Stella Keryl's POV
Mga past 1 pm na kami nakarating sa Tagaytay. Humanap agad kami nang makakainan dahil sobrang grumpy na talaga ni Kuya Sander. Pagod, puyat at gutom siya, at si Kuya Tep na ang pinagbubuntunan niya.
"Stephen! Ayusin mo naman pagdadrive!"
"Hahaha. Ano bang problema mo, Sander? Maayos naman ang pagdadrive ko. Napakasungit mo."
Natawa nalang kaming tatlo sa likod habang nagpapalinga-linga sa mga madadaanan namin.
Nang sa wakas ay makakita kami ng mmakakainan, niyaya ko na agad si Kuya Sander sa loob kasama si Ate Jess. HInayaan naming si Maur ang sumama kay Kuya Stephen sa parking at baka sumabog na talaga si Kuya Sander pag tumagal pa siya kasama si Kuya Stephen.
Kahit sino sa mga kaibigan namin, laging sinasabi na mas malala ang mood swings ni Kuya Sander kesa sa akin kapag may period ako. Hahaha.
"Tigilan mo nga yang pagsusungit mo. Gumala tayo para mag-enjoy tapos sisirain mo lang."
Napakamot sa ulo si Kuya Sander nang pagsabihan siya ni Ate Jess pero hindi pa rin natatagal ang busangot sa mukha niya.
Kailangan na talagang mapakain tong kapatid ko. Hahaha.
"Order ka na, Stella. Ikaw na bahala."
"Okay."
Tinawag ko na ang waiter nang makapagdecide na ako sa oorderin. Siyempre, kinonsulta ko naman ung mga kasama namin, lalo na si Kuya Tep kasi siya ung mapili sa pagkain.
When our food arrived, Ate Jess led a prayer, and then we all started eating. We did a little catch up on what's happening with each other. Kahit kasi magkakasama kami sa bahay (except of course, Maur), hindi naman kami masyadong nagkukwentuhan about personal stuffs kasi medyo awkward magkwento pag nandun si Daddy.
Lalo kapag kalokohan? Siyempre sikreto lang namin un.
"Ayun nga, nabasted ako."
"Hay nako. Di mo naman kasalanan un, Kuya Stephen. Ang tiyaga mo ngang nanligaw sa kanya eh."
"Hahaha. Sana kasi sapat na ung tiyaga para sagutin niya ako, Maur."
Napatango ako kay Kuya. Pero nabigla ako sa sinabi ni Ate Jess.
"Tanggapin mo nalang na di ka niya mahal."
"HAHAHAHA."
Pinakamalakas na tawa talaga ung kay Kuya Sander. Pinaglingunan pa kami. Nakakahiya talaga. Pero ang harsh ni Ate Jess dun. Hahaha.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa matapos kaming kumain.
Sunod naming pinuntahan ung sinasabi ni Ate Jess na gusto niyang mapuntahan. Nag-ikot ikot kami sa lugar kahit na mainit. Mas naenjoy kong panoorin ang pag-aasaran ng tatlong kasama naming kesa sa mismong pinuntahan namin.
Marami-rami rin akong litrato nila na panakaw kong kinuha habang nasa Tagaytay kami.
"Stephen, next time, sa Taal na tayo mismo pumunta ha. Ang ganda oh!"
Kumapit naman ako sa braso ni Kuya Stephen at nilalambing siyang sinabi ito.
"Oo nga, Kuya Tep. Tapos ikaw naman manlilibre."
I even gave him my sweetest smile, pero ikinabwisit niya.
"Tigilan mo nga ako, Stella. Gaya-gaya ka lang lagi kay Ate Jess. Tsaka huwag mo nga sabi akong tawaging Tep. Ang bantot!"
BINABASA MO ANG
Guitar Strings
Любовные романыMasakit masaktan. Mahirap bumangon. Ngunit laging may isang taong aalalay sayo. Hindi mo man napapansin, pero lagi yang nandyan sa tabi mo.
