Andrew De Luna's POV
I saw it. I saw everything.
From the start of the setup, to her tears, until Stella hugged Tristan.
Ano ba kasing ginagawa ko dito? Kaasar lang. Namiss ko ba siya? Well, OO! Ang gago ko kasi!
Sino ba naman kasi ako para sirain ang napakalambot na puso ni Stella?
Ako lang naman si Andrew De Luna... ang star player ng basketball team ng school, pero ang biggest loser sa pag-ibig. Mr. MSC (Mr. Manalo-Santos College) last year, pero ngayon, MR. GAGO! Naiinis ako sa sarili ko!
Ayan na si Stella. Lapitan ko kaya? Pero nababakla ata ako. Ang kapal naman ng mukha ko kung lalapitan ko siya ngayon.
Oh, shit! Teka, nakita niya ako! She looked shocked seeing me. Ilang weeks na nga ba bago ko ulit siya pinanood? I just flashed my sincerest smile and went away.
Stella, I'm really sorry.
--------------------------------------------------
Stella Keryl's POV
Drew...
I saw him, staring at me. He flashed a smile, like nothing happened.
But it's different from the smiles he gave me when we were still together. Di ko alam kung bakit nalungkot ako ulit nung nakita ko 'ung ngiti niya. May iba eh. Is he depressed?
Drew, ano ba kasi 'ung totoo...? Bakit ganyan 'ung tingin sa mukha mo? Hirap na hirap na ako!
Biglang pumatak ang luha ko the moment he walked out of the music bar.
Shit. Naiyak ba ako dahil for the first time after out breakup, pinuntahan niya ako? Dahil ba namiss ko siya? O dahil naawa ako sa sarili ko?
Teka, SMILE STELLA! Nagpromise ka kay Tristan!
The world still rotates even though many hearts are broken. Life will not end because you feel down.
----------------------------------------------------
Tristan Colton's POV
Drew? Lokong 'un ah! Ano bang iniisip niya? Tae naman oh! Ang MANHID! Kase naman! Si Stella, umiyak na naman.
Grabe, pare, bago ko napatahan, paiiyakin mo ulit.
Susundan ko si Drew! Pero si Stella... I need to look for Maur.
"Maur, aliwin mo muna pinsan mo, please. Aalis lang ako sandali."
"Anong tingin mo sa akin, clown? Tss. Baket ba?"
"Pare umiyak ulit. Nakita si Drew. Pare, sige na. Pinsan mo naman. Susundan ko lang 'ung lokong un."
"Teka, pare! Tristan!"
Tss. Walang kwentang pinsan. Ayaw niya? Anla, mamaya ko na babalikan. Basta siya na ang bahala kay Stella. Tapos.
Nasan ba ung lokong Drew na un? Ayun! Kinapitan ko siya sa balikat.
"Drew..."
"Pare, ano ba? Bastusan?"
"Aba lokong 'to ah! MAY ITATANONG LANG AKO! Bastusan agad?!"
Sinigawan ko nga! Loko talaga! GAGO! Tss.
"Ano un?"
"Bakit mo hiniwalayan si Stella? Totoo bang may iba ka na? Totoo bang ipinagpalit mo siya? MASAYA KA BANG NAKIKITA SIYANG UMIYAK?!"
"Anak ng...! Pare, tanga ka ba? Sino bang matutuwa kapag umiyak ang babae?! At sige, ipagsigawan mo pa! Para matsismis na naman 'ung bestriend mo!"
"Bestfriend ko... na ex mo... na pinaiyak mo na for one month straight! Walang araw na hindi siya umiiyak dahil sayo. Ngayon, sabihin mo sa akin, may pakialam ka pa ba kung matsismis siya? Ha, Andrew De Luna?"
Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Tamo, ni hindi ka nga makatingin sa akin eh. Wala ka namang pakialam kung matsismis siya, 'di ba? Kasi kung meron, ikaw lilinaw ng lahat ng iyon. Pero pare, ang gago lang kase! Pwede bang kahit sa amin man lang, linawin mo 'ung katangahang ginawa mo? Hindi 'ung nahihirapan tayong lahat! Hindi 'ung para kaming tanga!"
"ANO BANG PAKI MO?! Kung masabi ko man sa'yo, mapapatahan mo ba siya?! Makakagawa ka ba ng paraan para hindi siya paulit-ulit masaktan?! Ano Tristan?! MERON BA HA?! MERON?!"
Namumula na siya. Ano bang problema niya?! Ano bang ikinakagalit niya? Eh siya 'tong gago na nagpaiyak kay Stella tapos kung makapagsalita siya...
"Hindi ko 'yan masasagot unless sagutin mo 'ung tanong ko! Ano bang ikinagagalit mo?! KAMI NGA DAPAT 'UNG MAGALIT EH! GINAGO MO 'UNG BITUIN NAMIN!"
"Sabihin mo nga sa akin... mahal mo ba si Stella?"
"OO PARE! Tangna lang! Dami mo pang patagal! AYAN! Ano? Sasagutin mo na ba tanong ko?"
Napansin ko nalang na nanlaki ang mata ni Drew.
BINABASA MO ANG
Guitar Strings
RomantizmMasakit masaktan. Mahirap bumangon. Ngunit laging may isang taong aalalay sayo. Hindi mo man napapansin, pero lagi yang nandyan sa tabi mo.
