JUS POV
We are currently seated in a coaster to have our tour. Ikatlong araw na namin to na mamamasyal sa Morocco. Isang linggo lang ang scheduled stay nila dito kaya susulitin daw nila ang araw. Mapagod na daw kung mapagod basta lang mapasyalan nila lahat ng magagandang lugar dito.
Sino ba naman ako para tanggihan sila sa gusto nila. Tsaka we are known for being hospitable kaya sa buong paglilibot namin ako ang nagsilbing tour guide ng mga loko.
"Jus, ano nga pala yung pangalan ng beach na pupuntahan natin' tanong ni Alex na hinahanda na ang camera niya.
"Dakhla"
"Wow kakaiba ng pangalan ng beach niyo dito" sabat naman ni Nate."Aray naman babes dumadalas na yang mga pananakit mo sa akin ha"
"Ewan ko kung tanga ka ba talaga o nagtatanga tangahan lang. Malamang kakaiba yung pangalan ng beach nila dito kasi nasa ibang bansa po tayo. Understand" natawa nalang ako ng tumango tango lang si Nate kay Alex. Under talaga ng isang to.
"Alam mo babes kahit na saktan mo ako physically tsaka verbally alam ko naman na love mo ako. Hindi kalang talaga into cheesy things" at kiniss ni Nate sa pisngi si Alex. Nabatukan tuloy sya pero hindi naman maikakaila ang pamumula ng pisngi ni Alex.
"Tumigil na kayo jan. Ang ingay ingay nyo simula pa lang ng dumating tayo." Saway naman ng nagising na si CC.
"Alam kong naiingit ka lang pare kaya naiintindihan kita sa mga reklamo mo" itong si Nate talaga gumagawa ng ikakasakit ng katawan niya.
"Anong naiinggit? Naiingayan ako sa inyo. Naiingayan. Ang layo ng naiinggit."
"Kasi naman pare tingnan mo ang paligid mo. Unang una ako at ang aking babes na si Alex. Pangalawa si Van at si Kirk na nilalanggam na sa kasweetan" tumingin naman siya kina Van at "hoy maghiwalay nga kayo kahit sandali lang" binato naman siya ni Kirk ng ewan ko kung ano at bumalik naman siya ng tingin kay CC "at last but not the least si Jus at Ky na kulang nalang kasalan dahil mga 'meet the parents' na nagaganap."
"Eh ano naman ngayon?" Tanong ni CC habang naghihikab pa.
"Sige para maintindihan mo. Itatanong ko nalang. Between sayo at sa amin, what is the dofference?" At nag hand gesture pa ang loko. Natawa naman ako sa kanila.
"Loko talaga tong taong to. Gusto ba nyang masaktan" narinig kong sabi ni Ky. Akala ko pa naman natutulog tong isang to. Ang bigat pa naman ng ulo nya sa balikat ko. Pilit ko namamg inaalis ang ulo niya sa balikat ko kaso nagmamatigas.
"Hey umayos ka nga ng upo. Ang bigat ng ulo mo" hindi parin sya umimik at nanatili parin ang ulo nya sa balikat ko.
"Bakit ba natutulog ang tao eh" narinig ko nalang na sabi niya.
"Wow, may natutulog bang nagsasalita?"
"OO, sleeptalking" at nagtulog tulogan pa sya. May hilik effect pa. Natawa nalang ako sa kanya.
"Bakit na naman ba napunta ang usapan sa Himala na yun" narinig ko nalang na sabi ni CC. Kung kanina eh mukang ginagalit lang nya si Nate ngayon sya naman ang mukang iritang irita na. Sino kaya talaga itong Miracle na to at iba talaga ang reaksyon ni CC kapag napag uusapan na yung babaeng to.
"Kasi naman nakakaawa naman si Miracle grabe na yung papansin sayo. Ikaw naman para kang walang nakikita kapag naandyan siya" si Van na ang sumagot sa kanya.
"Oo nga pare" dugtong naman ni Kirk sa sinabi ng girlfriend nya.
"Ewan ko sa inyo" mukang napikon na talaga si CC at nagtakip nalang ng mata at nagsout ng earphone.
BINABASA MO ANG
"PRINCESS IN DISGUISE"
RomanceTHE PRINCESS LEAVE THE CASTLE AND BECOME A NERDY GIRL... ANONG MANGYAYARI SA KANYA? KAKAYANIN KAYA NYA? BAKIT SYA LUMAYAS SA CASTLE? MAKAKATAGPO PA KAYA SYA NG PRINCE CHARMING NYA ? READ AND JOIN IN HER JOURNEY AS SHE IS THE PRINCESS IN DISGUISE..