PID 41 - "MISSION FAILED"

5.2K 105 1
                                    

SAM'S POV


Its been three days since sinimulan namin itong aming private investagion tungkol sa mga pangyayari sa mga nakaraang araw. Three days narin na biglang naging gagu ang pinsan ko. Ewan ko ba din kong ano ang nangyari.


Nandito kami ngayon sa hotel kung saan doon daw nangyari yung ka Ky. Hindi daw matandaan ni Ky kung sino ang kasama nya noo kaya nandito kami para alamin kung sino.


Madali lang kaming nakapasok dahil kina Nate ang hotel nato. Ang kailangan lang namin ay ang makita ang CCTV footage nung mga oras na yun para makita kung sino ang kasama ni Ky. Kasama ko ngayon si Clay at Nate, kaming tatlo lang kasi hindi naman pwedeng kami lahat ang pumunta dito at magdemand ng CCTV footage.


Nakapasok na kami sa control room kung saan halos hindi ko na mabilang ang monitor na nasa loob ng kwarto sa dami. Lumapit kami sa parang head tapos may ipinakita si Nate sa head at pinalapit kami. Ganun din ang nangyari kanina ipapakita lang ni Nate yung papel na dala tapos magagawa na namin ang kailangan naming gawin. Tinanong ko si Nate tungkol sa papel ang sabi lang nya ay pass daw yun sa lahat ng sulok ng hotel. Hindi nalang ako nagtanong pa ng marami basta ang importante magawa namin ang dapat naming gawin dito.


"Ano pa bang saysay ng ginagawa natin Sam?" Biglang tanong ni Nate na nasa tabi ng head at sinasabi ang mga impormasyon na kailangan para sa footage.


"Ano namang tanong yan?"


"Kasi sa tingin ko hindi na naman affected si Ky sa mga nangyayari, parang naka move on na sya" paliwanag  ni Nate.


Tumingin ako kay Clay kung may gusto ba syang sabihin pero mukang hindi sya nakikinig sa amin at nakapukos lang yun tingin nya sa monitor.


"Hindi ang naman to para kay Ky kundi pati narin para kay Jus" tumango nalang sya sa sinabi ko.


"Bumabalik na naman ang dating Ky" sabi nya bago itinuon ang tingin sa monitor.


Gaya nga ng sabi ko sa itaas 'nagiging gagu na naman si Ky' at sa translation nun para kay Nate ay 'bumabalik na naman ang dating Ky'.


"Kahapon nakita ko sya nung morning break kasama yung isang cheerleader Rachel ata pangalan nun, halos kainin na nila yung mga mukha ng isat isat sa tapos nung lunch naman iba na naman yung kasama nya tapos ang matindi pa nung pauwi na kahapon nakita ko si Fretzei sa loob ng kotse nya. Akala ko ba ayaw nyang pumulot ng mga basura lalong lalo na yung mga itinapon nya." Biglang sabi ni Clay. Napatingin naman kami ni Nate sa kanya.


Yung mga sinabi ni Clay alam na namin yun heck alam na siguro yun ng buong school. Balitang balita narin ang pagkawala ni Jus at ang paghihiwalay nila.


Wala kaming kahit anong balita tungkol kay Jus. Pumunta kami sa mama nya hindi pa daw kumukontak. Dito naman si Ky hindi ko gustong makatanggap ng balita sa kanya. Nagiging hobby na nya ang papalit palit ng babae na parang nagpapalit lang sya ng damit at ang matindi pa yung pagpapalit nya hindi araw araw kundi oras oras.


"Sya yan" sabi ni Nate habang nakaturo pa sa monitor.


"PRINCESS IN DISGUISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon