KY'S POV
Everything is a mess. I made a big mess and she left me. Justin left me. She is nowhere to be found. She is GONE.
Kasalanan ko to lahat. Kung hindi ko lang talaga ginawa yun. Kung nagtiwala lang ako sa kanya. Kung hindi lang talaga ako nagpadala sa selos. Kung hindi lang ako pumunta ng club at nilunod ang sarili ko sa alak. Kung hindi lang talaga ako nagpakagagu hindi sya mawawala sa akin ngayon. Hindi nya ako iiwan. Ako eh. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.
Pati sina Van at Alex ako ang sinisisi. Hindi naman ako makakontra kasi alam ko sa sarili ko na tama sila. Deserve ko tong blackeye na binigay sa akin ni Van. Nung nalaman nila ang nangyari unang ginawa ni Van pagkakita nya sa akin ay sinuntok ako sa mukha. Alam kong pati nga sina Stephen gusto akong upakan pero mukhang nung nakita nila ang ginawa ni Van naawa na sila sa akin.
Kahit na sinabi ng mama ni Jus na hindi ako ang dahilan kung bakit sya umalis alam ko sa sarili ko na ako talaga, ako ang may gawa kung bakit sya umalis. Hindi ko parin makalimutan ang lungkot sa mga mata ng mama ni Jus ng pumunta ako sa bahay nila.
*****
"She's not here anymore" yan ang unang sinabi ng mama ni Jus sa akin.
"Ano pong ibig nyong sabihin? Alam ko po hindi nya ako gustong kausapin pero kailangan ko lang po talagang magpaliwanag. Kung kailangan po lumuhod ako o kaya maghintay dito ng isa, dalawa o ilang araw man basta lang po makausap ko lang sya gagawin ko" alam kong I loo k pathetic pero wala na akong pakialam kahit na magmukha akong baliw dito basta kausapin nya lang ako.
"Maniwala ka sa akin Ky. Wala na sya dito at siguro mga ilang oras ngayon wala narin sya dito sa Pilipinas"
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Babalik na sya ng Morroco kasama si Charles. Kahapon nung dumating sya ay nagpaalam sya sa akin na babalik na daw sya sa Morroco dahil sa daddy nya. Malubha ang lagay ng daddy nya. Kahit naman anong sama ng loob nya sa daddy nya daddy nya parin yun kaya kailangan nyang bumalik. Wala kang kasalanan sa pag alis nya, kailangan lang talaga sya ng daddy nya."
"Anong oras po ang alis ng eroplano nila?" Kailangan ko syang makausap bago sya umalis. Kailangan kong linawin ang mga nangyayari.
"Alas dos" tumingin ako sa relo ko at may isat kalahating oras pang natitira bago sya umali.
"Mauna na po ako" hindi ko na hinintay na makasagot tita at tumakbo na ako papunta sa sasakyan ko. Alam kong mahaba pa ang oras pero alam kong matraffic ngayon papuntang airport. Sana hindi naman masyado.
Tinawagan ko si Sam para ipaalam na aalis na si Jus at para narin ipaalam sa iba. Pinaharurot ko ang kotse ko. Tingin sa daan, tingin sa relo, sa daan sa relo ganito ang ginagawa ko habang nasa loob ako ng kotse papunta sa airport.
30 minutes left to go bago umalis ang eroplano nina Jus. Kung kaya ko lang paliparin tong kotse nato matagal ko ng ginawa. Sa kamalas malasan nga naman ang bigat ng traffic. Malapit na ako pero hindi parin umandar ang mga sasakyan.
BINABASA MO ANG
"PRINCESS IN DISGUISE"
RomantikTHE PRINCESS LEAVE THE CASTLE AND BECOME A NERDY GIRL... ANONG MANGYAYARI SA KANYA? KAKAYANIN KAYA NYA? BAKIT SYA LUMAYAS SA CASTLE? MAKAKATAGPO PA KAYA SYA NG PRINCE CHARMING NYA ? READ AND JOIN IN HER JOURNEY AS SHE IS THE PRINCESS IN DISGUISE..