PID 54 - "THE TALK"

5.6K 124 10
                                    

KY'S POV


Maraming bagay dito sa mundo ang hindi natin controlado. It might be the weather, the feelings of other people, and destiny. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa susunod na taon, buwan, araw, o oras. Gaya nga ng nangyayari ngayon.

Hindi ko alam na maoospital pala ako. Na may away na magaganap at ang pinaka hindi ko inasahan ay makita at makausap ko si Jus ngayon.

Nandito kami ngayon sa loob parin ng aking kwarto sa ospital. Maglilimang minuto ng walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakaupo sya sa may gilid ng kama ko habang ako ay nakahiga. Binalik na pala ng mga nurse yung IV sa kamay ko dahil kahit na sinabi kong okay lang ako hindi parin nagpapigil si Jus at umalis talaga sya para tumawag ng nurse at patingnan ang kamay ko. Namamaga narin kasi.

'Im sorry" narinig ko nalang na sabi nya pero hindi parin sya nakatingin sa akin.

'Ha? Bakit ka nagsosory? Wala ka namang ginawang kasalanan, ikaw pa nga ang nagtawag ng nurse para sa namamaga kong kamay" tinaa ko pa ang kamang kong hindi na masyadong namamaga at tumawa ng mahiya.

"Im so selfish" parang hindi nya narinig ang sinabi ko at nakayuko parin.

"Ano bang pinagsasasabi mo ha Jus?" alam ko naman kung ano ang pinagsasasabi nya pero ayoko akala nya sya ang may kasalanan.

"I've been a greedy bitch. Ikaw lahat ang akala ko may kasalanan sa nangyari. Ikaw lahat ang sinisisi ko. Ikaw lahat ang masama. Ikaw lahat ang gumawa ng mali pero ako pala ang gumawa ng pinakamalaking pagkakamali. Ako ang may kasalanan" napansin ko nalang na may tumutulo na mga luha galing sa mga mata nya. Nagsimula naring mga taas baba ang balikat nya.

"No. Wala kang kasalanan sa nangyari. I have doubted you first. I have known how important trust is to you and I broke it. I broke us." Umupo na ako at humarap sa kanya.

'I never gave you a chance to explain your side. I vanished and tune out all of you. I closed the door that might clear all the misunderstanding that happened at that time. I have done it all. Its all my fault. Please forgive me." Mas lumakas ang iyak nya at hindi parin sya makatingin sa akin. Nakayuko parin sya at nilalaro ang mga daliri.

"No its not" i stated with conviction.

"Yes it is"

"No"

"Yes"

"No"

"Yes'

"No" pagkasabi ko nun ay kinuha ko kaagad ang kamay nya at hindi na sya nakasagot pa. Nabigla siguro sya sa ginawa ko. "Can you look me in the eyes" lumingo sya na ibig sabihin ay hindi pero hindi ako makakapayag na hindi." Please" I softened my voice na alam na alam kong hindi nya matatanggihan. Dahan dahan nyang inangat ang ulo niya.

Nagkatagpo ang mga mata namin. Those eyes, the same eyes of the girl I love the most until now. May mga luha pa sa mga mata nya at basa parin ang mga pisngi nya dahil sa kaiiyak. Hindi ko man gustong bitawan ang mga kamay nya pero hindi ko magagawa ang gusto kong gawin kung hindi ko bibitiwan ang mga kamay nya.

Nakatingin parin ako sa mga mata nya habang tinataas ko ang aking mga kamay papunta sa mga mata nya. Kinuha ko muna ng dahan dahan ang glasses nya. Hindi sya gumalaw o nagsalita man lang ng gawin ko yun kaya I take that as a sign to continue what I am going to do.

Pinunasan ko ang eyeglasses nya. "Tingnan mo nangyari, napuno tuloy ng luha tong salamin mo. Ano nalang ang mangyayari sayo kapag wala ako." Pagkatapos kong punasan ito ay nilagay ko muna sa may bedside table ko. Hindi parin sya gumalaw at nagsalita. Pinagpatuloy ko ang gagawin ko at mas lumapit sa kanya.

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon