JUS POV
Biglang natahimik ang paligid. Walang ibang maririnig kundi ang mga ingay ng mga sasakyang dumadaan at sa tahimik ng paligid maririnig mo ang pagdaan ng hangin sa paligid. Nakakabingi ang katahimikan pero wala akong pwedeng sabihin upang basagin ito.
"It was all a set up" biglang sabi ni Sam na hindi nakatingin sa akin. Set Up? Anong ibig nyang sabihin."Yung nangyari kay Ky noon. Lahat ng yun ay set up lang. May balak talagang sumira sa inyong dalawa."
Hindi na ako nabigla na may balak sumira sa aming dalawa noon kaso ang kinagugulat ko ay talagang humantong sa ganoong paraan ang gagawin nila para sirain lang kami. Nakakagalit isipin na kayang manakit ng ibang tao at sumira ng relasyon ng ganoon para lang sa ikasasaya nila.
"Sinong may gawa noon? At paano nyo nalaman na set up lang ang lahat ng iyon?" Nanggagalaiti na ako sa galit sa mga oras nato.
"Take a good guess. Sinong tao ang gustong gusto kayong paghiwalayin ni Ky?" Pagkatapos na pagkatapos ng tanong ni Sam iisang mukha lang ang lumitaw sa isip ko. That bitch.
"Base sa mukha mo ngayon na hindi na maiguhit at sa usok na lumalabas sa tinga mo alam kong may hula ka na. At kung yang hula mo ay yung bitch na malandi eh congratulations at tama ang hula mo"
"Paano nyo nalaman na sya yung may pakana ng lahat?" Kung hindi ko lang talaga gustong malaman ang lahat bago ako sumugod sa babaeng yun malamang wala nang buhok ang babaeng yun sa mga oras nato.
"We investigated the situation. At mabuti nalang sa hotel nila Nate nangyari yung set up. We tried to ask Ky if he remembered anything about the incident pero talagang wala. Ang hula namin may pinainom na kung ano yung bruha kay Ky kaya wala sya sa katinuan noon."
"Paano nyo naman nalaman na si Fretzie ang may kagagawan ng lahat?"
"We saw her on the video footage. Alam namin na illegal ang ginawa namin pero wala eh importante ang nakataya. At that time naging playboy ulit si Ky. Siguro nga mas tame pa ang playboy na title mas malala pa sa playboy." Makikita mo ang lungkot sa mukha ni Sam habang nagsasalita sya.
"He became aloof with us. Iba ibang babae nalang ang kasama nya at noong sabihin na namin na si Fretzie ang may kagagawan ng lahat hindi lang naman sya nag react. Nasuntok nga sya ni Clay pero hindi sya lumaban. Sa halip na si Fretzie ang sisihin nya sa mga nangyari mas sinisi nya ang sarili nya. Yun ang kaunaunahang pangyayari na nakita ko na umiyak ang pinsan ko. Ang almighty Ky umiiyak dahil sa isang babae."
Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Naramdaman ko nalang ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko at nababasa na ang pantalon ko. Ibat ibang emosyon ang naglalaro sa isip ko ngayon. Gusto kung tumakbo papunta sa kung saan mapag iisa ako. Gusto kong sumigaw para mailabas ko ang sakit at galit na nararamdaman ko. Gusto kong hanapin si Fretzie at kalbohin sya. At gusto kong tumakbo papuntang ospital para kausapin si Ky.
"We tried to contact you para ipaalam namin kung ano yung nalaman namin at bumalik kana dito, bumalik kana kay Ky. Pero we dont have anyway to do so. Tinanong namin si tita pero pinipilit nyang wala syang contact sayo pero alam namin na prenoprotektahan kalang nya kaya wala narin kaming nagawa.
After a month nabalitaan nalang namin na may i aarrange marrage na kay Ky. Alam mo naman na kapag mga galing sa mga may pangalang pamilya uso parin ang mga arrange marrage kaya naiintidihan namin yun pero ng malaman namin kung sino ang babaeng nakaparehas nya yun na kami umalma"
May magandang hula ako kung sino ang babaeng tinutukoy nya pero tinanong ko parin kung sino ang babaeng tinutukoy niya.
"Sino pa ba edi si Fretzie. Hindi na ako nagdalawang isip at nagpatulong ako kay ate Cheska. Ikwenento ko sa kanya ang nangyari at kung ano ang ginawa ni Fretzie. Hanggang sa nabalitaan nalang namin na hindi na matutuloy ang kasal. Sinabi pala ni ate Cheska kay tita ang ginawa ni Fretzie at agad agad she cancelled the merger."
'How did she take the cancelation?" Baka kasi kung ano ang ginawa na naman nung bruhang yun.
"Wala na kaming pakialam sa kanya. At simula nun araw araw na kaming nasa bahay ng mama mo lalong lalo na si Ky para makakuha ng impormasyon galing sayo."
Nakaramdam ako ng pagkaguilty sa mga oras nato. Hindi ko alam na marami palang nasaktan noong umalis ako. Akala ko ako lang ang nasaktan noon, akala ko ako lang ang biktima sa pangyayaring yun. Mali pala ako. Isang malaking pagkakamali.
Pati rin pala siya nasaktan. Pati rin siya biktima ng mga pangyayari. Parang sa mahigit limang buwan kong pagkawala dito sa Pilipinas parang naging bulag at bingi narin ako pero dahil sa mga nalaman ko nagkaroon ako ng pag asang makita at marinig ang mga katotohanan sa mga nangyari noon. Mga nangyari dahil sa kagagawan ng ibang tao at hindi ni Ky.
Si Ky. Ngayon malinaw na nakikita at naririnig ko na sya. Nakikita ko na parati ayang naandyan sa tabi ko. Nakikita ko na mahal na mahal nya parin ako at nakikita ko na magiging maayos na ang lahat sa amin. Yung sigaw nya na humihingi ng tawad at sinasabing mahal nya ako rinig na rinig ko na.
Ano pa bang ginagawa ko dito sa park na to. Nandoon lang naman sya sa ospital nakahiga sa kama sa tabi ng kwarto ni mama. "Mauna na muna ako Sam" hindi na ako naghintay ng sagot nya at tumakbo na ako papuntang ospital.
Habang tumatakbo ako ang daming mga bagay na tumatakbo din sa utak ko. Paano ko sya kakausapin? Paano ko sasabihin na alam ko na lahat ng mga nangyari noon? Paano ako hihingi ng tawad sa kanya? Paano ko sasabihin sa kanya na sya at sya parin ang nandito aa puso ko? Na sya parin ang mahal ko at hinding hindi na sya mawawala sa puso ko.
Mas lalong binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Aakalain mong kasala ako sa isang sprint competition sa bilis ng takbo ko. May mga nabangga ako pero wala na akong oras para huminto at humingi ng sorry kaya sisigaw nalang ako ng sorry. Ewan ko ba pero pakiramdam ko kapag hindi ko binilisan ang pagpunta kay Ky mahuhuli na ako. Na wala na akong pag asa sa kanya at may iba ng magmamay ari sa kanya.
At hindi ako makakapayag na may ibang magmay ari sa kanya. Akin lang sya, ang possessive diba pero yun ang totoo kaya walang pwedeng umangkin sa kanya ako lang. Hindi naman sya magiging lugi at magiging sakanya naman ako. Sa simple salita, 'akin sya, ako sa kanya'.
Nakarating na ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Ky. Huminto muna ako at hinabol ang hininga ako. Inayos ko muna ang itsura ko at pinunasan ang pawis na pumapatak sa mukha ko. Syempre ayaw ko namang magpakita sa kanya na haggard ako kaya ito sinusubukan kong magmukhang presentable sa abot ng akin makakaya.
'Okay nato. Kayo ko to." Kausap ko sa sarili ko bago ko binuksan ang pinto at pumasok kaso nagulat ako sa nakita ko. Natigil ako sa paglakad at nakatingin lang sa kanya.
"Well, look who's back. Long time no see nerd" and all I can see is red.
VOTE.COMMENT.FOLLOW
BINABASA MO ANG
"PRINCESS IN DISGUISE"
RomanceTHE PRINCESS LEAVE THE CASTLE AND BECOME A NERDY GIRL... ANONG MANGYAYARI SA KANYA? KAKAYANIN KAYA NYA? BAKIT SYA LUMAYAS SA CASTLE? MAKAKATAGPO PA KAYA SYA NG PRINCE CHARMING NYA ? READ AND JOIN IN HER JOURNEY AS SHE IS THE PRINCESS IN DISGUISE..