Andrew De Luna's POV
"Good afternoon, class."
"Good afternoon, Mrs. Cervantes."
"You may sit."
1:00pm...
After lunch...
English Class...
NAKAKAANTOK!
Ang sarap matulog ng ganitong oras!
Ung busog ka, tapos sinabayan pa ng malamig na paligid, gawa ni aircon, tapos naulan pa sa labas na nagdadagdag sa nakakaantok na pakiramdam.
English IV ang klase namin ngayon with Mrs. Lyn Cervantes, ang aming adviser.
Magaling siyang magturo kaso mahirap intindihin ung itinuturo niya. Speech ang English IV namin. Iba pa ung subject naming Developmental Reading o DevRead.
Grabe 'tong school na ito! Tindi ng curriculum. Kaya ayaw akong ilipat ni Lolo eh.
"Class, our last lesson, kernelizing sentences, has a connection with our topic for today. So, let's first have a review on kernelizing."
Normal scenes sa room:
Likod - May mga taong akala mo ay kinokopya lahat ng sinusulat sa board, pero nagsisimula nang magdoodle. Madalas pangalan ng kung sino-sinong tao. Pagkatapos ng klase, ibibigay sa taong nagmamay-ari ng pangalang iyon. Kapag hindi ganito ang ginagawa nila, sila 'ung mga nangunguna ng pagtulog sa klase. May mga tao ring gumagawa ng sarili nilang mundo kase hindi nila maintindihan ang itinuturo or hindi sila interesado. Ito 'ung mga taong parang laging nagpaparty ng walang kapagod-pagod. Halos lahat ng klase namin, ganun sila.
Gitna - Naririto ung mga trying hard makinig at intindihin ang itinuturo. Sila 'ung mga gustong matuto pero natutuksong sumama sa mga kademonyohang nangyayari sa likod. Kapag naintindihan nila 'ung lesson, hanggang dulo, makikinig ang mga 'yan. Kapag hindi, sumasama sa mga katarantaduhang nagaganap sa kanilang mga likuran. KASAMA AKO DITO.
Unahan - Sila 'ung mga taong laging nasa teachers ang attention. Sila 'ung mga taong nagbabalik ng atensyon ng mga kaklaseng hindi nakikinig sa klase kapag may nalamang interesante. 'Ung mga oras na nasigaw sila ng, "Ah! Ganun pala 'un," o di kaya'y "Oo nga ano! Ang galing." Hala, ayan na 'ung mga hindi nakikinig: "Anu raw? Anong sabi? Bakit?" Madalas nasa unahan din 'ung mga taong mababait na ayaw mabahiran ng kahit anong katarantaduhan, at ang gusto lamang ay kaalaman.
Sa pwesto ko, gitnang-gitna, pinakadelikado ang estudyante. Kapag tumingin ang guro sa klase, nasa akin ang tingin ng kanyang mga mata, tsaka lilibot sa kanan, kaliwa, unahan, likod. Kaya ako, tatango-tango.
"Mr. De Luna. Mr. Andrew?"
"Ui, Drew! *kalbit* Tinatawag ka ni Miss."
Si Cynthia Lee, seatmate ko at childhood friend, binalik ako sa ulirat ko. Heads nga pala kaming dalawa sa Dance Club.
*blink blink*
*processing*
*wtf moment*
"Mr. Andrew De Luna, are you still here in my class?"
"Y-YES! Yes, Miss. I'm so sorry. I... uh."
BINABASA MO ANG
Guitar Strings
RomanceMasakit masaktan. Mahirap bumangon. Ngunit laging may isang taong aalalay sayo. Hindi mo man napapansin, pero lagi yang nandyan sa tabi mo.
