Chapter 38

74 3 13
                                    

"Guess what? Huli ka sa balita!" 


Boses kaagad ni Ashley ang sumalubong sa'kin papasok ng office ko sa restaurant. Agad akong napatakip ng tenga dahil mukhang alam ko na ang susunod na gagawin niya. And I knew it, she's gonna scream.


"Aaahhh, girl! Axel's here since last year! At hindi man lang siya nagparamdam! Paano niya nagawa 'yon? We're in the same country! Paano siya nagtatago?" Ashley said hysterically that stunned me. He's here? Axel's here.


"Ano nang gagawin natin?" Napatigil siya sa pagsasalita at binatukan 'yung sarili niya, "Bakit ka ba nakikisali sa kanila? Sila lang dapat." She said and faced me again, "Oh, ano nang gagawin mo?" 


I sighed heavily, "Wala." 


I saw how her eyes widened dahil sa sinabi ko, "Anong wala?! Ayan na oh, ayan na siya! Pakakawalan mo ba ulit?" 


"Whut? In the first place, and in the second time around, siya ang nangiwan, okay? At ang kapal naman ng mukha niya kung hahabulin ko pa siya. Never in his wildest dreams!" I rebutted. Umupo ako sa mini sofa doon at ininom 'yung juice na dala ng isang assistant ni Ashley. 


Natatakot ako. Paano kung magkita kami ulit unexpectedly? Gosh, I can't imagine having him in my life again. Twice niya na kong sinaktan, at hindi na ko tanga para gawin 'yon na tatlo. I've learned enough in that 3 years time. Matured enough to handle those things. Well, I really hope so. 


Nabalitaan ko din na magkakaroon din ng Founding Anniversary party ang Architectural firm nila Architecture Cortez, at parang pa-welcome party daw kay Axel. Welcome party? Eh diba kasasabi lang kanina ni Ashley na last year pa siya dumating? Ang gulo nila. 


I refused to come to that party. Una, dahil busy ako at pangalawa, makikita ko si Axel doon. So, no is my answer. Not until si Architect Cortez na mismo ang nag-abot sa akin ng invitation letter nila. Talagang sinadya niya pa ako sa office ko kinabukasan.


"Well, well, lately ko lang nalaman 'yung sa inyo ni Architect Villamor ha." He started habang iniinom 'yung kape niya. 


These past few year, medyo naging close kami neto ni Architect dahil parang kuya kuya na din namin siya ni Ash. So, yeah, we're comfortable with each other.


"Walang kami." I clearly stated habang tinitignan 'yung invitation na dinala niya.


Napatingin ako sa kaniya when I heard his slight laugh, "Syempre, dati pa 'no. Kaya pala 3 years ago noong nalaman mong umalis siya, parang walang ka sa sarili mo non. I know you're in the bridge of crying that time." He said, well, obviously teasing me.


"Ano ba, Architect? Hindi ka pa din maka-move on? 3 years na oh, naka-move on na nga ako tapos ikaw hindi pa? Move on - move on din pag may time ha." I answered and chuckled.


He kept quiet for a minute kaya napatingin ako sa kaniya. He was thinking of something kaya hindi na muna ako nagsalita at pinagpatuliy na lang 'yung pagtingin sa invitation. 

Lost Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon