JUSTIN’S POV
Kahit na shock parin ako sa nalaman ko na si CC pala at si Clay ay iisa kailangan ko pa rin syang talunin para makapasok ako sa club.
Tingnan natin kung matatalo ba nya ako.
Nagsimula na kami sa laro at talaga namang gumaling na talaga sya, sino bang mag aakala na yung matabang bata na tinuruan ko ng cheese nuon ay si Clay na president ng chess club ngayon.
“checkmate” ako
Yes natalo ko si Clay.
Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang sya sa akin.
“ang galing mo parin pala ja” nakakapanibago na tinawag nya akong ja, jus kasi na ang tawag sa akin ngayon.
“ngee eh mukang hindi mo yun sineryoso eh”
“ha, anong hindi eh tingnan mo nga sobra akong pinagpawisan” sabay pahid ng noo nya.
“eh pano ba yan hindi mo natupad ang pangako mo”
“ha anong—“
#PAK
“aray naman kung makabatok wagas” sabay hawak sa batok nya.
Yeah binatukan ko sya, noon kasi pag nag aasaran kami nagbabatokan kami.
“diba sabi mo tatalunin mo ako pag nagkita tayo uli eh anong nangyari”
#PAK
“aray” ako habang hinihimas ang batok ko. Yeah binatukan nya rin ako.
“bakit mo ko binatukan?”
“eh sabi mo rin nun babalik ka eh ni hindi mo na nga ako matandaan eh”
Waahhh… nagtatampo ang bata
“eh sa hindi ko naman akalain na ang CC na tabachoy na BFF ko nuon ay ikaw na heartthrob”
“heartthrob talaga?” nakangisi nyang sabi
“eh ano naman ang tawag sa taong pag dumaan eh nag iiritan ang mga babae, at yung iba pa eh parang hihimatayin” eh like palagi talagang nangyayari yun.
“eh Trip nila yun no”
#PAK
“aray” reklamo nya “bakit na naman ba”
“wala lang”
“ah wala lang ha” sya with an evil smile..
“hahahah CC tama na hahaha.. waahhh tama na nakikiliti na talaga ako”yeah kinikiliti nya ako.
“uie pres kayo ha” tukso sa amin ng isang pang officer ng club na si mira.
“anong kami?” clay
“hala binata na si pres” tukso naman ni sean na vp ng club.
“uie tumigil nga kayo baka mailang si Jaja sa akin”
“uie jaja daw mira o” tukso ulit ni sean at dinamay pa si mira.
“wag mo nalang pansinin ang mga yan” sabi ni Clay sa akin ng pabulong
“at nagbubulungan pa mir, level up na talaga si pres” sean
“hoy sean tumigil ka, labas na muna kami mamaya pa naman ang announcement diba tsaka tapos na game namin”paalam ni clay sa kanila at hindi ko alam kung bakit ako sasama sa kanya.
Lumabas na kami ng office at hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta at kinakabahan ako baka Makita ako ni Ky.
“uie Clay saan tayo pupunta”tanong ko sa kanya.
“its CC , jaja not clay” pag cocorect nya sa akin, hindi kasi ako comfortable na tawagin syang ganun eh kasi crush ko sya tapos BFF ko sya noon, ay ewan wala namang connect pero hindi talaga ako comportable.
“eh kasi ano eh”
“hindi ka comfortable”
“ganun na nga” ano pa nga ba edi sabihin nalang ang totoo
“basta tawagin mo akong CC at jaja naman ang tawag ko sayo kung hindi ka comportable, edi masanay ka na hindi ka comportable kasi cc talaga ang gusto kong itawag mo sa akin.”
“edi cc ano ba bang magagawa ko”
“ganyan good girl” at pinat nya ako sa noo ko.
Nabigla ako sa sunod nya ginawa, inakbayan nya ako. Akala ko tapos nyang ipat ang ulo ko eh kukunin na nya ang kamay nya hindi pa pala kundi ibinaba nya lang sa balikat ko.
Ewan ko pero hindi ko feel ang tanggalin ang braso nya sa balikat ko. Hay malandi na nga talaga ako at ganito ang mga ikinikilos ko.
“san ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya na naiilang pa ng konti, konti lang.
“ sa canteen lang” nakasmile sya habang hindi tumitingin sa akin.
“ahh” hindi nalang ako nagtanong at sumama nalang sa kanya kasi nga nakaakbay parin kasi sya sa akin kaya malamang masama nya ako.
Nakarating na kami ng canteen and what do you expect, bulungan here bulungan there. Isang nerd ba kasama ang isang heartthrob ng school talagang pag uusapan.
Nakabili na rin kami ng pagkain at wala paring tigil ang mga bulungan.
“wag mo nalang silang pansinin”bulong ni CC sa akin.
Tumango nalang ako at naglakad na kami paalis. Sa office nalang daw namin yun kakainin.
Habang nag lalakad kami nakaakbay pa rin sya sa akin.
Nakakahiya naman na sabihin na naiilang ako, pero at the same time kilig much no.
Naglalakad lang kami nang bigla nalang may humatak sa kamay ko.
Aray ha kung makahatak wagas.
Hinarap ko ang kung sino man ang humatak sa akin at tumambad sa akin ang galit na unggoy.
Paktay.
“hi Kate” nanggagalaiti nyang sabi, habang ang sakit pa rin ng pagkahawak nya sa braso ko parang anytime eh mapuputol na to sa katawan ko.
“ ahh Ky” habang tinatanggal ko ang kamay nya na nakahawak pa rin sa akin.
Napansin kong parang nagtataka si Clay sa amin at mukang napansin nya na nasasaktan na ako sa ginawa nya.
“Ky , nasasaktan na si Jus oh” na nakatingin pa rin sa kamay ko.
“ano bang pakialam mo ha clay” hala anong nangyari sa unggoy na to at ganun sya makipag usap kay clay.
“nasasaktan na kasi sya” tumaas na rin ang boses ni clay
“ahh ok lang clay” pumagitna na ako sa kanila baka kasi mag away pa sila dito.
“mag usap tayo” sabi ni Ky sa akin sabay higit sa akin. OUCH grabe matatanggal na siguro tong kamay ko sa braso ko.
“teka lang” sabay higit naman ni Clay sa isa ko pang kamay. WOW hilahan ang peg mga kuya , tug of war lang.. pero ako naman yung hinihila ang sakit na nang kamay ko.
“clay pare ,bitaw” mahina lang ang pagkasabi nun pero halata ang galit sa boses.
“ano bang pag uusapan niyo pare at kailangan mo pang ganyanin si Justin”halata na rin na naiinis si Clay.
“wala ka nang pakialam dun”
“may pakialam ako kasi kaibigan ko sya”
“eh girlfriend ko naman siya kaya labas ka na sa amin”
Napatingin ako kay clay nung sinabi ng unggoy na girlfriend nya ako. Nakita ko na nabigla sya sa sinabi ng unggoy nabitawan nya bigla ang pagkahawak nya sa kamay ko.
“girlfriend ka na ni Ky?” tanong ni Clay sa akin habang hindi pa rin mawala sa kanyang mukha ang pagkabigla sa nalaman.
Tumango nalang ako bilang sagot. Ewan ko pero nanlumo talaga ako na nalaman niya na girlfriend na ako ni Ky.
“tara na” hinigit na ako ni Ky at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
BINABASA MO ANG
"PRINCESS IN DISGUISE"
RomanceTHE PRINCESS LEAVE THE CASTLE AND BECOME A NERDY GIRL... ANONG MANGYAYARI SA KANYA? KAKAYANIN KAYA NYA? BAKIT SYA LUMAYAS SA CASTLE? MAKAKATAGPO PA KAYA SYA NG PRINCE CHARMING NYA ? READ AND JOIN IN HER JOURNEY AS SHE IS THE PRINCESS IN DISGUISE..