PID -25 " USO ANG PIGGY BACK RIDE"

6K 143 3
                                    

After 100 years naka update nadin ako. Walang title kasi wala akong maisip. pagnabasa nyo na suggest naman kung anong bagay i title.. 

READ.COMMENT.VOTE.

KY'S POV

Dahil sa magaling kaming lahat sa team at dahil na rin sa ako ang captain ng team, ano pa ba ang aasahan sa laro, edi nanalo kami.

Nandito pa kami sa loob ng court at nagshishake hands kami sa kalaban namin at kasama na doon si Tyrone. Nung siya na ang ishishake hands ko hindi ko agad binitawan ang kamay nya at ganun din naman siya.

"Anong problema Ky? Hindi ka pa rin pala nakakapag move on sa nangyari noon, ang tagal na nun?" bulong nya sa akin habang hindi parin kami nagbibitawan ng kamay.

Biglang bumalik sa akin ang mga nangyari noon at mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay nya. Napansin kong napangiwi sya sa ginawa ko at sa halip na bumitaw eh hinigpitan din nya ang hawak nya sa akin.

"Pasalamat ka at maraming tao pa ang nandito dahil kung hindi, liban sa kamay mo pati mukha mo babasagin ko" balik bulong ko din sa kanya.

"Mababasag mo ba talaga ang mukha ko? Come on Ky, hindi mo kayang gawin yun. Hindi mo nga nagawa noon ngayon pa kaya?" balik bulong nya sa akin.

Mas lalong humigpit ang hawak ko at alam kong napapansin na din kami dahil ang tagal na rin naming nakahawak sa kamay ng isat isa. Naramdaman ko nalang na may tumapik sa balikat ko at nakita ko si Clay sa likod ko.

"Easy lang Ky, hindi ito oras para uminit ang ulo natin, nanalo tayo natalo mo na si Tyrone kaya tara na naghihintay narin sina Sam" bulong ni Clay sa akin at tinanggal ko na ang kamay ko sa mahigpit na pagkakahawak sa kamay ng asong yun. Kinamayan naman ni Clay si Tyrone.

"Makinig ka nalang kay Clay at magcelebrate na lang kayo, pilitin mo naring mag move on akala ko pa naman nagawa mo na yun hindi parin pala" at tumawa siya ng mahina.

Itataas ko na sana ang kamay ko para kumunekta sa mukha nya pero bago ko magawa yun nagsalita bigla si Clay.

"Tumahimik ka nalang Tyrone at yang sarili mo nalang ang aalahanin mo at kung ako ang tatanungin mo tungkol sa pagmove on ni Ky matagal na syang nagmove on at may iba na sya kaya huwag kanang gumawa ng mga bagay na ikapapahamak mo"

Tumalikod na ako at hindi ko na hinintay si Clay na sumabay sa akin. Nakita ko naman sina Sam at katulad kanina hindi na naman nila kasama ang nerd na yun. Tumingin ako pabalik sa kinaroroon ng aso at baka magkasama na naman sila kahit na bago palang naman kaming nag usap nung aso. Nakita kong palabas na siya ng court at naglalakad na papuntang locker room ng team nila. Napatingin naman ako sa pwesto nila kanina at dun lang pala nakaupo ang nerd. Wala ba syang balak pumunta dito at nakaupo lang sya dyan? May usapan ba sila ng asong yun at doon sila magkikita? Humanda sa akin ang nerd na yan may pa GO UNGGOY pa syang nalalaman tapos yung aso din naman pala yung pinili nya.

"Puntahan mo yun, wag yang nakabusangot yang mukha mo dyan" hindi ko napansin na nakalapit na pala si Sam sa tabi ko.

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon