Chapter 27: Misunderstanding

14 1 3
                                        

Stella Keryl's POV

Nandito pa rin ako sa kwarto ni Maur, nakatambay.

"Huy, Maur. Akin na ung phone ko, tetext ko pa si Tristan."

Tumawa lang ang pinsan ko.

"Huwag mo nang itext. Magpamiss ka naman. Pakaclingy niyo. Haha."

"Wow ha. Coming from you? Haha. Sino kaya sa atin ang atat na atat pumuntang US basta magkachance?"

Tumikhim nalang si Maur at hinagis pabalik sa akin ung phone.

"Oh. Text mo na boyfriend mo."

Ngumisi siya sa akin bago tumayo mula sa pagkakadapa sa kama niya.

Sinundan ko nalang siya ng tingin habang binubuhat pabalik sa lamesa ang laptop niya at nagsuot ng headphones. Maglalaro na yata.

Kumuha ako ng Pringles at nagsimula nang magtipa ng text para kay Tristan.

Ako:

Tris, bati na kami ni Maur =) Nandito ako sa kwarto niya eating his Pringles. Haha.

Kakatapos ko palang magsend ay tumunog na kaagad ang phone ko dahil sa isang tawag.

Napangiti ako nang makita ang pangalan ng boyfriend ko sa screen. I immediately answered his call.

"Hi, Tris! Good morning!"

Ilang segundo ang lumipas pero walang nagsasalita sa kabilang linya.

"Hello?"

I heard him sigh before finally speaking.

"You want to break up with me?"

Napasinghap ako sa narinig. At hindi sinasadyang mapalakas ang boses sa pagsagot.

"What the hell are you talking about?!"

Napatingin ako kay Maur nang luminga ito sa akin at kausapin ako.

"Sinong kaaway mo?"

Akala ko'y di niya ako maririnig dahil sa headphones niya. Pero baka kaya niya naisipang may kaaway ako ay narinig niya ang pasigaw kong sagot.

Pero di ko na inabalang sagutin ang pinsan ko dahil nasa kausap ko sa cellphone ang atensyon ko.

"Anong break up? Kailan ko sinabing gusto kong makipaghiwalay?!"

Hindi siya muling nagsalita. Sinamantala ko un para kausapin siya tungkol sa kabaliwang sinabi niya.

"Don't you accuse me of something I didn't do or say! Why are we even talking about this?"

"Ella..."

"I can't believe you, Tristan!"

Iniwan ni Maur ang laptop niya at lumapit sa akin. For a while, I saw amusement in his eyes. Agad iyong nawala.

Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko sa pinsan kong nagpipigil lang talagang tumawa. Nainis man ako nang bahagya sa pinsan ko because of how he finds this situation amusing, hindi ko siya maconfront dahil nanghihina na ako.

Nanghihina na ako at naiiyak sa sobrang pagkafrustrate kay Tristan. Hinahagod ni Maur ang likod ko na para bang mabubura noon ang problema ko.

I was already sobbing when my boyfriend talked to me again.

"Hey... don't cry. Nagtanong lang naman ako dahil sa text mo eh. If you don't mean it, let's just forget about it."

Text? Wala akong sinabi dun kung hindi nakain ako ng Pringles!

Napabaling ako kay Maur.

"What text are you talking about?"

Nahati ang atensyon ko nang sabay na magsalita si Tristan sa phone at si Maur sa harap ko. Pero sinikap kong intindihin pareho iyon.

"I think it's better if I leave you alone for a while." - Maur

"You said we can't have our first date... and you want to break up with me." - Tristan

Ang kaninang marahan na pag-atras ni Maur ay naging mabilis na takbo palabas ng kwarto niya nang tapunan ko siya ng madilim na tingin.

"Maur!"

Tawa siya nang tawa nang mailagan niya ang unang ibinato ko sa kanya, na dumiretso sa pintuang isinara niya pagkalabas niya.

"Haha. Sorry, cous! Kita nalang tayo sa bahay niyo. Una na ako. Love you!"

Nang ibinalik ko ang phone sa tenga ko, narinig ko na ang tawa ni Tristan. I sighed. Because of relief. At dahil sa pinapalipas na iritasyon sa pinsan kong kakabati ko lang.

"So si Maur nagtext nun?"

"Yeah... hawak niya phone ko kanina dahil may pinakita ako sa kanyang picture."

"What picture?"

"Ung sticky note na binigay sa akin ni Ate Jess kanina. Ung... about sa invitation mo for a date."

"Ah. Kaya pala alam niya ung tungkol sa date dun sa text niya. Haha."

"Bwisit na un. Kakabati lang namin, pinapainit na ulit ang ulo ko."

Hearing him laugh on the other end calmed me down.

"Baka bumabawi sa'yo. Haha."

"Ewan ko sa kanya. Lagot siya sa akin mamaya."

"Nako. Haha. Anyway..."

"Yes?"

"Would you go on a dinner date with me later?"

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang kaba at saya na nararamdaman ko sa narinig.

Hindi naman ito ang unang beses na lalabas kami na walang ibang kasama. Hindi rin naman na bago sa amin ang dinner date.

Pero ngayon palang yata kami magdedate bilang magkasintahan.

"O-Oo. S-Sige. Yes. Uhm. Why not?"

He chuckled.

Namula naman ako sa kahihiyan. Did he noticed how nervous I am right now? Damn you, Tris.

Bakit nagkakaganito pa ako kahit ang tagal na nating malapit sa isa't isa?

"See you later then."

"Yes. See you."

"Love you, Ella."

"Yeah... I-I love you, too."

He ended the call.

Nagpalipas pa ako nang ilang sandali bago nagdesisyong tumayo na at umuwi.

Right.

Humanda ka, Maur.

Sasapakin talaga kita.

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon