PID 56 - "MEET THE FAMILY PART I"

5.5K 126 1
                                    

JUS POV


We are here inside the private plane provided by my father. Two months passed fast at ang daming nangyari. Unang una, lumabas na si Mama sa ospital. Grumaduate ang barkada. At ang pinaka exciting na nangyari sa mga nakalapas na buwan ay nang ipakilala ako ni Ky sa pamilya nya.

Tandang tanda ko pa kung gaano kabasa ang mga palad ko dahil sa pawis. Grabe ang kaba na naramdaman ko noon. Baka kapag nakita nila ako, hindi nila ako magustuhan. Baka hindi ako magustuhan ng daddy niya kasi hindi natuloy yung arrange marraige na plano nila. Pero hindi ko inasahan ang nangyari.

Sinundo ako ni Ky sa bahay ni mama mga 10:30 ng umaga kasi daw lunch yung sabi ng mommy nya. Hindi paman dumadating si Ky sa bahay tapos na akong maghanda. Pabalik balik pa nga ako sa salimin para tingnan kung maayos pa ba ang anyo ko.

"Alam mo nak mababasag ang salamin sa pabalik balik mong pagtingin. Tsaka kada limang segundo ka titingin sa salamin wala namang magbabago sa limang segundo eh" narinig kong biglang sabi ni mama na nagbabasa sa may sofa.

"Ma, okay lang ba ang suot ko?" Tumayo ako sa harap nya. "Hindi ba parang trying hard ang dating. Baka kailangan yung dress nalang yung sinuot ko mas pang-sosyal yun tingnan" bumalik na naman ako sa salamin at tiningnan ang suot ko. Simple lang naman ang suot ko. Im wearing a off-shoulder taeil blouse and a royal blue skirt. I partnered the outfit with a flat shoes para naman comportable ang kilos ko.

"O ayan ka naman, nakaharap ka na naman sa salamin. Umupo ka nga dito sa tabi ko." I cast a quick glance in the mirror bago ako umupo sa tabi ni mama. "Ako na ang magsasabi sayo. Alam mo naman na hindi ako maghilig magsinungaling at this will be an unbiased observation."tumango tango nalang ako kay mama.

"Ang ganda mo na jan sa suot mo. Simple pero elegante. Kung ako lang ang mga magulang ni Ky approve kana bilang manugang" hindi ko man nakikita pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Bigla nalang kasing uminit ang mukha ko.

"MA" I whined, alam ko naman na mama is just teasing me. Alam kong may idadagdag pa si mama pero bago pa man siya makapagsalita may bumusina na sa labas.

"Nandiyan na pala si hubby" panunukso ni mama na may pakindat kindat pa.

"Ewan ko sayo mama, mauna na po ako" humalik na ako kay mama at naglakad na palabas ng bahay pero bago paman ako malabas ng bahay may hirit pa si mama.

"Magpakabait ka sa mga byenan mo dun" hindi nalang ako nagsalita at binilisan ko nalang ang lakad ko para makalabas. Pinipiko lang talaga ako ni mama.

Nangmakalabas na ako ng bahay nakita kong naglalakad papalapit sa akin si Ky. Sinalubong nya ako ng yakap at halik. Napangiti nalang ako sa ginawa nya. Maglalakad na sana ako papunta ng sasakyan kaso naglakad papuntang bahay si Ky.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong ko.

"Magpapaalam lang ako kay tita" hindi ko na sya binigyan ng pagkakataon at hinatak ko na sya papunta sa sasakyan.

"Alam na ni mama na aalis tayo kaya hindi na kailangang magpaalam." Baka kung ano pang panunukso ang maisipan ni mama. I open the driver's seat at tinulak si Ky bago sinara yung pinto at dali dali naman akong tumakbo papuntang sa kabilang pinto.

"Wow sobrang excited mo ata ngayon" sabi ni Ky habang sinusuot nya ang seatbelt nya. Hindi nalang ako nagsalita at ngumiti nalang ako sa kanya.

We drove in silence. Walang ni isang nagsasalita sa amin ang maririnig lang sa loob ng kotse ay ang kanta ng BigBang na "If You" gustong gusto ko talaga ang kantang to.

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon