Chapter 9

97 21 5
                                    


The next week, Ashley and I decided na mag-hiking ulit. It's been months noong huling mag-hike kami, we missed the nature. Of course, we planned first kung saang bundok kami aakyat, we also searched the weather for that day, so no hassle.


"Girl! Dalian mo naman, hindi na natin maabutan 'yung sunrise!" Sigaw sa'kin ni Ashley.


"Oo na, eto na. Uminom lang naman saglit!" Pareho kaming napatitig ni Ashley nang makita namin ang nabubuhay na araw. It's so refreshing to see a scenery like this one.


"Omg! For instagram!" Agad kong nilabas yung phone ko nang maalalang kailangan ko pa lang picturan ang magandang tanawin na nakikita ko ngayon, I'd like everyone to see this kind of beauty.


"Solly! Smile!" Napaharap ako kay Ashley nang tawagin niya ko, at ngumiti nang makitang hawak niya din 'yung phone niya para picturan ako. Nagselfie din kaming dalawa sa phone niya, mamaya ko na lang ito ipopost 'pag baba namin dahil mahina ang signal dito sa bundok.


"I missed this kind of place." Ashley had a deep sigh.


"Lalim naman niyang paghinga mo." Natatawang sabi ko sa kaniya.


Hinampas niya naman ako sa balikat, "Try mo kaya! Ramdam mong sobrang fresh ng hangin na nalalanghap mo!"


Ginawa ko naman 'yung sinabi niya, "Hala, oo nga!" Amusement are all over my eyes. Iba ang feeling kapag nasa siyudad ka.


"Ulitin mo pa." Pagsabi ni Ashley, kaya inulit ko 'yung ginawa ko kaninang paghinga ng malalim. "Ulit-ulitin mo lang." Pag-utos sa'kin ni Ashley, ginawa ko na lang din kasi ang sarap din naman sa pakiramdam.


Maya-maya lang, narinig kong tumatawa to'ng katabi ko, "Oh diba mukha kang tanga!" Patuloy niya pa din akong tinatawanan. But I just glared at her and crossed my arms. Pareho kaming naupo sa damuhan, 'saka sumandal sa puno habang pinipikit 'yung mga mata ko, this place is so relaxing, away from the city's noises and pollution.


"Oh, Solly! Wag kang gagalaw 'diyan ha! Picturan kita!" Narinig ko na lang na sabi ni Ashley, bigla naman akong napadilat. Baka kasi niloloko niya na naman ako.


"Hindi na ko uto-uto!" Sigaw ko sa kaniya.


"Seryoso nga kasi! Oh eto na, pak! Pak! Ganda oh!" Feeling ko naman totoong pini-picturan niya ko kasi may pa-flash pa, kaya naman nagpose na lang ako. Kunware stolen. Nang matapos, agad naman akong lumapit sa kaniya, "Patingin nga! Ipopost ko sa ig mamaya." Narinig ko namang natawa si Ashley.


"Joke lang! In-on and off ko lang 'yung flashlight ko! Walang picture!" Sabi niya habang tumatawa, at napapahawak pa sa tiyan.


"Ha ha ha ha." I sarcastically laughed at inirapan siya, "Bwiset ka."


Nilabas niya ulit 'yung phone niya, "Eto na, picturan na kita. Seryoso na promise!"

"Ayoko na! Baka utuin mo lang ulit ako!"

Lost Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon