PID 32 - "EXPOSED"

5.7K 141 7
                                    

Hi there.. hehehe. Dedicated ito sayo kasi nga nag aabang ka sa UD ko...  ThANKs sa support girl. :)

JUS' POV

Nandito na ako sa labas ng office. This is it. Wala na talaga tong atrasan. Either itutuloy ko ang pag amin ko o kaya ay magsisinungaling parin ako sa kanila at itatago ang tunay kong pagkatao.

Pagpasok ko sinalubong kaagad ako ni Ky. Niyakap nya ako bigla. Nakita kong nagtinginan ang barkada at puno ng pagtataka.

"So pinapunta nyo lang kami dito para panuorin ang labing labing nyo" panunukso ni Nate. Wala talagang matinong maisip ang lalakeng to. Nag ayeehh naman ang iba at tinukso tukso pa kami.

"Ky okey lang naman ako" bulong ko sa kanya kasi nga hindi pa nya ako binibitawan. Nakakahiya din kaya. >_<

"Hindi mo naman talaga kailangan gawin to" kami lang ang nakakarinig ng mga bulong namin. Nilingo ko ang ulo ko upang sabihin na hindi pwede kailangan ko na tong sabihin sa kanila.

Bumitaw na sya sa yakap namin pero sa halip na lumayo ay nanatili lang sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Tiningnan ko sya at nginitian alam kong way niya to para sabihin sa akin na nandyan lang sya sa tabi ko.

"Cut the sweetness, nakakaumay na kasi eh" putol ni Van sa ngitian namin ni Ky. "Bakit nga ba kami nandito? May sasabihin ka raw sa amin Jus" nakatingin sya sa akin ng deretso.

"WAAAAAHHH." Nabigla ako sa sigaw ni Sam. Ano na naman kaya ang trip ng mga to hindi ba pwedeng pagsalitain muna nila ako bago sila magrerereact ng ganyan. Nakita kong nagtinginan sina Sam at Alex at nagtataas taas pa ng kilay.

"O MY G buntis ka Jus?" Parang luluwa na ang mga mata ko sa pagkabigla ko sa sinabi ni Alex.

"Ha?" yun ba talaga ang iniisip nila.

"YES Im going to be an aunt"  may patalon talon pang nalalaman si Sam. Ang lilikot talaga ng mga imagination ng mga babaeng to.

Nagkanya kanyang " ninong ako" tsaka "ninang ako" ang mga taong to. Hindi pa nga ako nagsasalita. Napatingin ako kay Ky para manghingi ng tulong pero ang isa nagpipigil ng tawa at talagang nakikita nyang nakakatawa ang nangyayari.

Kinurot ko sya sa tagiliran para i fucos ang attention nya sa dapat na mangyari hindi sa kung ano ang nangyayari ngayon. Napatingin sya sa akin at nagserious face pa akala nya hindi ko nakita ang pagpipigil nya ng tawa.

"Ahem" tumikhim si Ky para makuha ang attention ng barkada.

"Ano ba yang iniisip nyo hindi ako buntis no tsaka hindi ka pa magiging aunt Sam kaya tumigil ka sa pagtatalon mo jan" ang gulo kasi nila lalong lalo na si Sam.

"Ano nga bang sasabihin mo at may pa tawag tawag ka pang nalalaman jan parang may malaking sekretong ibubunyag ah" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kirk. Madalang nga syang magsalita pero pagnagkataon naman may laman ang mga sinasabi nya hindi katulad kay Nate.

&quot;PRINCESS IN DISGUISE&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon