Chapter 35

92 4 11
                                    

"You don't want to stay longer?"


I asked nang hinihila na ko ni Axel papunta sa sasakyan niya. Wala pa kaming 2 hours dito sa venue tapos uuwi na kami. Such a KJ!


"Mamaya umulit na naman 'yung lalaking 'yon." He simply said habang tuloy-tuloy pa din sa paglalakad at paghihila sa'kin.


"Eh umuwi na nga siya diba!" I raised my voice at him, so he stopped walking and faced me.


"Paano kung may umulit sa'yo non?" His face turned serious kaya napaiwas ako ng tingin.


"Edi ang kapal naman ng mukha nila kung ganon." I whispered habang naka-iwas ng tingin.


"Kaya tara na." He pulled my hand again kaya wala na akong nagawa.


Pinagbuksan niya ko ng pintuan, and he put his hand bandang itaas ng pintuan para hindi ako mauntog. And he put on my seatbelt 'saka siya umikot para sumakay na din. We drove towards my condo, tahimik lang kami pareho. Tanging 'yung radyo lang 'yung  nakakapagpa-iwas samin sa awkwardness.


Finally, we arrived. Nagdadalawang-isip ako kung iinvite ko ba siya sa loob since hindi namin naenjoy 'yung party. He's still my ex na nanakit sa'kin years ago. He's still that man na sobrang nagpapakulo ng dugo ko. But he's that guy who saved me a while ago. Maybe, I owe him one.


Medyo nahihiya pa akong tumingin sa kaniya bago bumaba ng sasakyan niya.


"G-gusto mong pumasok?" I asked.


His brows furrowed while looking at me, "Are you sure?"


I nodded without hesitations, "Yes."


He roamed his eyes around my condo pagkapasok namin. Mabuti na lang ay malinis ito bago umalis si Ashley, oh goodness, thanks to her. He comfortably sat on my sofa at umupo ng de-kwarto. Wow, feel at home ha. He removed his coat and his bowtie, 'saka nagtanggal ng dalawang butones sa taas at tinupi 'yung sleeves niya hanggang sa siko niya.


Agad kong iniwas 'yung tingin ko nang mapansin kong kanina pa ko nakatitig sa kaniya. Umupo na din ako sa sofa saka dahan-dahang hinubad 'yung heels ko. I groaned habang hawak 'yung ankle bone ko na medyo masakit. I suddenly felt Axel's presence beside me.


"Sino ba kasi may sabing mag takong ka ng ganto kataas?" He said with a pissed tone.


Hinawakan niya 'yung heels ko and he removed it slowly habang minamasahe ito ng kaunti. I breathe heavily sa tuwing ididiin niya 'yung paghawak. But minutes after, medyo um-okay na 'yung paa ko. He suddenly turned his look on my left arm na may kaunti pa ding pasa. Idiniin niya 'yung daliri niya doon, dahilan para umaray ako at mahampas ko  siya sa balikat.


"Masakit!" But he just laughed at my reaction.


"The next time you see him, or lumapit siya sayo, itext mo lang ako. Pupuntahan kita." He gazed at me, and I was also looking at him.


Lost Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon