Chapter 28: Overdrive

10 1 0
                                    

Stella Keryl's POV

"MAUR!"

Nakauwi na ako sa amin, at bumungad agad sa akin ang pinsan kong ang ganda ng pagkakaupo sa sofa namin. Kumakain siya ng muffins na gawa ni Mama.

Napatayo siya nang makita ako. Agad siyang nagtatakbo papuntang kusina namin.

"Bwisit ka! Huwag mo akong takbuhan, uupakan pa kita!"

Tuwang-tuwa siya habang nanggagalaiti akong hinahabol siya.

Nang datnan ko siya sa kusina, yakap-yakap na niya ang braso ni Mama at tatawa-tawang nagsusumbong.

"Tita, si Stella oh! Hahaha. Uupakan daw ako!"

Lumingon kaagad si Mama sa akin.

"Uupakan? Stella, how many times do I have to tell you, stop acting like a boy!"

Oh dear. Here we go again.

"It's okay to be friends with boys. Sa kanila ka madalas sumama. Pero ibang usapan na yang pagpapakalalaki mo ah."

Gustong-gusto ni Mama na maging 'prim and proper' na ako. Can I blame her though? I'm her only daughter.

"Ma! Huwag ako ang pagalitan mo, si Maur!"

"Bakit? Ano bang ginawa niya?"

Tatawa-tawa si Maur na sinundan ang sinabi ni Mama.

"Oo nga! Ano nga bang ginawa ko sayo ha?"

Tinaas-taas pa niya ung mga kilay niya at nang-aasar na ngumiti sa akin.

Bwisit na to. Alam niyang di ako makakapagsumbong kay Mama sa ginawa niya kasi di pa nila alam ung tungkol sa amin ni Tristan. Kaya ang lakas ng loob niyang magtago sa likod ng nanay ko.

"Argh! Asshole! I hate you!"

Tumalikod na ako at nagmartsa palabas ng kusina. My mother shouted at me angrily.

"Stella! Your mouth!"

Narinig ko naman si Maur na humingi ng pasensya habang naglalakad ako pabalik sa sala.

"Haha. Sorry, Tita. It was my fault. Ako na po bahala kay Stella. Sorry po ulit."

Hinayaan ko na sila sa kusina at naupo nalang sa sofa.

Nakakapikon talaga si Maur. I even kneeled in front of him earlier just so he'd forgive me. And now, this?!

"Insan!"

Oh, nice. The devil has followed me.

"Uy. Haha. Sorry na."

Bahala ka diyan.

Kinuha ko ung remote sa table at naglipat ng channels. Di ko pa rin siya pinapansin.

"Uy. Kausapin mo naman ako. Haha."

Tumabi siya sa akin at niyakap ako patagilid.

"Argh! Get off me, Maur!"

"Ito naman. Di na mabiro. Namiss lang kita. Haha."

"Namiss? Asarin? Nakakainis ka!"

"Uy, hindi! Namiss nga lang kita. Hahaha."

"Che! Wala ka talagang kwenta!"

Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at seryoso akong hinarap.

"Uy. Below the belt na yan ah."

I sighed, and looked at him.

"Sorry."

Napabuntong-hininga na rin siya, at saka ako sinagot.

"I was just messing around. I swear, namiss lang talaga kita. Ilang araw tayong di nagpansinan."

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon