JUS POV
(Before Ky fainted)
I dont know kung saan ako dadalhin ni Charles. Im out of my wits right now. Akala ko kaya ko nang makita sya. Akala ko wala na akong mararamdam pag nakita ko sya ulit. Akala ko wala na sya para sa akin. Perp akala ko lang pala lahat ng yun. Akala ko lang na kaya ko na syang harapin pero hindi ko pa pala kaya. Masakit parin pala. Lalong lalo na nung nakita kong may kasama syang iba.
Napansin ko nalang na nasa sasakyan na kami. " I think its alright to visit your mama tomorrow". Nasa loob na si Charles ng sasakyan at nahihintay nalang sya pumasok ako.
'I think I just walk to be alone for a while"
"But -"
"Im okay. I will just call you if something happen. Dont worry" lumakad na ako palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang mapag isa.
Sa kakalakad ko napunta ako sa isang park. Hindi sya masyadong matao ngayon siguro kasi sa init ng panahon. Naupo na muna ako sa damohan malapit sa isang malaking puno.
Bumalik sa akin lahat ng mga magagandang nangyari sa aming dalawa nj Ky. We started from a lie then it blossomed and became true but it was broken by another lie. I have enough lies in my life and a lie from him draws the point and it hurts me the most.
Hindi ko napansin na nababasa na pala ang mga pisngi ko at may mga luha na sa mga mata ko. Bakit ba kahit ilang buwan na ang lumipas masakit parin yung ginawa nya. Bakit ba hindi makalimutan nitong isip at puso ko ang mga nangyari.
"Bakit ba ikaw pa rin ha?" Nasabi ko nalang ng malakas.
"Kasi mahal mo parin sya" napatingin ako sa nagsalita. Akala ko ako lang tao dito pero akala ko lang pala ulit yun.
"Ha?" Tanong ko. Lumapit sya sa akin at naupo sa tabi ko. Ewan ko ba pero alam kong hindi sya masamang tao. Sa katunayan nga sobrang gwapo nya. Kung titingnan ko mga 21 siguro sya. Matangkad,maputi at katamtaman lang ang laki ng katawan.
Napatingin naman ako sa mukha nga. Gwapo nga ang isang ito. Manipis ang mga labi matangos ang ilong at maganda ang mga mata. Pero nagulat ako ng makita kong may lungkot sa mga mata nya kahit na nakangiti sya sa akin.
"Tinatanong mo kung bakit sya parin ang sagot dun kasi mahal mo parin sya. Simple as that" at ngumiti na naman sya sa akin.
"Hindi ko na sya mahal" sabi ko sa kanya pero alam ko sa sarili ko na hindi totoo yun.
"Ako ba o sarili mo ang sinasabihan mo nyan kasi parang mas kailangan mong papaniwalain ang sarili mo nya kesa sa akin" at tumawa na naman sya ng mahina pero puno ng sakit yung tawang yun.
"Bakit tumatawa ka kahit bakas naman sayo na nasasaktan kana" nabigla sya sa sinabi ko. Pero mukang baliw na tumawa na naman sya.
"Kasi alam kong magmukmukha akong baliw kapag umiyak ako dito" nakangiti nyang sabi sa akin."tsaka alam ko kung kailan lumaban at kailan kailangan ng bumitaw"
"Bakit, bumitaw ka na ba?" Tanong ko sa kany kahit na hindi ko naman alam kung ano ang problema nya.
"Oo kasi alam ko nang kahit anong laban ko, talo parin ako. Ikaw sumuko ka rin ba?"
"Kung bumitaw kana bakit nasasaktan ka parin?" Hindi ko sinagot ang tanong nya at iniba ko ang usapan.
"Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag bumitaw kana wala kanang nararamdaman sa taong mahal mo. Ang pagbitaw ay nangangahulugan lamang na alam mong masasaktan ka lang kapag pinagpatuloy mo ang ginagawa mo at mas lalong masasaktan ang taong mahal mo sa mga ginagawa mo.' Seryoso nyang sagot.
"Hindi kita maintindihan" parang lahat ng mga sinabi nya parang ibang lengwahe.
"Mahal mo pa ba sya?" Direkta nyang tanong.
"Ha? Anong ba yang pinagsasasabi mo?" Patay-mali kong sagot.
"Oo lang at hindi ang sagot sa tanong ko. Madali lang naman yun. Uulitin ko, mahal mo ba pa sya?" Tumingin sya sa akin na para bang nakatingin sya sa kaluluwa ko. Na kapag iba ang isasagot ko malalaman at malalaman nya na nagsisinungaling ako.
Hindi ko kayang sagutin ang tanong nya. Ewan ko ba simpleng oo at hindi lang naman ang sagot pero ang hirap mamili sa dalawang sagot.
"Well sabi nga nila 'silence means yes', ngayon alam mo na kung ano ang sagot sa tanong mo kanila kung bakit sya parin" nahiga na sya sa damuhan at nakatingala sa langit.
"Its not that easy"
"Well who says that loving someone is easy? Ang hirap kapag nagmamahal. Ang dami mong kalaban. Nandyan yung mga ibang tao na may kanya kanyang opinion sa kung bakit kailangan ang pagmamahal. Sila yung kahit hindi naman ka naman nila kilala o kaya kilala ka nila pero may sasabihin at may sasabihin parin sila na nakakapagpahirap sa pagmamahal.
"Nandiyan din yung taong mahal mo. Siya yung taong handa mong ibigay ang buong puso mo. Handa mong ibigay ang buong tiwala mo. At handa mong bigyan ng karapatan na saktan ka. Pero hindi mawawala ang mga pagdadalawang-isip, pagdududa at pagkagalit sa kanyang mga gagawin pero dahil nga mahal natin ang isang tao handa natin silang tanggapin ng buo.
"At ang pinakamahirap mong kalaban sa pagmamahal ay ang sarili mo. We tend to play safe. We tend to choose the path where we will not be hurt. We tend to isolate ourselves because we cant have pain. We avoid taking risk. But loving someone is risking your heart. Risking your heart for happiness and pain."
Nakatingin lang ako sa langit habang nakikinig sa kanya. Napaisip ako sa mga sinabi nya. Risking your heart for happiness and pain. But my heart already experienced too much pain and I dont think I can handle for more.
"Im Ivan" inilahad nya ang kamay nga sa akin. Natawa nalang ako. Ang lalim na ng mga pinag uusapan namin pero hindi pa pala namin kilala ang isat isa. "Im Jus" pakilala ko sa kanya.
"Alam mo kung anong pagkakatulad at pagkakaiba natin?" Tanong nya na hindi ko naman alam kung bakit nya tinanong.
"Ano?"
"Pareho tayong nasasaktan pero alam kong wala na akong pag asa pero ikaw meron pa." Bigla nalang syang tumayo at nag unat. 'Sige mauna na ako. Hay bakit ba ako nagpoproblema nito sa gwapo kong to. May iba pa naman jan ibang babae." Ngumiti sya sa akin at naglakad na palayo.
Siguro nga oras nang harapin ko kung ano ang dapat na harapin. Siguro dun ko makakamit ang pagbitaw ko ng malaya. Baka kailangan ko lang harapin sya, once and for all.
'Eh tumakbo ka nga kanina nung nakita mo sya. Nunka ikaw lang ang nakakita sa kanya ano pa kayang mangyayari kong mag face to face na talaga kayo' sabi ng isang boses sa utak ko.
Baka nagulat lang ako kanina kasi nga its been such a long time since I saw him and we parted badly so thats why I reacted like that.
Naglakad na ako pabalik ng ospital. Hindi ko alam kung makikita ko ba sya dun o hindi. Baka kasama nya parin yung babae kanina. Well hindi naman talaga sya ang pupuntahan ko kundi si mama pero kung magkataon lang na magkita kami hindi ako tatakbo at magtatago. I will face him.
Nakarating na ako sa harap ng pinto ng kwarto ni mama kaso hindi ko parin sya nakikita. Baka kasama parin nya yung babae. Well either is okay with me. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may bumukaan dito galing sa loob.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sya. Hindi ako nakapagsalita at nakatitig lang ako sa kanya.
"Jus" narinig kong sabi nya bago sya biglang nahimatay.
VOTE.COMMENT. FOLLOW.
( PIN is just 3-4 chaps to go. I hope you will continue to read and vote for PIN. Ava and Ivan will be the next pair for my next story. I hope you will support it. ~~simplydara♡♡)
BINABASA MO ANG
"PRINCESS IN DISGUISE"
RomanceTHE PRINCESS LEAVE THE CASTLE AND BECOME A NERDY GIRL... ANONG MANGYAYARI SA KANYA? KAKAYANIN KAYA NYA? BAKIT SYA LUMAYAS SA CASTLE? MAKAKATAGPO PA KAYA SYA NG PRINCE CHARMING NYA ? READ AND JOIN IN HER JOURNEY AS SHE IS THE PRINCESS IN DISGUISE..