Chapter 3: A World With Boys

106 1 0
                                        

Stella Keryl's POV


Waah! Ansakit ng ulo ko! Napakadesperada ko na ata na makalimutan si Drew, pati pag-iinom ng alak, binabalikan ko na naman. Paano nga pala ako nakauwi? Baka naman hinatid ulit ako ni Maur.


"Good morning, Ma."


I kissed her cheek habang siya say nakaupo sa may lamesa.


"Good morning, baby. Ayan, pinaghanda kita ng soup. Masakit ba ulo mo?"


Hala! Nakakahiya naman kay Mama. Nakita niya yata akong lasing kagabi!


"Okay lang po. Salamat, Ma. Sina kuya po ba, kumain na?"

"Hindi pa nga eh. Tawagin mo nga at para makasabay sa atin."

"Sige po."


Here I am, standing in front of Kuya Sander's room. Siya 'ung sinusundan ko sa aming magkakapatid, at ang pinakaclose ko. Tambay 'yan ngayon at kakagraduate lang. Magaling siyang maggitara pero kay Tristan ako unang natuto, hindi sa kanya.


"Sander!"


Ganyan ko siya tawagin kapag ginigising.


"Bastusan? Wala nang kuya? Sasabihin kita kay Mama eh!"


Sumbungero! Hmph!


"Whatever. Kakain na daw! Tara na."


Binuksan na niya 'ung pinto. Shit! Gwapo ni Kuya Sander!


"Samahan mo ako. Gigisingin ko 'ung dalawa."

"Tara."


Kay Kuya Stephen naman. Mabait 'yan sa akin. Pero lagi siyang nagtatravel. Ewan ko na nga kung anong klaseng trabaho meron 'yan eh. Anyway, magaling siyang kumanta pilit nga lang minsan. MAS mabait 'yan kay Kuya Sander pero MAS strikto siya.


"Stephen! Bangon na!"


Isa pa 'yan! Kung magalit sa akin sa hindi pagtawag ng kuya eh siya din naman! Nga pala, close sila ni Kuya Stephen, parang barkada na, kaya natawag lang ng kuya 'yan kapag may kailangan siya.


"Oo na! Susunod na!"

"Labas na nga sabi!"


Kulit ni Kuya Sander! Hahaha. Natatawa ako habang pinagtitripan pa rin ni Kuya Sander si Kuya Tep.


"Tawa ka diyan, Stella!"


Kuya Stephen naman eh! Tumahimik ka nalang, Stella. Less words, less mistakes.


"Nakita kita kagabi! Lagpas alas onse ka na umuwi!"

"Eh..."

"At lasing ka pa ha! Pasalamat ka at wala si Daddy!"


Galing, ano? Mama at Daddy. Hindi match.


"Tsk. *whispers* Nakapagpasalamat na!"

"Ano?!"


Ang lakas ng boses ni Kuya Stephen!


"Shh! Kuya Tep! Huwag kang maingay! Baka marinig ka ni Kuya Seb!"

"At anong maririnig ko?"


Patay na ako nito! Shit. Strikto niyang si Kuya Sebastian. Ang PINAKA! Para ngang siya na ang tatay ko at hindi si Daddy.


"Wala, kakain na daw."

"Tss."

"Tara na kasi! Pinag-iinitan niyo naman 'tong si Stella eh."


Inakbayan ni Kuya Sander si Kuya Stephen, tapos kinapitan ako sa balikat.


"Tara na, Stella. Kakain na daw, 'di ba? Huwag nating paghintayin si Mama."

"Okay."


Sakit ng ulo ko. Hirap ngumiti.

Buti pa si Kuya Sander, supportive kahit super kulit. Palibhasa, lagi din siyang gumagawa ng kalokohan. Mana yata ako sa kanya...? Naku, ngayon pa at libreng-libreng pumunta sa barkada dahil fresh grad siya at wala pang trabaho. Buti at hindi siya napapagalitan ni Daddy.


"Boys, Stella! Baba na diyan! Nalamig na ang pagkain!"

"Yes, Ma!"


Well, ayan nga pala ang buhay namin sa bahay. Minsan, dito natulog si Maur kapag nadayo ng pagpapaturo sa amin. Tsaka kapag bad trip 'yan, dito natulog.

Speaking of Maur... siya ang pinakaclose ko sa mga pinsan ko dahil ka-age ko siya. Parang kapatid ko na nga eh! Ay, kinakapatid ko 'yan! Ninang ko mommy niya. Ang ninong naman ni Maur ay ang daddy ni Nico. Tapos si Daddy ay ninong ni Nico. Na-gets niyo ba? Ikutan lang, in short.

Minsan naman, kasama ni Maur sa pagdalaw ang buong banda, tapos jamming kaming lahat sa Studio. Pati sina Kuya Stephen at Kuya Sander, nakikisali. Tinuturuan kami. Kumbaga, parang sila 'ung instructor namin.

Saya, ano? My world is full of boys, kaya hindi niyo ako masisisi kung medyo boyish ako. Tsaka mas prefer kong makasama ang lalaki. Hindi kasi sila 'ung klase ng tao na nangbabackstab, kasi lahat-lahat na yata ng kalait-lait sa'yo, sinasabi nila nang harapan, lalo na kapag maraming tao. Grabe, hindi naman all of the time... but MOST of the time. Hahaha.

Masaya silang kasama. Labs na labs ako ng mga lalaksot na iyan, kaya naman natutuwa ako sa kanila. At least, nalilimutan ko ang problema ko kapag kasama sila.

Guitar StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon