PID- 28- " KY: I LOVE HER"

5.8K 155 3
                                    

AN: MERRY CHRISTMAS TO EVERYONE.. GOD BLESS

KY'S POV

Three days ng absent si Jus at hanggang ngayon hindi ko pa din sya nakakausap. Hindi nya sinasagot ang mga tawag ko. Nung pumunta naman ako sa bahay ng mama nya kasama si Clay natutulog daw sya kaya hindi sya pwedeng maistorbo. Alam ko na iniiwasan nya ako pero hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang pakikitungo nya sa akin.

Ang gulo na ng isip ko. Hindi naman kami nag away ng huli naming kita. OO nga hindi ko sya nahatid kaso sya din naman ang may kasalanan nun eh. Nakita ko lang naman na nakasampa sya kay Tyrone. Napansin naman nya na hindi ko gusto ang lalakeng yun tapos makikita ko syang ganun ang nagyayari kaya hindi ko rin sya tinawagan dun kasi kahit na ang bading pakinggang nagtatampo ako. Gusto na nya ba ang asong yun?

Isa pang gumugulo sa isip ko ay si Kate. Bigla nalang siya nagpakita at kinausap ako na para bang walang nagyari noon. Hindi ko alam ang naramdaman ko ng magkausap kami. Alam ko sa sarili ko na namiss ko sya. Gusto kong malaman lahat ng nagyari noon. Bakit nya ako iniwan? Anong ginawa kung masama noon? Bakit ngayon lang sya bumalik? Anong kailangan nya sa akin? Pero isang tanong lang ang alam ko na pinakamahalagang tanong na ako lang din ang makakasagot. Mahal ko pa ba sya?

Nung nag usap kami lahat ng nakaraan namin ay bumalik sa akin. When we were happy and in love. Naisip ko gusto ko bang bumalik ang lahat ng to?

Nabigla ako ng bigla nya akong halikan. I close my eyes but nagtaka ako sa nangyari. Wala. Wala na akong nararamdaman sa kanya. Yung mga sinasabi nilang tumitigil ang mundo o kaya yung mga sparks, wala na. In past inaamin ko na nararamdaman ko yung mga sparks na sinasabi nila akala nila babae lang ang nakakaramdam nun pati narin kaming mga lalake no.

 Pero nung hinalikan nya ako wala talaga. Masama ba akong lalake pag sinabi kong nung hinalikan nya ako iba ang nasa isip ko. Na iniisip ko na sana sya yung hinahalikan ko ngayon. Na ibang iba ang halik nilang dalawa?

Hindi ko napansin na tinulak ko na pala siya. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya. Ako din naman sa sarili ko nabigla ako sa ginawa ko pero reflexes nalang siguro yung.

"BLAG" naputol ang pag iisip ko ng sumara ng malakas ang pinto at nakatayo na sa harapan ko si Clay. Nasa CCO ako ngayon at bago paman dumating ang lalakeng to eh mag isa lang ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong nya.

"Nagpapahinga" bagot kung sagot sa.kanya. inistorbo nya ang pag iisip ko.

"at bakit ka naman dito nagpapahinga?" Bakit ba ang daming tanong ng isang to.

"Hindi ba pwedeng dito?"

"Pwede naman kaso hindi ka naman member ng chess club no tsaka panu ka nakapasok dito?"

" eh pwede naman pala eh bakit ba ang dami mong tanong tsaka kung pano ako nakapasok dumaan lang naman ako sa dinaanan mong pinto" walang gana kung sagot.

"Ewan ko sayo Ky, pero maiba tayo dumalaw ka ba ulit?"

"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon