PID - 20 "THE CONFRONTATION"

6.2K 145 1
                                    

KY’S POV

Alam kong may nangyayari simula nung sinabi ko na kami na ni Kate. Nagkukunwari man akong hindi ko napapansin pero pansin na pansin ko ang nangyayari. Nag iiwasan silang dalawa , hindi ko alam pero bakit ganun nalang ang reaksyon nya. Pati ako, hindi na kami madalas magsama. Ewan ko pero kailangan ko syang tanungin sa lahat ng to.

Huminto ang kotse ko sa harap ng isang malaking puting bahay. Matagal tagal na rin akong hindi nakakadalaw dito , namimiss ko na rin ang humba ni tita.

Nagdoorbell na ako at bumukas yong pinto, nakita ko si manang Fe.

“o Ky, ang tagal mong hindi nadalaw ah” namiss ko din si manang Fe ang bait kasi nito eh, sya ang mayor doma ng bahay.

“oo nga manang eh, asan po ba si Clay?” tanong ko sa kanya.

“tinganan mo sa may likod bahay dun sa tree house nya nandun na naman yun”

“Ok manang”

“ o sige at maghahanda lang ako ng merienda para sa inyo”

Naglakad na ako papuntang tree house ni CLAY. Hindi pa rin nagbabago ang taong yun ang hilig paring tumambay mag isa.

Nakarating na ako sa tree house . simple lang naman sya parang yung normal lang na tree house na nakikita pero sa loob parang bahay talaga, may mga furniture kasi sa loob. Hindi na ako kumatok at pumasok nalang ako sa loob.

Nakita ko syang nagpipaint sa canvass nya at nasa gilid naman nya ang pinakamamahal nyang chess board. Concentrate na concentrate sya sa ginagawa nya kaya mukahang hindi nya ako napansing pumasok. Nakita kong isang queen na chess piece ang ginagawa nya , isa kasi sa mga favorite nyang subject sa painting nya ay ang mga chess pieces nya.

Umupo muna ako sa sofa at tiningnan ko muna kung talagang hindi nya ako napansin. Talagang ang seryoso nya pagdating sa pagpipaint pati na rin sa chess.

“Ano naman ang nagdala sayo dito?” akala ko pa naman hindi ako napansin,

“akala ko pa naman hindi mo ako napansin , eh halos magpalit na kayo ng mukha ng canvass dahil sa ang seryoso mo ng pagawa jan” lumapit ako sa kanya at tiningnan ang pinipaint nya, hay , bakit kaya ang dami ng talent ng taong to.

“tungkol ba kay Jus kaya ka nandito?”

Alam ko naman na alam nya kung ano ang pinunta ko dito. Hindi ko man sabihin pero alam niyang may nabuong harang sa aming dalawa simula nung araw na yun.

“bakit sya pa Ky?” hindi na ako nabigla ng sabihin nya yun.

“bakit Clay. Ano bang pakialam mo?” nakita kong binaba na nya ang paintbrush at hinarap ako

“ayoko syang masaktan Ky”

“at sinong nagsabi sayong sasaktan ko sya Clay”

“hindi mo naman sya mahal diba, kaya hanggat maaga pakawalan mo na sya”

Ewan ko pero OO hindi ko pa sya mahal, pero alam ko na hindi lang to laro laro sa akin.

“hindi ko pwedeng gawin yan”

“wala ka namang nararamdaamn sa kanya , kaya bitiwan mo na sya”

“gusto ko sya” OO inaamin ko na, gusto ko ang nerd na yun kahit na ganun ang ayos nya, kahit napipikon ako sa kanya kahit na tinatawag nya akong unggoy . GUSTO KO SYA.

“hindi totoo yan”

“ano bang alam mo sa nararamdaman ko?”

“alam ko at alam mo ang totoong dahilan kung bakit ka nagkagusto sa kanya”

“anong ibig mong sabihin?”

“na nakikita mo sya kay Jus at sasabihin ko sayo hindi si Jus ang gusto mo, SYA lang at wala ng iba”

Tumigil ang lahat ng marinig ko ang sinabi ni Clay, parang isinampal sa akin ang katotohanan ,hindi ko man aminin pero alam ko sa sarili ko na totoo ang lahat ng sinasabi ni Clay.

Nakikita ko sya kay Kate. Sa porma , sa ugali, at sa kilos, parang nagbalik sya sa akin, na parang nagsisisi syang iniwan nya ako kaya ngayon nagbalik na sya. Alam kong hindi tama pero nakikita ko sya kay Kate.

“diba kaya Kate ang pilit mong itinatawag kay Jus dahil sa kanya, alam mo bang nagiging unfair ka na , masasaktan mo si Jus , ginagamit mo lang sya”

“BOGSH”

hindi ko na napigilan at nasuntok ko na si Clay. Alam ko , OO nakikita ko sya kay Kate , pero hindi ko sya ginagamit. Alam ko at ramdam ko na gusto ko si Kate hindi lang dahil sa nakikita ko sya sa kanya kundi dahil sya si Kate.

Nakita kong pinunasan ni Clay ang gilid ng labi  nya, hindi ko alam na napalakas pala yung suntok ko at pumutok  ang labi nya.

“hindi ito ang pinunta ko dito” umupo ulit ako sa sofa at tinitigan syang mabuti . umupo na rin sya sa upuan na kaharap ko.

“hindi ako tanga para hindi mapansin na nag iiwasan kayo ni Kate” dagdag ko sa kanya.

“wala kanang pakialam dun Ky”

“kung sa tingin mo para sayo ang ginagawa ko pwes nagkakamali ka para to kay kate”

Nakita kong nakangisi sya ng bahagya.

“ha, para kay Jus, talaga? Eh anong gusto mong gawin ko ha? At yang ginagawa mo para kanino yan ha?”

Tumayo na ako at handa na akong umalis kahit naman anong sabihin ko wala rin namang mangyayari hindi nya pa rin ako papakingggan at babarahin pa ako. Kesa naman madagdagan ang pasa nya sa mukha mas mabuting aalis na alang ako.

“o san ka pupunta Ky aalis kana , kasi hindi mo masagot ang tanong ko?” napahinto ako sa paglalakad at hinarap sya.

“bakit?” ang tanging tanong ko sa kanya.

Nabigla sya sa tanong ko at hindi nya alam kung anong  tinatanong ko ng “bakit”

“bakit ganyan nalang ang reaksyon mo pagdating kay Kate?”

“dahil kaibigan ko sya at ayaw ko syang masaktan”

“yun lang ba Clay?”

“bakit, meron pa bang ibang rason?”

Tiningnan ko syang maigi. Matagal na kaming magkaibigan , ewan ko nga kung bakit ko to naging kaibigan eh, ang layo-layo naman ng ugali namin pero sa mga hilig eh nagkakasundo kami. At hindi ko alam na may isa rin pala kaming pagkakapareho.

“diba nagagalit ka ng ganyan Clay kasi may gusto ka sa GIRLFRIEND ko” at magkapareho pa kami ng babaeng nagugustuhan.

Noon pag may nagustuhan akong bagay at gusto rin ito ni Clay, magpaparaya sya at ibibigay nalang sa akin, pero ibang kaso ang nasa harap namin ngayon hindi lang sya isang basta bastang bagay kundi isang napakahalagang tao para sa amin.

Nakita kong nabigla si Clay sa sinabi ko. OO alam ko na may gusto sya kay Kate noon pa.siguro nung hindi ko pa sya girlfriend may gusto na si Clay sa kanya. Siguro nga selfish ako kasi kahit kalian hindi ko sya ibibigay kanino man.

Naglakad nalang ako palabas pero bago pa man ako makalabas.

alam kong hindi ko pa sya mahal pero sigurado ako na gustong-gusto ko sya at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko PAG NAWALA SYA SA AKIN” at lumabas na ako sa tree house.

Tama bang sinabi ko yun kay Clay ng hindi ko pa nya sinasabi kay Kate ang nararamdaman ko.

(sigh) mas nauna ko pang maitapat kay Clay ang nararamdaman ko para lang kay Kate  kesa sa kanya mismo. Tsk. Mabuti na rin siguro yun.  

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon