, pero lagi yang nandyan sa tabi mo.
