Tristan Colton's POV
"What?!"
"Haha. Pare, seryoso ka ba?!"
"Hindi ko inakala, Tristan! Haha."
Nandito kami sa Light Music. Boys night out. Unlike other times na sa counter kami nakapwesto, nandito kami sa isang lamesa.
Mabuti nalang dahil kung hindi, pati si Nico ay aasarin ako.
"Grabe. Isang buwan na kayo ng pinsan ko pero di pa kayo nakakapagdate? Haha."
"I'm not kidding, Maur."
Sa pagkumpirma kong iyon sa narinig nila kanina ay nagtawanan na talaga sila.
"Kami ni Stef, pagkaweekend palang simula nung maging kami, nagdate kami agad."
Napalingon naman ako kay Rayce na katabi ko ngayon.
"Kami rin ni Eileen. Pero alam niyo naman ung mga nangyari nang mga panahong naging kami. Hindi namin pinag-usapan na date un pero basta nagkasundo lang kami na lumabas after ilang days."
Hindi naman nagpahuli si Uriel at bumanat din.
"Pero itong si loverboy, supot! Haha."
Nagtawanan lalo ang mga kasamahan ko. Damn it, Uriel. Damn you and your mouth.
"First of all, simula nung naging kami, nagkasunod-sunod ung mga lakad natin di ba? Usapan naman natin na mag-enjoy nang magkakasama bago tayo magcollege. Nag-eenjoy naman kami, siya, sa mga lakad natin."
"Sure, masaya pag may mga gimik tayo. But you are a couple now. Hindi na kayo basta magbestfriend lang. Kailangan niyo rin ng time na kayo lang dalawa. Walang barkada."
"Uriel, napunta naman ako sa bahay niya. Dun. Kami lang dalawa sa kwarto niya."
Nagkatinginan silang tatlo at biglang naging malisyoso ang mga tawa nila. Ugh. Bakit ko pa ba sinabi un?
"Haha. Grabe! Nakascore ka na ba?"
Pinandilatan ko si Uriel. Tawang-tawa naman ung dalawa naming kasama.
Lumagok si Maur sa bote na hawak niya bago ako kinausap.
"Hoy, umayos ka, Tristan, ha. Tandaan mo, hindi pa alam nina Tito Dan na kayo na. For sure, pag nalaman na nila un, hindi ka na makakatapak sa kwarto niya pag kayo lang dalawa."
"Alam ko naman un. Tsaka wala naman kaming ginagawang masama. I love Stella and I respect her so much."
Tumango-tango siya sa akin.
Nagsalita naman ulit si Rayce.
"Pero pare, kailangan niyo pa ring magdate. Kami, kahit marami tayong lakad lately, nagdedate pa rin kami ni Eileen. Sulitin na natin habang bakasyon pa. Hindi pa naman natin sila kasama sa college."
Sumang-ayon si Maur sa kanila.
"Oo nga. Ang corny, kami lang dalawa ni Stella magkasama. Bakit kasi di ka pa dun magcollege, Tristan? Afford mo naman eh."
"Anong afford ka diyan?"
Sumingit si Uriel sa usapan.
"O di ba sabi mo dati, nag-offer sayo si Tito na paaralin ka sa MSC?"
Hindi ko siya sinagot.
"Akala ko ba ayos na kayo ng papa mo? Bakit parang walang development?"
I sighed and faced him.
"Ayos na kami ni Papa. Ayoko lang ng ganun."
"Ng ano? Tatay mo un, Tristan. Natural lang na gusto ka niyang pag-aralin. That's his way of being a father to you. Wala ka na ngang tinatanggap na tulong niya, pati ba naman pagpapaaral sa'yo, ipagdadamot mo pa."
BINABASA MO ANG
Guitar Strings
RomanceMasakit masaktan. Mahirap bumangon. Ngunit laging may isang taong aalalay sayo. Hindi mo man napapansin, pero lagi yang nandyan sa tabi mo.