Chapter 5

129 28 3
                                    

"Yaya!"


Paguwi ko sa bahay, bumungad sa'kin 'yung mga maleta sa sala, so I guess my parents are here already!


"Yes po, ma'am?" Agad na lumapit yung isang helper namin.


"Nakauwi na ba sila mommy?"


"Ah, e, ma'am, binaba lang po nila saglit 'yung mga gamit nila tapos pumunta na po sila daw sa opisina." Tumango ako, 'saka bumalik sa trabaho niya.


My parents are really busy, minsan na lang namin sila makasama dahil mas madalas sila sa Canada, at iba pang bansa. Kami lang ni Dark ang palaging naiiwan dito, well we understand them naman. We know that's for our future.


I just had my breakfast alone, dahil tulog pa si Dark at ayoko muna siyang gisingin. Saktong pagtapos ko naman kumain ay tumawag si Ashley.


[Hoy girl!]


"Bakit?"


[Nagyayaya yung isang kaklase natin, birthday daw niya ngayon. Doon daw tayo sa Dullo, sa Makati. Sama tayo, girl!]


"Clubbing?"


[Oo girl!]  Bakas sa boses ni Ashley yung excitement.


[Ano, girl? G tayo? Madaming pogi 'don!] Ashley said again nang natahimik ako.


"Magpapaalam pa ko, Ash. Inform kita agad kapag pinayagan ako ha." Malungkot na sabi ko sa kaniya.


[Oo nga pala, strict pala ang parents. O sige, sabihan mo ko agad ha!] Saka natapos yung tawag namin.


Kinikita ko na 'yung sarili kong hindi makakasama mamaya, sobrang strict nila lalo na ni mommy. So I rarely go to clubs. Mas madalas ko kasing puntahan, party with their investors. 'Yung mga formal gathering lang.


And as expected..


"Mom, payagan niyo na ko please? Minsan lang naman."


[No, Solana Amelie. You stay there, at walang aalis.]


"But mom-"


[No buts, baka gusto mong maulit 'yung may maissue na naman na lalaki sayo na hindi mo kilala? Gusto mo bang ma-hotseat ulit?]  I sighed heavily.


"Okay, okay I won't go. Sorry for disturbing you." Labag na labag sa puso 'kong tinext si Ashley. Sobrang gusto kong sumama, pero ayoko namang magalit sa'kin magulang ko. I'm not that kind of rebel kid.


To: Ashley

Girl, sorry. Go without me, and have fun! Hindi pinayagan eh.

Lost Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon