nandito ako ngayon sa xxx academy para manuod ng laro ng school at para na rin suportahan ang team pati ang mga kaibigan ko. pagkapasok ko ng school nila namangha din naman ako kasi malaki din ito at malinis tsaka malawak din pati mapuno ang sarap ng simoy ng hangin.
"aray" bigla kong sabi ,may bumangga kasi sa akin. hindi ko din napansin kasi nga nakatingin ako sa paligid.
"tatanga tanga kasi eh" sabi ng babaeng nakabangga sa akin. tumawa naman ang kasama nya.
"tangang nerd..hahahaha" at nagtawanan na naman sila.
ang ganda nga ng school nila ang papangit naman ng mga ugali ng mga estudyante dito.
" ikaw nga itong bumangga sa akin ,baka ikaw ang tanga" sagot ko sa kanila.
napansin kong nagulat sila dahil sumagot ako,ano namang akala nila sa akin pipi para hindi sumagot tsaka mas tanga kaya sya kasi sya yung bumangga.
" hahaha at sumasagot ka pang nerd ka" gigil na sabi ng isa.
tinulak ako nung isang babae. natumba ako at ang sakit ng pwet ko marami pa naman akong dala.diba nga gagawa kami ng banner para sa mga mokong.
OO na lampa din kasi ako.
"tanga na nga lampa pa" biglang sabi ng isa at tumawa na naman sila.
sinubukan kong tumayo pero mukang na twist yung paa ko kaya natumaba na naman ako. paano na ako makakarating sa gym ng school na to eh ang laki pa naman nito,pahamak naman ang mga babaeng to.
" o ano nang nangyari sayo nerd na lampa hindi ka na natayo jan , gusto mo ba jan sa lupa,,,, ok lang naman bagay ka jan muka kang lupa..hahahaha....." yeah kasi hindi ka bagay sa lupa kasi sa tubig ka bagay ,hipon ka kasi.
sinubukan ko na naman na tumayo. " ouch" ang sakit pa rin eh.
" jan ka na nga lampang nerd" at lumayas na ang dalawang hipon. pero paano ako nito, hindi pa ako makakalakad nito. malas naman ng bagsak ko.
nakailang subok din ako pero wa epik parin grabe .. hindi nalang muna ako gagalaw baka mawala ang sakit nito.mabuti nalang at hindi masyadong mainit.
" anong ginagawa mo jan miss?" narinig kong may tao sa likod ko. hindi ba obvious na nakaupo ako sa lupa. at namimilipit ako sa sakit ng paa ko dahil sa mga bruha na yun.. mga lahi siguro yun ni fretzie.
sinubukan ko na namang tumayo kasi napahinga ko na naman ang paa ko. " aray" ang sakit parin , paano na ako nito.
" napano yang paa mo miss?" nagulat ako. hindi pa pala umalis yung kanina. hinarap ko na sya at magpapatulong nalang ako. wala ng ibang choice eh. hinarap ko sya, nakatalikod kasi ako sa kanya.
" gwapo" sabi ng utak ko pag harap ko. yeah tama nga ang utak ko gwapo nga ang lalakeng to at nakajersey sya, player siguro to ng school na to.
" pwede mo ba akong tulungan na pumunta sa gym ng school nyo" sabi ko na nahihiya pa.
"ok lang naman papunta rin naman ako doon, pero napanu ba yang paa mo at mukang napilay" taka nyang tanong.
" ah wala lang to natisod lang ako" hindi ko nalang sinabi ang nangyari para naman kasing fc na ako nun.
umupo sya sa tabi ko at tumingin sa akin " halika" yaya nya sa akin habang nakatalikod sya sa akin.
" ha?" nagtataka kong tanong sa kanya.
" sumakay ka sa likod ko, gusto mong tulungan kita papunta sa gym diba" sagot nya sa akin.
" hindi ba pwedeng alalayan mo nalang ako" nakakahiya kasi sa kanya kahit naman payat ako eh mabigat parin naman ako noh.
BINABASA MO ANG
"PRINCESS IN DISGUISE"
RomanceTHE PRINCESS LEAVE THE CASTLE AND BECOME A NERDY GIRL... ANONG MANGYAYARI SA KANYA? KAKAYANIN KAYA NYA? BAKIT SYA LUMAYAS SA CASTLE? MAKAKATAGPO PA KAYA SYA NG PRINCE CHARMING NYA ? READ AND JOIN IN HER JOURNEY AS SHE IS THE PRINCESS IN DISGUISE..