KY'S POV
Two days.
Its been two days since my last call with Jus.
"Ky, bakit ka na naman ba andito ha eh halos araw araw ka nang nandito simula pa ng maospital ako. Wala ka bang klase?" Napatingin ako kay tita. Mabuti nalang at hindi masyadong malakas ang pagkakabangga nya kaya minor injuries lang ang natamo nya.
"Si tita oh parang nagkaamnesia wala po kaming pasok ngayon kasi nga po weekend" ganyan kami kung mag usap ni tita parang barkada lang. Sabi daw kasi nya boto daw sya sa akin. Tsaka sya rin ang nagbigay sa akin ng number ni Jus.
"Wag mo nga akong pilosopihing bata ka. At akala mo hindi ko alam na tinawagan mo si Justin nang hindi ko alam. Diba sinabi ko naman sayo na wag mo nang ipaalam ang nangyari kunting galos lang naman ang natamo ko."
"Kailangan nyang malaman ang nangyari tita tsaka anong kunting galos eh ito nga at nakaconfine ka sa ospital." Kung matigas ang ulo ko masasabi kong mas matigas ang ulo ni tita. Parang bata.
"Okay ka lang ba?" I was shocked by her question. Hindi ako nakasagot agad at nakatingin lang ako sa kanya.
"What do you mean tita? Ikaw na nga itong nakahiga dyan sa kama at naospital at ako pa yung kinakamusta mo." I tried to make it sound like I dont understand what she is saying but deep down I know what she is talking about.
"Dont hide your feelings behind those smiles. Its not healthy."
"Ito talagang si tita kung ano-anu nalang ang mga pinagsasasabi baka gutom lang yan. Lalabas muna ako at bibili ng makakain." Hindi na ako nagpaalam pa at mabilis akong lumabas ng kwarto.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Palakad lakad lang ako dito sa loob ng ospital. Mukang tingin ko nga kung ano nang iniisip ng mga nurse at doctor sa akin sa kakalakad ko.
"Are you okay?" Napatigil ako sa paglakad at tinginan ang nagsalita. Hindi ako sumagot at nakatitig lang ako sa kanya.
"Napansin ko kasing kanina kapa palakad lakad dyan. Iniisip ko nga kung tunaw na ba yang swelas ng sapatos mo o kaya nagkabutas na ang sahig sa kakalakad mo." tumawa sya ng mahina.
"Ava nga pala" inabot nya ang kamay nya para makapaghand shake kami pero ako nakatitig parin ako sa kanya.
"I assure you hindi madumi ang kamay ko" inamoy pa nya ito "at amoy alcohol pa nga eh, uie kamayan mo naman ako para akong tanga dito eh" mukang hindi na sya makapaghintay na abutin ko ang kamay nya kaya nabigla nalang ako nang hablutin nya ang kamay ko.
Pilit kong tinatanggal ang kamay ko kaso ang higpit ng pagkahawak nya.
"Miss pwede mo na akong bitawan" mukang hindi ako naririnig ng babaeng to dahil ang higpit parin ng hawak nya sa akin.
"Hindi miss ang pangalan ko diba nga sinabi kong ako si Ava at hindi na muna kita bibitawan , sumama ka muna sa akin" at ngayon kinaladkan nya naman ako papunta sa ewan ko kung saan.
"Ano ba miss, pwede bang bitawan mo na ako dahil may gagawin pa ako at hindi kita kilala" pilit ko paring tinatanggal ang pagkahawak nya pero malakas talaga ang kapit eh. Kagandang babae parang lalake kung humawak at nahatak nya talaga ako ah.
"Miss este Ava" sinamaan ba naman ako ng tingin eh sa hindi ako feeling close eh."Saan mo ba ako balak dahil?"
"Rooftop"
"Ha? Ano naman ang gagawin natin dun"
"We need to talk and please just shut your mouth until we are there"
Ewan ko pero hindi nalang ako pumalag at baka may problema tong babaeng to at malay natin makatulong pa ako. Nakita ko na ang exit door papuntang rooftop.
"Okay mi- este Ava sasama nako sayo at mag uusap tayo ng kung ano mang gusto mong pag usapan basta bitawan mo muna ako namamanhid na ang mga kamay ko sa higpit ng hawak mo at bago kapa magsuspetsa kung tatakas ba ako. Hindi kaya pwede ka nang bumitaw"
At muka namang naawa ang babae at binitawan nya na ako pero nakatingin parin sya sa akin nginitian ko nalang sya at nauna nang pumasok sa pinto.
"Lets Go"
JUS' POV
"We're here' ginising ko na si Charles sa pag idlip nya. Gusto ko mang pahabain ang tulog nya kaso gustong gusto ko nang makita ang mama ko. Hindi ko naman sya pwedeng iwan sa kotse kasama si kuyang driver kaya wala na akong ibang magagawa kung hindi ang gisingin sya.
Hindi paman sya nakakapag unat nauna na akong lumabas ng kotse at pumasok sa hospital. Alam ko namang susunod sya sa akin sa loob. I just want to see my mama's condition.
Nagtanong na ako sa front desk kung saan ang kwarto ni mama at sabi nila na nasa 3rd floor lang daw, room 143. Natawa lang ako kaunti sa room number. Like seriously?
Nilingon ko muli kung sumunod ba si Charles sa akin. Nakita kong maliliit na habang ang ginagawa nya at bakas sa mukha nya ang antok at pagod. Sino ba naman ang hindi aantukin at mapapagod na halos isang buong araw kaming bumiyahe papunta dito sa Pilipinas.
"Hey, do you want to just go to the hotel first. You can rest and sleep first there." Lumapit na ako sa kanya.
"No, I'm fine. I can always go to sleep later but you missing your mama is our first priority here"
Naglakad na kami papuntang elevator. My hands are starting to shake. I dont know what Im feeling right . Alam ko naman na maayos na ang lagay ni mama kaso hindi ko talaga mapigilan ang panginginig ko.
Naramdaman ko nalang na nakahawak na si Charles sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti lang sya sa akin.
"I' m always here beside you" he squeezes my hand and I just smiles at him.
The door of the elevator opens but my legs are glued on the floor. I cant move. I can feel anything. I think that all the things that around me seem to cease. My eyes zero to a specific guy. A guy with a girl. They are holding hands. The guy who used to be mine.
Napansin siguro ni Charles kung bakit ako napatigil at kung saan nakapukos ang paningin ko. Nabigla nalang ako nang pumasok ulit si Charles sa elevator at niyakap ako. My head is against his shoulder shielding me from looking at the two.
"Remember I am always beside you"
'I know that', I want to say it to him. I want to say it to myself that Charles will always be beside me. But I don't know why I'm feeling like this. Why does my heart ached when I saw them? I thought I will be immune. I thought that I am strong enough to be back and face him. But one thing that I am sure of now that I already saw him.
Nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ko alam kung nakilala nya ako. A smile is what I received.
I am not yet ready and then the door closes.
VOTE.COMMENT.FOLLOW. :)
BINABASA MO ANG
"PRINCESS IN DISGUISE"
RomanceTHE PRINCESS LEAVE THE CASTLE AND BECOME A NERDY GIRL... ANONG MANGYAYARI SA KANYA? KAKAYANIN KAYA NYA? BAKIT SYA LUMAYAS SA CASTLE? MAKAKATAGPO PA KAYA SYA NG PRINCE CHARMING NYA ? READ AND JOIN IN HER JOURNEY AS SHE IS THE PRINCESS IN DISGUISE..