PID 34- "SAMPHEN ( sam and stephen) CHAPTER"

4.7K 114 1
                                    

Dahil sa mga comment mo na nakakainspire mag update so this cahpter is dedicated to you. :)

SAM'S POV

Its the start of our school feast at ang dami ng taong bumisita. Nandito lang ako sa booth namin nagsisitting pretty, eh ano namang gagawin ko hindi ako marunong ng kung ano na ginagawa dito sa booth namin bakit ba naman kasi yung mga beauty-beauty pa ang naisipan nilang itayo na booth pwede namang maid cafe ah mas maflu-flaunt ko pa ang beauty ko sa madla.

Tumayo na ako at maglalakad lakad nalang ako sa labas at magtitingintingin sa mga booths ng mga school mates namin.

Una kong pinuntahan ang cafe nina Jus. Hindi parin ako makapaniwala na ang nerd na si Jus ay isa palang prisesa. Noong una palang naman na nakita ko sya alam kong may tinatagong ganda talaga ang babaeng yun tinatago lang nya sa braces at makapal nyang salamin.

Nakita kong marami-rami narin ang tao sa cafe nila. Ewan ko ba kung cape lang okey na sa akin pero naman kasi may built-in na chess board ang every table na ginagamit nila kaya may iba na naglalaro din ng chess at sigurado ako na kapag pumunta ako jan eh dudugo ang utak ko. Ewan ko ba kahit anong gawin ko hindi talaga ako marunong maglaro ng chess sumasakit ang ulo ko sa pag-aanalyze.

Nadaanan ko rin ang arcade na tinayo nina Van at sa tingin ko ito ang pinaka maraming tao. Hindi na ako lumapit kasi grabe malaki naman ang space alloted sa kanila pero yung mga tao nagsisiksikan. Yuck. Ang pawis nung iba.

Huli kong pinuntahan ay ang gym kung saan nanduon ang booth ng basketball team. *0* nalaglag ang panga ko sa nakikita ko. Kung akala ko madami nang tao sa arcade kanina sa point na nagsisiksikan na sila dito naman ang haba ng linya at sa haba hindi ko na makita ang dulo ng line at take note lahat ng nakalinya ay puro mga babae.

Lumapit ako sa entrance at nagstop sa napakalaking arko na may nakasulat na KISSING BOOTH. Ang pula pula pa ng ginamint nilang color para sa signage nila.

Nakita kong may dalawang nakabantay sa harap ng entrance para magsilbing guard sa mga gustong pumasok. Tumingin ako sa mga babae at kitang kita ko ang excitement sa mga mukha nila. May iba pa nga nahalos mapunit na ang pisngi dahil sa lapad ng ngiti. Napansin ko rin na hindi lang yung mga outsiders ang nasa linya pati narin ang ibang mga taga school at may nakita pa akong kaklase ko.

Nakapasok ako ng gym ng hindi man lang dumaan sa linya. Ano gusto nila tumayo ako sa labas eh ang init init tsaka hindi naman ako pumunta dito para bumili ng halik. Kilala din naman ako ng mga nakabantay sa entrance kaya pinapasok nila ako kaagad. May narinig naman akong mga reklamo sa ibang mga babae sa labas nung nakita nila akong pumasok ng hindi man lang nakalinya.

Kung gaano ka pula ang ginamit nilang kulay para sa signage nila mas pula naman ang nandito sa loob. Malaki ang gym namin kaya kasya lahat ang mga pulang tent na kinalat nila sa loob. Ano to camping at may pa tent tent pa. Nakita ko naman ang napakalaking tarpulin sa itaas na nakalagay "PAY FOR A KISS". I just roll my eyes sa mga nakita ko ang mga lalake talaga.

May sumalubong naman sa akin na isang member ng team.

"Hi Ms. Sam" bati nya sa akin sa pagkakatanda ko Brix ang pangalan ng isang to.

"Hi, magtitingin-tingin lang ako kaya bumalik ka nalang sa pwesto mo" sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon