Nakarating na kami ni Alex sa office ng chess club. Nauna nang nakarating sina Sam at Van.
Tama nga ang sinabi ni Alex kanina muka ngang magagaling ang mga members ng chess club halata kasi sa mga certificates at trophies na nakadisplay sa office nila at wow lang ha ang laki ng office nila talagang asset ng school ang chess club.
Napansin kong may mga kasamang boys sina Van. Infairness ha ang gagwapo ng mga kasama nila.
“O Alex nandiyan ka na pala, bakit ang tagal mo naman alam mo bang na miss na kita” sabi nung isang lalakeng mukang walang ka seryo seryoso ang mukha. Mapang asar kung baga.
“tumigil ka nga jan Nate, naririndi ako sa pinagsasabi mo” Nate pala ang pangalan nitong gwapo. Halatang alaskador ang isang to at mukang trip nya si Alex.
“may bagong kasama pala kayo babe” sabi naman ng isang lalake na nakaakbay pa kay Sam . gwapo din naman ang isang to may kulay yung buhok at mukang babaero. Ang flirt pa ng boses.
“ obvious ba at wag na wag mo akong matawag tawag na babe , babaero ka talaga” binatukan ni Sam yung lalake , kawawa naman pero babaero daw kaya buti na rin yun sa kanya.
“eh babe wala lang yun no, hindi ko nga yun kilala eh”
“hindi kilala eh may pa yakap yakap pa kayo ano yun stranger’s greeting” umuusok na ang ilong ni Sam. From the looks of it boyfriend ni Sam ang lalakeng nakaakbay sa kanya at from the looks of it eh mukang may LQ silang dalawa.
“tumahimik nga kayo Sam , sa harap pa ni Justin kayo nagbabangayan hindi man lang ba kayo nahiya” ayan na si peacemaker Van nagiging monster na. natahimik naman sila Sam at yung boyfriend nya.
“at pinatahimik mo pa talaga sila Sam ,eh ikaw nga dyan ang maingay ang lakas ng boses mo pwede namang hindi sumigaw dba.. tsk..” ang angas naman ng isang to. Gwapo din itong isang to pero ang angas ng dating tsaka mukang may aura na what –he-wants-is-what-he-gets. Mukang male version ni Van.
“ano bang problema mo Kirk at ako na naman ang sinisita mo ha at ang angas pa ng dating..”
“ eh pinatahimik mo sila mas maingay ka pa nga “
Kayong lahat ang ingay nyo naman “
May isang lumabas sa isang room sa office.
“CLAY” bigla kong tawag sa lalaking lumabas sa room. Anong ginagawa nya dito . wag nyong sabihin na member sya ng chess club. Ang ibig sabihin nito makakasama ko sya sa chess club pag nagkataon na matanggap ako. Kailangan ko talagang makapasok sa club na to. Grabe naniniwala na talaga ako sa destiny .waaaahhhh… ano ba tong mga pinagsasasabi ko may pa destiny destiny pa akong nalalaman.
“ O ,Justin diba?” waaaahhhh natatandaan pa nya ang pangalan ko . nakakakilig…
Napangiti nalang ako sa kanya at tumango.
“kilala mo na pala si Clay, ah guys(tawag sa mga guys … tsk obvious ba) ito psla si Justin bago naming kaibigan. Justin si Nate, Kirk at Stephen, sya ang boyfriend ko” pakilala ni Sam.
“ ah hi sa inyo” kaway ko sa kanila.
“hi din “ tugon ni Nate at Stephen sa akin pero hindi naman ako pinansin nung Kirk ang angas talaga ng dating ng lalakeng to. siniko sya ni Van at tiningnan nya ito ng nag-hi-sayo-mag-hi-ka-din-look, muka namang nabasa nung Kirk ang gusting iparating ni Van kaya “ hi din”
BINABASA MO ANG
"PRINCESS IN DISGUISE"
RomanceTHE PRINCESS LEAVE THE CASTLE AND BECOME A NERDY GIRL... ANONG MANGYAYARI SA KANYA? KAKAYANIN KAYA NYA? BAKIT SYA LUMAYAS SA CASTLE? MAKAKATAGPO PA KAYA SYA NG PRINCE CHARMING NYA ? READ AND JOIN IN HER JOURNEY AS SHE IS THE PRINCESS IN DISGUISE..