PID 38 : " I DO LOVE YOU STILL BUT I'M IN LOVE WITH HIM"

5.7K 110 6
                                    

Hi dedicated sayo ang schap na to kasi natuwa ako sa mga comment mo maka-KY MASYADO... Halo din pala kay chara na grabe ang pagkabaliw sa thinking out loud. Enjoy Reading ^_^


JUS' POV


CLOSURE


Ito raw ang kulang sa amin ni Charles. Maraming bisis ko nang nababasa ang salitang ito sa mga books at stories sa wattpad. Hindi ko inakala na magagamit ko pala ang salitang to sa tunay na buhay.


Bakit nga ba kailangan ng closure? Sabi nila para daw may katapusan ang mga bagay bagay. Pero ako hindi ako naniniwala sa mga closure na yan. Bakit pa kailangan magkita ang dalawang taong nagkahiwalay na para lang tapusin ang tapos na. See the logic.


Sa tingin ko kasi pag nagkita ang matagal ng naghiwalay dahil lang sa kailangan ng closure lahat ng mga na-suppress na feelings mauungkat at sa halip na bigyan ng katapusan ang nangyayari hindi maiiwasan na may mamuo o bumalik ang mga feelings na nawala. I know I sound like a b*tch but I'm just stating may opinion.


Biglang tumunog ang phone ko at naputol ang pag iisip ko tungkol sa mga nangyari at pinag usapan kagabi. Ky is calling.


"Hey, bat napatawag ka?"


"Wala bang good morning jan"


"Good morning" nakangiti kong sagot sa kanya. Kahit kailan talaga itong lalakeng to.


"Yan may good morning naman pala. Good morning din babes." Alam kong nakangisi na sya sa kabilang linya.


"O, anong kailangan natin at ang aga aga mong nambubulabog"


"May gagawin ka ba mamaya?" Napaisip ako sa tanong nya. Gagawin ko ba talaga?


"Yeah, bakit?" Well its now or never kaya kailangan kong gawin ang dapat.


"Wala lang, baka kasi kailangan mo ng kasama. Ano nga palang gagawin mo?"


Matagal akong nakasagot sa kanya. Ewan ko kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Pero pag sinabi ko sa kanya alam kong 100% ang pagtutol nya sa gagawin ko pero pag hindi ko naman sinabi at nagsinungaling ako sa kanya alam kung sa oras na malaman nya ang nagawa ko sasama ang luob nya sa akin at hindi ko gusto ang ganun kaya.


"Hello babes, are you there?" Tanong nya sa kabilang linya dahil sa tagal kong sumagot.


"I will meet Charles" matipid kong sagot sa kanya. Nakapikit na ako at naghihintay sa outburst nya pero lumipas ang 10 seconds pero wala parin akong naririnig. Tiningnan ko ang phone kung disconnected na ba kaso hindi pa naman.


"Hello Ky, nandyan ka pa?" Kung kanina ako yung natigil ngayon naman sya ang hindi makapagsalita.


"Bakit?" Mahina nyang sabi na kung hindi lang maganda ang pandinig ko hindi ko sya maririnig.

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon