PID 51 - "REUNION PART 2"

4.8K 104 4
                                    

JUS POV

When i decided to come back here, my main purpose is to check the condition of my mama, I didn't think of anything else until now that I've seen them. It may be harsh for me to not think of them but seeing them now, I have realize how much I miss the gang.

I was envelop by hugs and kisses by them. Maiiyak na sana ako kaso bigla namang bumira ng joke si Nate kaya natawa na naman kaming lahat. Narealize ko na wala parin palang nagbago. Sila parin yung barkada ko na simula palang nung nerd ako na pumasok sa school nila hanggang sa nalaman nila kung sino talaga ako at tinanggap ng buong-buo. Sila parin yung kasama ko sa lungkot at saya. Sila parin yung alam kung mamahalin at tatanggapin ako kahit na anong mangyari.

Nagulat nga ako at may mga nabuong love team sa barkada. Siguro nga hindi over na pagkagulat kasi noon pa naman may mga obvious signs na magiging sila talaga. Siguro ang dapat itawag ko sa nararamdam ko eh paninibago.

Yung mga aso't pusa na pares noon parang lalanggamin na sa tamis. Nagulat talaga ako kay Van at Kirk, noon ni hindi nga sila nagpapansinan ngayon parang magkadikit na ang mga kamay. Napangiti nalang akong nakatingin sa kanila.

Nadako ang paningin ko kay CC. Napansin nyang nakatitig ako sa kanya at tumaas pa ang kilay nya. Nilingo ko nalang ang ulo ko pero nakatitig parin ako sa kanya.

"Ano namang tingin yan?" Tanong nya na nakataas parin ang kilay. Napatingin naman silang lahat sa akin pati narin si mama.

'Wala" sabi ko nalang.

"Ahh alam ko yang iniisip mo Jus" sabat naman ni Nate na kanina pa nilalantakan ang mga prutas sa side table ni mama.

"At ngayon nakakabasa ka na ng isip" pinitik naman ni Alex ang noo ni Nate.

"Aray ko naman babes. Ang bayolente mo talaga" habang hinihimas himas ang noo nya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Alex "kaya mahal kita eh' kiniss pa nya ang pisngi nito.

Akala ko sasapukin ni Alex si Nate pero nabigla nalang ako ng mamula lang sya at natahimik. Natawa nalang ako sa kanila.

"Ikaw lang ata ang walang partner dito iho. Hindi ka ba naoOP?' Sabat ni mama na nakatingin kay CC. Natawa nalang ako kay mama kasi nga yan din ang iniisip ko.

"Eh wala pa po tita eh' at nagkamot pa sya ng ulo.

'Oo nga naman Clay. Nandiyan naman si Miracle, diba My" sabi naman ni Kirk na magkaholding hands din sila ni Van.

"Sino naman si Miracle?" Nakatingin ako ng nakakaloko kay Clay.

"Yun yung babaeng patay na patay kay Clay. Ewan ko nga ba jan kay Clay, either bulag sya o bading sya. Ang ganda kaya ng babaeng yun tsaka mabait pa" si Sam na ang sumagot sa ranong ko kasi bakas naman sa mukha ni Clay na ayaw nya yung pinag uusapan namin at wala syang balak sagutin ako.

"Nabalitaan ko nga na nagpapaturo yun ng chess para lang makapasok sa club mo. Iba na yan pare baka sya na yung forever mo' dagdag naman ni Stephen at halata namang tinutukso lang nila si Clay pero interesado ako sa Miracle nato.

'Narinig ko rin na tinatanong nya yung mga kilala mo kung saan mo balak mag college at anong course ang kukunin mo. Iba na talaga yan pare" kung sumama ang mukha ni CC nung pinag usapan namin yung Miracle ngayon mas lalong sumama ang mukha nya kung may ganun nga.

"Tumahimik nga kayo jan. Tsaka tigilan nyo nga ako sa kakabanggit nyo sa himalang yan. Nakakapikon na. Tsaka tita hindi lang naman ako yung walang partner pati narin si Jaja." Napunta na naman lahat ng tingin sa akin. Biglang natahimik ang buong kwarto at naghihintay ng sasabihin ko.

"Nasa kabilang kwarto lang naman yung forever nya" basag ni Nate sa katahimikan ng kwarto. Nasapok na naman tuloy siya ni Alex.

"Totoo naman babe. Nasa kabilang kwarto lang naman si Ky tsaka sumusobra kana sa sapok babe ah tsaka masakit yun napalakas ata yung sapok mo."

"Alam mo minsan gamitin mo nga yang utak mo. Nakakabobo ka eh" sabi naman ni Alex na akala mo pinapagalitan yung anak.

"Ha? Anong ibig mong sabihing nasa kabilang kwarto si Ky. Akala ko umuwi lang yun kaya hindi na bumalik dito." Tanong ni mama na halata sa boses ang pag aalala.

'No worries tita. Nahimatay lang yun dahil sa dehydration kaya wala kang dapat ipag alala" assured ni Sam kay mama. Napansin ko naman na nakahinga ng maluwag si mama.

"Eh kasi naman yung batang yun halos araw araw nalang naandito. Mas madalas pa nga sya dito kesa sa mga nurse at doctor." Nabigla naman ako sa sinabi ni mama. Alam kong bumibisita sya kay mama kasi sya yung nagpaalam sa akin sa kalagayan ni mama pero I didn't expect him to visit almost everyday.

"Alam nyo naman si Ky kung anong gustuhin nya yun yung masusunod. Tsaka kahit anong gawin natin walang makakapigil dun sa mokong nayon" dagdag ni Sam na nakangiti. Hindi ko man isipin pero kusang nagfaflashback ang mga times namin ni Ky kung saan ang tigas ng ulo at walang makakapigil sa kanya.

"Tsaka sinabi din ni Ky na habang wala si Jus sya muna ang bahalang magbantay sa inyo. Responsibilidad ka na daw nya tita" natawa nalang si mama sa sinabi ni Alex.

"Natawa nga ako ng sinabi nya yun sa akin. Yung batang yun talaga." Kabaliktaran ang reaksyon ko sa mga reakayon nila. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga naririnig ko. Marami akong gustong sabihin at itanong sa kanila kaso ni isang salita walang lumalabas sa bibig ko.

Nadako naman ang tingin ko kay Sam. Hindi ko napansin na kanina pa pala sya nakatingin sa akin. Tinanguan nya ako. Parang sinasabi nya sumama ako sa kanya. Tumayo na sya at nagpaalam na may bibilhin lang sa labas nagulat nalang ako ng sabihin nyang samahan ko raw sya kaya wala na akong magawa at sumama na sa kanya.

Pagkalabas na pagkalabas namin sa kwarto hinatak nalang ako bigla ni Sam at naglakad papunta sa hindi ko alam kung saan pero sure ako na hindi ito papuntang cafeteria.

"Sam nasa kabila ang papuntang cafeteria"

"Wala naman akong balak bumili ng kahit ano. Sinabi ko lang yun para magkausap tayo. May dapat akong sabihin sayo." You can hear the urgency in her voice. Parang kung ano man ang kailangan nyang sabihin sa akin, napakaimportante nito.

Napansin ko nalang na nakalabas na kami ng ospital at papunta kami sa park na pinuntahan ko kanina. Siguro nga importante ang sasabihin nya dahil malayo layo rin itong park sa ospital.

Huminto kami sa isang bench at naupo. Hindi na muna nagsalita si Sam at naghabol pa ng hininga. Lumipas ang ilang sandali at hindi parin sya nagsasalita.

"What is this all about?" Tanong ko.

"You have to know the truth" simple at maikli nyang sagot.

"Truth? About what?" Wala akong maisip na kailangan kung malalaman ang totoo maliban sa. Lumakas ang tibok ng puso ko. Am I ready to hear this.

'Truth about what happened a couple of months ago with Ky and you" and the answer is Yes Im ready to this.

VOTE.COMMENT.FOLLOW

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon